Chapter 16

2453 Words
'Nasaan kaya ang Habibi ko?' Ito ang malaking katanungan ko sa isip ko. Inaasahan ko si Brent ang susundo sa akin ngayon, wala naman siyang kahit anong message o tawag man lang kung nasaan siya. Bakit iba ang nakita ko pagkababa ko ng kwarto? Anyway, iniwaksi ko na lang muna ang nararamdaman kong bad vibes. Ang ganda ko pa naman ngayon, ayokong sirain ang magandang araw na ito. " Kuya Eloy, saan po tayo pupunta? Hindi po ito ang daan papuntang Maynila." Napuna ko kasing sa opposite way lumiko si Kuya. At medyo kinabahan din. Oo nga pala sumama ako sa isang estranghero nang basta basta. Hindi ko manlang na assess kung may kaugnayan siya talaga kay Brent. Dahil sa pag kainis ko na hindi si Brent ang sumundo sa akin, sumunod na lang ako basta sa lalaking nasa harapan ko. " Ah Ma'am dito po ang itinuro kasi sa akin ni Brent ---" depensa naman ni Kuya Eloy. Ayan medyo na himasmasan ako at nasambit niya ang pangalan ni Brent, dahil dito naging panatag na ang loob ko. Gusto ko pa sana magtanong kay Kuya Eloy kaya lang kilala ko si Brent. May plano na naman ang Habibi ko na hindi ko na naman alam! Anu na naman kaya itong pa-surprise guest niya? Natutuwa at na eexcite naman ang puso kong t*nga, huhu. Pero sa isang banda may takot din akong nararamdaman. Wala e marupok ka Melissa talaga. Kaya ayaw ko nang pa suspense nang tulad nito kasi ang daming naiisip ng utak ko nang kung anu ano. 'Tsk! This must be good Habibi kasi naku kasi pag hindi!!! Makikita mo.. makikita mo!!! Sinabi na kasing ayoko ng surprises e!' Naiinis kong saad sa isip ko. Makaraan lamang ng ilang minuto naramdaman ko ang pag menor ng sasakyan at napansin kong itinigil na ni Kuya Eloy ang kotse. At ito ay malapit sa gitna ng isang malawak na lugar. Sa may hindi kalayuan ay may makikitang isang helicopter doon, umiikot ang elisi nito na siyang nagdudulot nang magulo at mahanging kapaligiran na nagmistulang parang may bagyo. "Ma'am hanggang dito na lang po tayo..." Saad ni Kuya Eloy habang nakatingin sa akin gamit ang rear view mirror. " Po??---" Nalilito kong nasambit " Hindi niyo po ba alam Ma'am? Napaka swerte nga po ninyo at makakasakay kayo ng helicopter." sabi ni Kuya Eloy sabay turo sa Helicopter sa harap namin. I was so overwhelmed sa mga sinabi ni Kuya Eloy. Helicopter? Sasakay doon? Huh gulong gulo pa din ako... paanong dun ako sasakay e wala naman kaming Helicopter at aatend lang ako ng party tapos... Breeennttt!!!! sigaw ng isip ko. Dahil sa hindi inaasahang pang yayari yun, hindi ko namalayan na may nagbukas na sa pinto ng kotse. Pag tingala ay ko isang gwapong Brent ang sumalubong sa mga mata ko, speaking of the devil! A very handsome devil at heto may pa bonus pang ngiti sa akin. Marupok nga! Lusaw na ang galit ko. He was wearing a black and white Tuxedo. Dahil dito mas napa WOW ako sa nakikita ko ngayon, tinalbugan niya ang bonggang Helicopter huh! Oh God huwag naman sana ako ma heart attack neto, at sana wag din mapigtas ang garter ng panty ko! 