Chapter 17

2110 Words
Melissa's POV The guy in navy blue Tuxedo saluted in response sa ginawa ni Brent. He looks charming too and has a cute smile. Ang pangangatawan ay kapareho nang kay Brent, kahawig din niya ito pero syempre mas gwapo pa din ang Habibi ko. Syempre I love my own! Napansin kong nagpapaalam ang lalaking nasa kabilang table to excuse himself out at sabay tumayo ito. He then looked at us in our direction and approached our table. "Bro!" Sabi nito nang makarating ito sa aming table and smiled warmly. Tumayo si Brent and patted his shoulder. "Ladies! Meet my cousin Jacob Dela Torre..." He casually said at tumingin kay Athena at kumindat pa ito! May nangangamoy na lovelife...hmmm. Isang pilit na ngiti naman ang isinukli ni Athena sa kanya. If I know kinikilig ang isang to... Ayiii. I know her very well kapag di makangiti ng maayos meaning ay kinikilig ang bata! Aruuu. "Hello, beautiful ladies." Malugod niyang bati sa amin. " Hi!" Mainit kong bati. " H-hello..." Sunod naman na bati ni Athena na nauutal pa. "Bro! Swerte mo at dalawa dalawa ang mga ka-date mo?" Kantiyaw niya kay Brent. " Bro! isa lang date ko sa kanila ofcourse--pero yung isa diyan pwedeng pwede mong i-DATE! ." May diin sa kanyang huling sinabi sabay tapik sa balikat nito at agad na tumingin ng makahulugan kay Athena. Athena just rolled her eyes-- alam na niya siya ang pinatatamaan.Ewww, pa demure ang lola feeling ko nahihiya ito na awayin si Brent dahil kay Jacob. "Cuz, by the way meet Melissa Fuentes my girlfriend and her bestfriend Athena Hidalgo the Host's only daughter---- single and ready to rumble este mingle pala." Biro nito sa huli. Pinag lakihan lang nang mata ni Athena si Brent. " Nice meeting you Jacob." I smiled at him and held out my hand for a handshake. I was happy to meet Brent's cousin, ang unang kapamilya niyang makikilala ko. But instead of giving me a handshake he hugged me. " Welcome to the family -- sis in law." Napanganga na lang ako dahil sa nabigla ako sa ginawa niya. At dahil dito hindi ko alam kung gagantihan ko ang pagkakayakap niya sa akin. Nakaka shock naman itong si Jacob... Napaka warm mag welcome! "Hey hey... Hands off Jacob! Ako lang may karapatan sa kanyang yumakap!" Sabi ni Brent sabay dumilim ang itsura. Hinila ako ni Brent sa tabi niya at inakbayan ng mahigpit na akala mo'y isang bagay ako na pag mamay ari niya na ayaw ipahiram sa iba. Oh well... Haba lang ng hair ng lola---napaka possessive ng lolo niyo kasi. "Bro walang malisya yun, infact she is my sister to be naman! At alam mong walang taluhan di ba?" Ngumisi ito sa kanya nang nakakaloko. "Just back off! " "What? You still don't trust me Bro? Sa dinami dami nating pinagsamahan... ang tanging taong tumulong sa yo nung napata----" Hindi na naituloy ang sasabihin ni Jacob nang biglang tinakpan ni Brent ang bibig nito. Natatawa na lang kami ni Athena sa dalawang mag pinsan parang asal bata. Na curious tuloy ako sa sasabihin sana ni Jacob.Hmmm? Nang tumigil ang dalawang magpisan sa pag haharutan. Mabilis naman nilang inayos ang kanilang mga itsura. At bumalik sa tabi ko si Brent. At umupo naman si Jacob sa tabi ni Athena. "Hello gorgeous." Saad ni Jacob with matching kindat pa! Naks! What a cassonova. Napangiti si Athena na mukhang namimilipit sa kilig ang bruha. Iniangat niya ang mga kamay niya ngunit imbes magshakehands sila biglang hinalikan ni Jacob ang kamay niya pagka abot sa kaniya. Napasinghap ang aking bestie sa nangyare at namula ang mga pisngi. "Uyyyy..." Tukso ko kay Athena ngunit inirapan lang ako. "Ano Tinang galing ko noh? May Fafa ka na ngayong gabi." Sabay biro ni Brent kay Athena. "Tse! Fafa your face!" Mataray na sabi nito kay Brent. Natawa na lang ako kay Athena sa inakto nito. Ilang minuto ang nakaraan ay nagsimula na ang programa nang gabing iyon, kinantahan ng "happy birthday song" si Tito Nick nang umakyat ito sa entablado kasama ni Tita Maris. Mayron ding simpleng AVP presentation kung saan ipinakita dito ang transition ni Tito mula bata pa siya hanggang sa kasalukuyang estado ng buhay niya. Sumunod ang the best part ang kainan. Habang nagkakainan ang mga bisita ilang kapamilya, katrabaho at ka partner sa negosyo ang nagbigay ng maiikling message kay Tito. Nang matapos ng kainan ay nag anunsyo ang emcee na open na ang dancefloor. "May I have this dance Babygirl?" Isang malambing na tinig ang pinakawalan ni Brent. "Ofcourse my love." matamis na sagot ko naman. Inaabot niya ang kanyang kamay upang alalayan ako papunta sa dance floor. Kasalukuyang isang love song ( I've Finally Found Someone by: Brian Adams and Barbarra Streisand) ang tumutugtog, this would be a memorable song for us kasi first dance namin ito. Pagdating namin sa gitna ng dancefloor ay kapwa nagkadikit ang aming mga katawan, ang mga kamay ko ay awtomatikong humawak sa kanyang mga balikat at ang mga kamay naman niya ay pumatong sa aking beywang. And together graze the dance floor. Napansin ko na lang nasa tabi namin si Athena at Jacob na nag sasayaw din. Mahahalatang naiilang si Athena pero naka guhit ang malaking ngiti ni Jacob sa kanyang mukha. "Look at those two Babygirl... Pede na ba ako maging kupido?" May halong yabang na pagkakasabi. At tumango tango ako. "Fan na nga ako sa loveteam nila." "By the way Babygirl we will stay here in this hotel tonight." Marahang sinabi niya na pabulong malapit sa aking tenga. "What? Why?" Gulat ko sa sinabi niya. May binabalak ba tong lalaking to mamayang gabi? No! Brent will surely respect me Im sure. Wala munang sukuan ng Bataan na magaganap...pero pag nagpumilit siya? Ahmmm wag natin pangunahan. I will cross the bridge when I get there! ahihi "Wala nang available na Helicopter kasi after 7pm Babygirl." He explained. " FYI Babygirl we will be sleeping in separate rooms... if that is what you are worrying about. Pero I'am still open for an invitation to stay in yours." Isang pilyo ang gumihit sa labi niya. " Asa ka! ---I should call Inay then..." " No need baby, napagpaalam na kita." " How about our clothes..." " I've taken care of that too." " You are the best talaga Habibi--- the best mag surprise!." Kinurot ko ang pisngi niya na medyo may pang-gigil dito. "Ouch Babygirl! Mapanakit ka talaga." Sabay hinalikan ang tungkil ng ilong ko. "Hilig mo tsumantsing talaga! Atsaka huwag ka masyadong PDA Habibi baka andyan lang mommy mo." " I don't care Babygirl, and the fact na andito si Jacob for sure siya na yung pinapunta niyang representative dito. " He assured me. Medyo kumalma kalma ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Hindi ko pa kayang makaharap ang Mommy niya lalo na nung nalaman ko ang estado nila sa buhay. I may sound cliché baka katulad niya rin kasi yung ibang mayayaman na hindi tumatanggap ng katulad kong commoner lamang. Yah! Pang telenobela ng datingan pero yun ang pakiramdam ko dahil hindi sila basta bastang mga tao sa lipunan. Sa kabilang banda pwede namang hindi siya ganun humusga ng tao? "Penny for your thoughts. Ang lalim yata ng iniisip mo Babygirl" He curiously said. "Sorry... " I smiled shyly. Im sure he saw my worried face. "Just trust me Babygirl, this relationship will work kahit anong mangyari basta dito ka lang sa tabi ko at hindi mo ako iiwanan." At lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa aking mga beywang. "I love you!" He whispered this three words into my ears. Ito lang ay sapat na upang mapanatag ako at hindi na mangamba sa aming hinaharap. " I love you more." I said with all my heart, saka hinilig ang ulo ko sa matitipinong dibdib niya. Now Im home, because he is my Home. Brent's POV Hawak hawak ko ngayon nang mahigpit ang beywang ni Melissa habang inaalayan siyang naglalakad patungo sa elevator going to our room. Paano naman kasi, sa itsura at tayo palang niya ay mukhang hindi na niya makakayanang makarating sa aming pupuntahan. At sa oras na bitawan ko ang beywaang niya ay mabubuwal at mabubuwal ito sa kinatatayuan niya. I never expected na ganito ang magiging epekto ng alcohol sa kanyang katawan. She is quirky when she gets drunk pala. Pero cute parin naman siya. Another personality of her was unlock by this event. Sa susunod hindi ko na siya paiinumin ng kahit anong uri ng alak! I've learned that naka tatlong Boracay Slush cocktail drink pala siya the whole night. I was confident that she can handle it naman since it was only a cocktail. Pero huli nang sabihin ni Athena sa akin na mababa ang tolerance niya sa alcohol. After she told me about this napag pasyahan ko na siyang dalhin sa kwartong kinuha ko para sa kanya. She became unstoppable from drinking and asked for more sa waiter. Wala na sa tamang tempo ang pag inom niya at parang ginawang juice na lang yung kanyang cocktail. Tsk naughty girl. "Ha-habibi bit-bitwan mo ak-ako *hik* kaya ko sharili k-ko." Sabi niya, habang nakatingin sa akin ang mapupungay niyang mga mata nang dahil sa kalasingan. Ang cute niyang malasing at ang kulet lang! "Sshh Babygirl just concentrate walking okay?" Matiyaga kong sinabi sa kanya. Gusto ko na sana siyang buhatin pero ayaw niya talaga at sa tuwing pagtatangka ko ay napalag pa siya. No choice, but only thing I can do right now is to walk with her and assist her. " Habbbibbi Im shh-sleephy nah." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bahagyang napasandal siya sa aking dibdib. Nang ibinaba ko ang paningin ko upang tignan siya, sumambulat sa kin ang mukhang niyang payapang natutulog na sa aking dibdib at medyo nakanganga pa ang bibig. Gumuhit ang isang binibining ngiti sa aking mga labi sa nakita kong itsura niya. Sarap pikturan! Ang kanina lamang na makulet na Melissa ay biglang naging isang maamong anghel.Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. 'I guess this is my cue to carry her now.' isip ko. At Sa wakas, nagawa ko na din ang kanina ko pang gustong gawin sa kaniya. Binuhat ko siya in a bridal style. Nang marating namin ang kwarto, marahan kong inihiga siya sa kama. Pgkatapos ay dumerecho ako sa banyo at kumuha ng isang basang bimpo pati ang pampalit sa kanya. Banayad kong pinunasan ang makinis niyang mukha hanggang makarating sa bandang leeg. Dahil sa ginawa kong iyon ay bigla siyang gumalaw at tumagilid na paharap sa akin. Nakahinga ako ng matiwasay nang nakita kong mahimbing parin siyang natutulog. Naging pabor sa akin ang bagong posisyon niyang yun, hindi na ako mahihirapang gawin na ibaba ang zipper ng damit niya na nasa bandang likuran nito. Matapos kong gawin iyon ay saka ko siya ibinalik sa dating posisyon niyang nakatihaya. "Sorry Babygirl I need to do this." Paunang paumanhin ko. Inabot ko ang pantulog niyang black oversized t-shirt sa may bedside table at isinuot ito sa ulo niya. Saka unti unti kong inalis ang dalawang strap ng kanyang damit. At ipinalit dito ang dalawang manggas ng t-shirt. Gumalaw siyang muli at nang dahil dito ay nalilis ng kaunti paibaba ang gown niya upang lumantad ang kalahating parte ng kanyang makinis at malulusog na umbok sa kanyang dibdib. Napalunok ako bigla nang masilayan ko ang mga ito. Butil butil na pawis ang lumatad sa aking noo dahil sa pangyayaring ito. "Damn!" Mahinang mura ko dahil sa naramdaman kong pag init ng aking pakiramdam. Nanginginig ang aking mga kamay habang hinihilang pababa ang tshirt niya sa ibabaw ng kanyang gown. Kasunod ay ang paghila ko sa kanyang gown paibaba at hanggang ito ay mahubad ng tuluyan, saka mabilis ko siyang kinumutan. Mahirap na at baka kung ano pa makita ko, lalo pang maghirap ang nararamdaman ko. Wala pa mandin akong isinuot ba pang ibaba... 'Whew! Natapos din!' sigaw ng isip ko. Mag aala una nang umaga nang humiga ako sa tabi niya. Mas mabuting dito na ako matutulog kesa sa kwartong kinuha ko para sa akin. Sapaglat hindi ko kayang iwan siya sa kalagayan niya ngayon. Bahala na bukas kung anong sasabihin niya sa akin. Im ready basta safe siya. Bago pa man ako matulog ay pinagmasdan ko muna ang maamong mukha ni Melissa. Hindi ko mapigilan na hindi haplosin ang pisngi niya. Kasunod ang magaang paghalik ko sa kanyang mga labi. Those sweet lips. "I love you Babygirl." Bulong ko sa kanya. "Hmmm.." Isang mahinang ungol ang narinig ko sa kanya. At sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang yumakap sa akin, sabay nagsabi ng--- "Goodnight Armani....."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD