Melissa's POV
Pag pasok ko ng Cabin House nakita ko sila ni Mercy nakatayo malapit sa lababo at nahuli kong nakatitig si Brent sa akin. Kakaiba ang titig niya at parang ini-iscan niya ako sa pamamagitan ng mga malilikot niyang mata na sumusuyod sa akin mula ulo hanggang paa. Kelan pa ito naging X-ray machine? Kelangan ko maka alis dito at hindi ako komportable sa ginagawa niyang pag iinspeksyon.
"Oh! Goodmorning! A-akyat muna ako... Mag shower." I plainly said and left.
Nangangatal ang boses ko dahil sa kanya at hindi sa lamig sa Baguio. Kakaiba kasi ang tigin ni Brent ngayon. Ayoko isipin kaya siya ganun dahil sa pinag saluhan naming halikan kagabi.
Habang nasa shower ako hindi ko lubos maisip baket ganun na nalang niya ko tignan kanina. May nagawa ba akong kasalanan?
After almost thirty minutes bumaba na ako at nakita ko siyang nasa dining table nag babasa ng online news sa kanyang Ipad. Bumilis ang pintig ng puso ko at heto na naman ako hindi mapakali ewan ko ba mula nung nangyari sa amin kagabi lagi na lang ako kabado.
"H-hello.." pinilit ko ngumiti na parang wala lang.
Inalis niya ang mga mata niya sa kanyang binbasa at tumingin sa akin. Grabe ayoko ulit tumitig sa mga mata niya. Parang siya si Dracula, nakakalambot ang mga titig niya.. Dahil sa titig na yan kaya ako napahalik sa kanya kagabi. Anu ba yan Melissa kung anu ano na naman ang iniisip mong malaswa pero sadyang masarap sariwain ang mga pangyayari kagabi. Kung hindi lang nakakahiya ay nag lulundag lundag na sana ako at nagsusumigaw. Pangarap ko yun ang matikman ang mga labi ng isang Brent Dela Torre. At may pa bonus pang dila! Susme feeling ko ang manyak ko na kainis! Walang pag sisi na sa kanya ko naibigay ang aking first kiss...
Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang kilig at kabog ng puso ko. Nung unang paglapat ng mga labi namin ako ay na estatwa at hindi ko alam ang gagawin ko next! Pero mukhang eksperto ang mokong na yun ako naman ay magaling na estudyante madaling matuto.
Jusko! Pina ungol ako ng pina ungol at halos inumin ako na parang juice! My gosh! Nakakapang lambot talaga ng tuhod buti naka higa kami kung hindi bumagsak na ako.
Paputol putol ang tulog ko kagabi at hindi naman ako yung tipong namamahay sadyang may nag-iisip siguro sa akin-- ayiiee asumerang frog lang. Ayan nagfefeeling maganda na ulit ako. Ganun pala ang halik... napakatamis. Kelan kaya ulit magkakaroon? Tutal hindi na virgin ang mga labi ko--at happy ako kay Brent ko ito isinuko. Yun lang hindi ko pa siya boyfriend. Napaka marupok mo talaga Melissa basta Brent ang pinag uusapan.
"Hello." Malamig ang kanyang mga boses. Baket ang suplado niya nitong araw na ito.
Umupo ako sa tabi niya andun na kasi ang naka prepare na plato, kutsara at tinidor. Pagkaupo ko nakita ko ang mga ulam, they are all my favorite. Egg sunny side up, hotdogs at corned beef ofcourse may sinangag!
Gusto ko na kumain pero may isang tao sa tabi ko na busy pa din sa pagbabasa ng kung ano ano.
Oh well gutom na talaga ako so kinuha ko ang siningag...
"Ehem! a-ah Brent kain na tayo?"
Tumango lang siya.
Fine! Nilagyan ko ng sinangag ang plato niya.
"Enough na ba ito sa 'yo?" Tanong ko para matansya kung tama na ang kanin na nailagay ko sa plato niya.
Sinilip niya ang nasa plato niya.. at tumango ulit.
Asan na kaya dila nito? Nakakaasar na siya ha! Problema nito??
"Brent! Tatango ka na lang ba dyan ng tatango? Nawalan ka na ba ng dila? Wala naman akong natatandaang dila na nalulun ko kagabi--- ah never mind." Natigilan akong bigla sa mga nabitawan kong salita.
Sh*t! Minsan itong bibig na ito pahamak talaga.
Naramdaman kong ibinababa niya ang ipad sa lamesa at humarap sa akin. Hindi ako tumingin sa kanya dahil alam kong kasing pula na ng Hotdog tong pagmumukha ko.
Kaya itinuon ko na lamang ang mga paningin ko mesa.
'Act normal Melissa... si Brent lang yan..' pagpapakalma ko sa sarili ko.
Napakuha ako bigla ng isang hotdog at kinagatan at nginuya ko ito pero wala akong malasahan dahil sa kaba at pagkapahiya.Kumagat ulit ako baka makatulong na mabawasan ang nanginginig kong kalamnan.
'Oh my lupa lamunin mo ko!'dasal ko.
I heard him chuckled softly.
Naramdaman kong itinapat niya ang labi niya sa bandang kanang tenga ko. Sabay bulong ng....
"So, Babygirl did you miss my tongue already?" He said in a sexy voice.
'Yes!' sagot naman ng utak kong di nag iisip. Ano ba yan apektado na ang buong sistema ko!
Pero hindi ako magpapahalata na hayok na hayok ako sa lintek na dila niya! Lumingon ako sa kanya and gave him a smirk.
" What? Meron ba dapat ma miss doon?"
Sabay mabilis na inalis ko ang paningin ko sa kanya at tinuloy ko ang pagkain ng hotdog. It took me alot of courage to tell that right into his face at magpanggap na hindi ako affected sa kissing scene namin kagabi.
Alam kong naapakan ko ang ego niya sa mga sinabi ko. That's the goal anyway --- One point for me zero point for you Brent. Don't mess with me huh!
Natapos ang aming almusal na walang imikan. Una siyang umalis sa hapag at pagka alos niya ay siyang pag akyat ko sa kwarto para mag ayos ng konti at para kunin ang mga gamit sa aming Market Reearch.
Pag bukas ko ng kwarto ko biglang sumambulat si Brent sa harapan ko. Mabilis niyang hinawakan ang aking mga balikat at marahang tinulak papasok muli ng kwarto. Narinig ko ang pag sarado ng pinto at dali-daling sinandal sa pader at sabay sa pag siil ng mga labi niya sa akin.
"Umpph!" napa ungol ako sa pagkabigla.
Mainit at may gigil ang paraan ng kanyang paghalik sa akin. Parang pinaparusahan niya ang aking mga labi na akin naman tinugon. Mapusok na pinasok at labas niya ang dila nito sa loob ng aking bibig na puno ng pananabik sa aking mga labi.
Bahagyang naipulupot ko naman ang aking mga braso sa leeg niya at nilasap ang pag angkin niya sa aking labi. He sucked gently my tongue then played inside my mouth. Oh my! Hindi ako magsasawa sa labi at dila ng isang Brent Dela Torre.
"Hmmm." Umungol ako muli dahil sa hindi ko maintindihang sensasyong nararamdaman ko.
Hinidi ko mawari ano ba itong nararamdaman ko tila ba ay nag iinit ang aking pakiramdam.
Pinutol niya ang aming paghahalikan dahil pareho kaming kinakapos na sa aming mga hininga.
"Now tell me, if you didn't miss my toungue?" Bulong niya sa akin sabay isang marahang halik sa akin pisngi ang iginawad niya. Napatulala ako sa kawalan at hindi namalayang umalis na pala ito sa harap ko.
Ayan yung one point ko nawala na trinaydor ako ng sarili kong katawan.
'Indenial ka pa kasi Melissa.. hindi raw miss? Plastic! ' Langyang utak to... palitan ko kaya masyadong prangka!
Pagdating ko sa garahe nakita kong nasa loob na si Brent sa loob ng naandar na sasakyan.
Napabuntong hininga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob na harapin muli siya.
Binuksan ko ang pinto sa likod ng sasakyan at doon ako sumakay.
"What are you doing there?" Gulat niyang tinanong sa akin.
"Can't you see? E di naka upo-- tara na malalate tayo."
"Why there? Mukha naman akong driver mo." Naasar na sabi nito.
"Why here? Kasi ayoko tumabi sa isang magnanakaw!" Galit kong sinabi.
" What? Magnanakaw? Ako?"
" Magnanakaw ng halik!" Pakli ko.
Tumawa siya ng malakas.
"Alright I'm so sorry about that." Sensero niyang sinabi. "Dali na Babygirl dito ka na umupo sa tabi ko."
" The answer is NO!" Matigas kong pagtutul
" I promise I won't touch you ---nor kiss you." Malambing niyang sabi.
" Drive!"
" Fine I will let you win this time!" He pouted at nag buntong hininga ng malalim.
Ang cute niya mag pout pero I've made my decision na hindi ako tatabi sa kanya--- muna.
'Parusa mo ito manigas ka dyan!' bulong ko sa sarili ko.