'My yummy and pogi Habibi! Waaahh' sigaw ng isipan kong lumalandi din. "My Babygirl.. shall we?" Masuyong inalalayan ako sa pagbaba sa sasakyan. I smiled at him warmly. At kinuha ko ang kamay niyang nakalahad para sa akin! Hayahay.... What a gentleman, mag laway kayo! Hirap na hirap ako maglakad habang papalapit kami sa Helicopter dahil sa hinahawakan kong maigi ang palda ko upang hindi ito liparin at naku baka may makitang hindi nararapat. Sa may kanan ko naman ay masuyong inaalayan ako ni Brent sa pamamagitan ng pagakbay sa akin ng mahigpit. Dahil dito sapong sapo ng ilong ko ang mabango niyang pabango... pwede na nga ko doon tumira actually. Pagpasok namin sa loob ng Helicopter mabilis akong ipinakilala sa mga piloto namin for this ride ni Brent. Pag katapos ay may isinuot sa ulo ko ni Brent na aviation headset sunod ay ikinabit ang seatbelt at pagkakabit noon, he gave me a quick kiss on my lips. Waahhh ako na yata ang napaka swerteng babae sa balat ng lupa! Naramdaman kong namula ang mukha ko sa ginawa niyang iyun. "Hmph! Paraparaan talaga Habibi ano!?" sabi kong kunwari naiinis Natawa lamang siya. Pagkatapos ni Brent makapag seatbelt ay nag bigay na siya ng 'go signal' sa mga piloto na pwede na kame mag take off. Naramdaman kong umangat na kami sa ere. And the feeling was so wonderful, ganito pala ang feeling ng nasa Helicopter nakakaba pero exciting din all at the same time. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at ni-video ang mga pangyayari. Pagtapos ay nag selfie ako kasama ang Habibi kong napaka gwapo syempre! "Alam mo ba akala ko hindi ka na makakaattend dahil iba sumundo sa akin." I said and pouted my lips. " Remember Babygirl hinding hindi ko gagawin iyon na iwan ka basta basta ha? Remember that Im sorry hindi ko nasabi agad sa iyo--love you." Then kissed the back of my palm bilang pag hingi niya ng sorry sa ginawa niyang violation. Palihim kong kinapa ang bandang balakang ko to check kung nakakapit pa ang panty ko doon. And check! Andun pa nga nakasuot pa-- lakas kasi magpakilig tong mamang to. Napa tikhim tuloy ako.. Melissa mag focus ka nga! " Ah eh.. Baket nga ba di ikaw ang nag sundo sa akin? Who is Kuya Eloy?" Nauutal kong sabi. " I need to be on the site ng paglalapagan ng Helicopter Babygirl because of the permit etc. Anyway okay na lahat and Kuya Eloy is my neighbor sa apartment. He was kind enough na sunduin ka in behalf of your gorgeous husband.. este Boyfriend palang pala." Ngumiti ito ng may pagka pilyo at itinaas baba pa niya ang dalawang kilay niya. What a cassonova. Natawa ako sa sinabi niya but I feel na nag blush na naman ako sa sinabi niyang 'husband'. Wooah I like that idea! "But kasi pa tayo nag Helicopter pa? Saka nag sekreto ka na naman sa akin ha! You promised...." " Kaya sorry na nga Babygirl Im guilty about that. Ayaw mo ba?" He asked lovingly. " Isn't this is too lavish na Habibi?---but actually I like it. Thank you sa pa helicopter Mayor!" Naka ngiti kong turan. At niyakap ko ang isang braso nito. "Huwag mo lang ako singilin ngayon wala pa ako pambayad." Sabay nagmamakaawang sabi ko. "You're so funny Babygirl ginawa ko lang ito kasi 'Time is Gold'. Mas mabilis ito kesa mag by land tayo and Iam sure matratraffic tayo sa SLEx. At malalate!" Matiyaga niyang pag eeksplika. Alam ko na ngayon, na sila lang naman ang nag mamay ari ng SkyWings by DLM Conglumerate. Nagkaroon ako noon ng pagkakataon na itanong about the plane ride kasi kelangan kong kwentahin ang gastos sa Thesis namin and there he told me everything. Libre na daw yun dahil konektado naman sa schoolwork and his Mom is happy about it naman daw basta maka graduate siya since siya daw magmamana ng kanilang Kompanya dahil wala na siyang Ama at wala nang ibang hahawak. Nang malaman ko iyun ay na concious ako sa boyfriend kong ito. Tycoon in the making pala! Hala na pressure naman ako. Pero on other hand minahal ko siya hindi dahil sa pera niya... dahil sa gwapo siya. Joke lang ofcourse the whole of him. "Anything for my lovely girlfriend... " He whispered. At bahagya nakiliti ang leeg ko sa ginawa niyang yun. He gave me goosebumps all over my body, ano ba yan may bigla naman ako naka naramdaman ng kakaibang init sa katawan. Shuu SPG thoughts! Napa "I love you" na lang ako tuloy...sobrang sweet naman kasi! Bakit ba siya ganito ngayon? Medyo pa dilim na at nakikita ko na ang palubog na araw. But the view was still stunning. Everything was so surreal, last week my first private plane and now Helicopter naman! Grabeng pa experience naman ito sa akin ng Habibi ko. "Babygirl, are you loving the view?" Pinisil niya ang aking kamay. Lumingon ako sa kanya and I smiled at him sweetly. " Yes I do Habibi, thank you for this experience ha?" He kissed my temple. In a few minutes naramdaman ko ang unti unti naming pagbaba. Napansin ko ang pag tutok nito sa isang lapagan ng Helicopter na may malaking letrang H dito. Naka pwesto ito sa pinakatuktok ng isang mataas na building. We said thank you's sa aming mga naging piloto ng Helicopter and we got off from it. "Habibi ito na ba yung venue?" I asked him as we get into the elevator. Wow! Elevator palang mamayamanin na ang itsura. Isang 5 star hotel ang location namin kung hindi ako nagkakamali. Isang kilalang hotel ito at lahat ng mga espesyal na okasyon ng mga sikat ay madalas dito ginaganap. "Yes Babygirl..." He looked at me at hindi lang iyun simpleng tingin. He was looking at me intently. Well, ginantihan ko din ang mga titig niya sa akin. His eyes were penetrating into mine, they look dangerous and sexy. "Habi--" Hindi ko na sabi ang gusto kong sabihin nang bigla niya akong hinila at kinulong sa kanyang mga bisig sabay inangkin ang aking mga labi. "Damn! Babygirl kanina ko pa ito gustong gawin sa iyo.... parang ayoko ko nang mag attend sa party. Para masolo ko ang maganda kong Babygirl ngayon. You're so hot tonight baby---alam mo ba yun?" He told me in between his breaths. We were both panting nang bumukas ang elevator at may pumasok na mga guests. Nataranta naman akong lumayo sa kanya at inayos ang sarili ko. For sure nagulo na ang buhok ko. Buti na lang non-smudge ang lipstick ko ngayun kahit mag nguyaan kami magdamag ni Habibi hindi ito mauubos. Pag pagsok ng isang grupo ng tao ay bigla niya akong isiniksik sa may pinaka sulok ng elevator na animo'y ayaw niya ako madikitan o makita ng iba. Ay! Possessive and I like it! napangiti naman ako sa ginawa niya. Once we reached 5th floor lahat ng laman ng nasa elevator ay lumabas kasama kame. We searched for the venue and I saw instantly Tita Maris and Tito Nick standing by the door. "Happy birthday po Tito Nick! Hello po Tita Maris." Binati ko sila at marahang beneso beso si Tita Maris. Naimbitahan kami ng mga Hidalgo, Athena's parents sa napaka engrandeng 50th Birthday Party ni Tito Nick. The Hidalgo's owns a construction business. Since pareho silang mga Engineers. Ewan ko ba baket hindi pinag Engineer si Tinang exceptionally good in math, siya nga ang tutor ko minsan. Sana All genius sa math. "Oh! iha Im glad you came!" Masayang bati ni Tita sa akin. " Ofcourse, we won't miss it, and thank.you for inviting us Tito. Oo nga po pala my boyfriend Brent Dela Torre po." Masuyong ipinakilala ko si Brent. "I see, nice meeting you young man." Agad na inalay ni Tito Nick ang kamay for a handshake at mainit na tinanggap naman ito ni Brent. "Are you related to Clara Dela Torre?" Tanong agad ni Tito. "Yes Sir, she is my mom po." Isang mainit na ngiti ang ibinigay nito sa kanila. "Finally I get to meet Clara's only son-- hope your Mom will attend since we have invited her." Ani ni Tito Nick. When I heard Tito Nick,medyo may kaba akong naramdaman. This could be the day na ma memeet ko na ang nanay ni Brent? Matatanggap kaya ako ng nanay niya? Madaming tumatakbo sa aking isipan mula nang nasabi ni Tito na baka dumalo ang hilaw kong Mader in law char! Assumerang froglet lang. "Dear, pasok na kayo Athena is waiting for you at table 4 see you around mga anak." Malambing na saad ni Tita Maris. Pagpasok namin ng party hall nakita namin ang napaka breathtaking na set up at desenyo ng venue, lahat halos ay kumikinang dahil ginto ang makikitang kulay sa buong kapaligiran at may konting touch of black din! This is the color motiff for 50th birthdays.. So Golden Boy na pala si Tito Nick, hindi halata kasi. Now I know kung baket madalang kong makita si Tinang sa campus nung nakaraang mga araw. Ito pala ang dahilan --siya pala ang punong abala. And not bad naman galing ng taste niya... hmmm siya kaya kuhanin ko sa kasal ko para mag ayos nito.. hahaha bakit ba? Masama bang mangarap? May pipikutin na naman ako mwehehe. "Sir, Ma'am would you Iike us to take your pictures here sa booth namin before you proceed to your seats?" Ito ang sabi ng isang organizer as we stepped inside. "Sure." Sabay naming sinabi ni Brent. We did three poses, may serious pose kung saan kapwa kaming walang ngiti sa mga labi at nagmukhang mga mafia bosses dahil sa mga props na baril at fedora hats na hawak at suoylt namin. Astig! Then sumunod ay sweet pose naman ang mga mata namin ay malagkit na nagtitigan at nangungusap. wow feeling prenup ang peg? At ang pang huli ay wacky pose naman, nag duling dulingan kami sa shot na ito. Tatlong minuto lamang at nakuha na namin agad ang pictures namin, now may remembrance na kami ni Brent isa't isa. I will keep this forever! Magka holding hands kami at nagtatawanan kaming pareho ni Brent as we approached table 4. Mabilis ko naman namataan si Athena na nakasuot ng silver cocktail dress na sleeveless. Naka palumbaba ito habang nadudutdut sa kanyang cellphone. Whew kawawa naman ang bestie ko, mag isa lang sana makahanap na siya ng boyfie para naman hindi siya nag iisa sa ganitong okasyon. "Hello my sweet Tinang." Bati ko at umupo ako sa tabi niya kung saan may nakasulat doon na pangalan ko at sa tabi naman nito ay yung kay Brent. "Issang may goodness andito na pala kayo ni loverboy!" At bineso beso ako. " Wala ka bang ka date?" Tanong ko sa kanya. " Wala wala wala...and don't say bad words " She pouted. "What's new?" Sabat naman si Brent na may pagkukutya. " Hoy lalaki! Wag kang sumingit sa usapan namin unless may ma ipapakilala ka sa aking boylet!" Pataray niyang sinabi kay Brent. Since nang malaman ni Athena na kame na ni Brent, parang naging mag best buddies na sila -- sa asaran! Nakakatuwa silang dalawang pagmasdan lalo pag nagkakantiyawan at mag barahan. Pero kahit papaano naman hindi sila nagkakapikonan. "Hina kasi ng radar mo e!" Sagot naman ni Brent. Saka bigla nalang may kinawayan si Brent sa kabilang table, napasunod naman ang mga paningin namin ni Athena sa taong kinawayan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD