Third person POV
"Welcome back to the Philippines Ma'am Isabel." Isang mainit at pormal na pagbati ni Alyssa sa kanyang Amo.
"Thank you Alyssa." Tugon nito sa kanya.
Nilingon siya ng Amo saglit at nang napatingin sa lalaking kababa lang ng kotse.
"Maligayang pagdating po Ma'am Isabel." Bungad naman ni Albert, ang kanyang personal driver.
Tumango lang ang amo at naglakad na siya papunta sa kanyang kotse. Pinag buksan naman agad ito ng pinto ni Albert. Pagkatapos ay kumilos din agad para buhatin isa isa ang mga bagahe ng amo para ilagay sa trunk ng kotse.
"Albert, DLM Headquarters." Seryosong turan nito pagka upo ni Albert sa driver seat.
" Noted Ma'am!"
Dating commercial and ramp model si Isabel Roldan-Muñoz nung kabataan niya. Mahirap ang buhay nila kaya ginamit niya ang kanyang mga physical attributes: magandang mukha at height na 5'9 upang maisakatuparan ang hangaring maging isang model. At hindi naman siya nabigo, Ilang buwan palang siya sa industriya ay mabilis siyang nakilala at dahil dito madami siyang naging mga proyekto. Ito ang naging daan upang maiangat ang stado nila sa buhay at natulungan na makapagtapos ang kaisa isang kapatid sa kolehiyo. Ngunit natigil ang lahat ng ito nang mabuntis siya ng hindi inaasahan ng isang tanyag na business tycoon na si Arman Muñoz.
Now that she is now in her mid forties maganda pa rin siya, matikas like as she used to be. Hindi mo siya mapag kakamalang nasa kwarenta mahigit na ang edad. Almost two years na din, since ang last na uwi niya sa Pilipinas. Nakabase na silang mag asawa sa Australia where they manage their farm business.
Pagkarating nila sa DLM HQ, wala siyang sinayang na oras. Dumerecho agad siya sa kanyang business partner slush bestfriend na si Clara Dela Torre ang siyang tumatayong CEO ng kumpanya.
Ang secretary na nasa labas ng pinto ng CEO office ay biglang napatayo dahil sa hindi ito inaasahang pag dating ng isang importanteng tao sa kanilang kompanya.
"G-goodmorning po Ma'am Isabelle." She said and bowed.
"Morning." She flatly responded.
At tuloy tuloy siyang pumunta sa pinto ng CEO office at marahan niyang binuksan ito.
"Im back!"
Napatigil sa pagpipirma ng mga papeles si Clara nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Oh my gosh! Belle you're here? Ano ba yan hindi ka manlang nag pasabi na dadarating ka.." Ngumiti ito nang maluwag nang makita niya ang pinaka matalik niyang kaibgan. Excited siyang tumayo sa kinauupuan at sinalubong si Isabel ng isang mainit na yakap at beso beso din sa isa't isa.
"Masisira ang surprise syempre pag sinabi ko di ba?"
Dinala ni Clara si Isabel sa isang mahabang sofa bed sa gitna ng kanyang opisina at doon sila sabay na umupo.
"Salamat at umuwi ka na, kelangan na natin madaliin ang pag iisang dibdib ng mga bata. Nagrerebelde na si Brent mula malaman niyang totoo ang plano nating ito." Sabi ni Clara sabay humilig siya sa balikat ng kanyang kaibigan. Mas malakas ang personalidad ng kaibigan niya kesa sa kanya at tuwing nasa tabi niya ito ay para siya ang tumatayong Ate niya.
"Ano ba yan problema agad ang isinalubong mo sa akin!"Napatawa na lang siya, she has been her confindante.
"Tsk! Yung batang yun kasi akala ay nagbibiro lang tayo. Mukhang may girlfriend na ata siya? " Sumbong ni Clara.
"Okay then let's call them --- and have a meeting." Sabi nito in a firm tone.
"Okay... Kamusta ka na? Teka asan pala si Arman?" Ngayon lang napagtanto ni Clara na mag isa nga lang pala siyang dumating.
"Tsk that guy? I'm divorcing him." Sabi niya na may inis sa boses.
Napaupo ng tuwid si Clara nang marinig yun at humarap sa kaibigan.
" W-what?"
" Yeah my dear... he is having an affair." Matamlay niyang sinabi at tumungo, pinipilit niyang maging matatag sa harap ng kaibigan. Ayaw niyang ipakita ang luhang namumuo sa mga mata niya.
" Do you have pieces of evidence? Belle, hindi biro yang iniisip mo ha?" Napahawak siya bigla sa kamay ng kaibigan at niyugyog ito ng marahan. "Look at me Belle it is better to fix your marriage than breaking it."
Mahal niyang pareho ang mag asawa, bukod sa kaibigan niya si Isabel si Arman naman ay kanyang kinakapati. At siya rin ang naging dahilan sa kaya nag kakilala ang mga ito. Kaya hangga't maari ay ayaw niyang masira ang samahan ng dalawa.
Isabel sighed.
"Hindi ito mga guni guni or kathang isip lamang Cla! I have an evidence, kaya din ako napa uwi nang una sa kanya. And for me to investigate further. Mahirap gawin yun pag nasa malayo ako." Naiiyak niyang sinabi.
Niyakap siya ng marahan ni Clara and tapped her back gently. Dahil dito hindi na niya napigilan lumabas ang lahat na itinatagong emosyon na kanina pa niyang iniipit sa kanyang dibdib. At tuluyan na nga siyang napahagulgul ng malakas.
"Sush... My Belle I will support you all the way don't worry. Im at your side" Saad ni Clara na haplos haplos ang buhok ng kaibigan na puno ng pighati. Hindi rin naiwasan na mapluha din siya dahil sa ramdam din niya ang hirap na pinag dadaanan ng kaibigan.
"Thank you." She said between sobs.
Melissa's POV
More than one week na ang nakalipas mula noong sinagot ko si Brent, parang kelan lang. Ganito pala ang mainlove ng --totoo! Parang laging nasa alapaap ako as in!
Madalas niya ako dinadalaw dito sa bahay at sabay kaming kumain. Kung may pagkakataon din na pinag luto pa niya ako ng Beef Morcon! Hindi ko lubos maisip na magaling pala sa kusina ang Habibi ko. Grabeng sarap nun, pang restaurant level ang lasa at pati ang plating style ay parang isang chef ang gumawa.
Aking napag alaman na special recipe pala daw yun ng mga ninuno niya sa Mother side ... Mga Kapampangan ang mga ito kaya naman magagaling mag luto.
Ito daw talaga ang gusto ni Brent ang magluto, kaya daw pag nagka oras siya gusto niya sana kumuha ng crash course sa Culinary Arts. At syempre I will support him ...sa huli tiyan ko din naman ang makikinabang.Hehehe.
Lagi ko talagang binabalik balikan ang moments namin sa Baguio kung saan doon nagsimula kaya ganito ako kasaya ngayon.
Pati si Inay Julie tuloy ay na inggit sa amin, gusto nang humanap ng jojowain. Nasigawan ko tuloy siya that day!
"Anak.. Melissa? May problema ka ba?"
Mag iisang oras nang nakaalis na si Brent nang naisipan kong umupo sa may pool side at magbabad ng mga paa sa tubig. Nakaka relax ang tubig na maligamgam. hanggang sa narinig ko si Inay na nagsalita sa may likuran ko. Dahil dun napatingala ako sa kinatatayuan niya.
"P-po?"
"Ay naku anak bukas may parada kayu kako." Sarkastiko niyang sabi.
"Huh?"
" Susme nagka jowa ka lang nabingi ka na! Bukas sumama ka sa parada ng mga binge ha!."
Sabi ni Inay Julie sabay kamot sa ulo.
"Puro kayo biro naman Inay Julie." Sabay tawa ko. Dahil sa sense of humor ni Inay madalas napapa gaan niya ang mabigat na pakiramdaman ko.
Umupo si Inay sa tabi ko at tinignan ako ng mataimtim. Parang hinahanap sa akin mga mata ang mga saloobin ko.
"Nak, may problema ka ba? Kanina ka pa lutang ka kasi. Teka naka nagdrudrugs ka ba?"
Napatawa na lang ako ng mahina sa mga sinabi niya-- akala ko ay mag seseryosa na siya.. hindi pala. Isha Prank!
Napabuga nalang ako ng hangin, pero imbes na sagutin ko si Inay. Inabot ko ang cellphone ko sa may tabihan ko at may tinipa tipa dun sabay binigay ito sa kanya.
"Nay basahin niyo po."
Kinuha ni inay ang ini abot kong Cellphone at binasa.
(Sweetheart, I will be back soon! And for good! I cannot wait to see you! Iloveyou!)
Tinignan ko lang si inay habang binabasa iyon at hinihintay ko ang kanyang reaction. Di nga ako nagkamali....
"Naku patay kang bata ka! Paano na ito!" Napkamot muli sa ulo ang Inay.
" Yeah Inay literal na PATAY ako neto."
" Psst huwag ka nga magsalita ng ganyan! Mahal na mahal ka nun noh .... b-baka si Brent pa mapatay nun!" Biglang may bahid ng takot sa mukha ni Inay.
" Ano bang buhay to! Wala ako pipiliin sa dalawa..hayst pareho ko silang mahal e! Inay .. tulungan mo naman ko nay please???" Pagmamakaawa ko kay Inay.
" Hmmm .... anak matagal pa naman ang uwi niya at may oras pa tayo makapag hahanda."
Tumango tango na lamang ako at buo ang tiwala ko na matutulungan ako ni Inay. Dapat hindi ako mabulilyaso dahil tiyak na magagalit yun sa akin at ayoko mangyare yun. Lalo na at napaka halaga niya sa akin at siya ang una sa puso ko...
Nagpa ikot ikot at walang tigil din ang pagtitig ko sa itsura ko sa harap ng salamin. Dinama ko muli, gamit ang pareho kong mga palad ang palda ng off shoulders cocktail dress ko. Humanga din ako sa simple yet elegant design nito at pati na rin sa ginamit na tela na satin, may accent ito na maliliit na swarovski crystals sa bandang beywang. Lumitaw din lalo ang aking kaputian dahil sa kulay nitong royal blue na parehong pinili namin Brent.
Medyo matagal tagal na din akong hindi nakaka suot ng isang formal dress. Ang huli pa ay nung may pageant pa akong sinalihan sa campus kung saan ako ang nanalong Miss Business Administration.
Kaya naman medyo naninibago ako sa itsura ko kahit na simpleng make up lang ang nilagay ko sa aking mukha ay malaki ang pinagbago sa hitsura ko. Kinulot ko din ang mahaba kong buhok ko sa bandang dul nito. Tadaaa.. i love my transformation!
Sa sobrang busy namin nitong mga nakaraang buwan wala na akong panahon mag ayos ng sarili, buti na lamang ay mahal ako ni Brent at kahit mukhang zombie na ako ay hindi pa ako iniiwan nito. Hihihi.
Isang mahinang katok ang pumukaw sa akin upang makabalik sa kasalukuyan.
"Pasok po."
"Anak---" hindi natapos ni Inay Julie ang kanyang sasabihin nang makita niya ko pagkapasok ng pintuan.
Nakatulala siya sa akin at nakanganga pa! Ang cute ni Inay sarap picturan. Mukha tuloy siyang naging batong estatwa na naka nganga!
Winagayway ko ang isa kong kamay sa harap ng mukha niya para i-check kung okay lang siya.
"Inay..Inay!!! Okay ka lang po?"
"Hala ka naman, anak napaka ganda mo!!!! Manang mana ka talaga sa akin!" Tili niya sa akin animoy naka kita ng artista.
"Siya siya Inay Julie... Mamaya na ang autograph ha? At baka mahuli na ako sa pupuntahan ko." Natatawa kong turan sa Inay dahil sa inasal niya.
"Ay oo nga pala kaya andito ako kasi andyan na ang sundo mo."
"Ay ganun po ba? Sige po aalis na po ako." Bigla akong napadali sa pag galaw, isinuot ko na din ang 3 inches nude heels ko at ang silver clutch bag ko na bumagay sa damit ko.
Excited akong makababa upang makita ko si Brent my Habibi.
Pagdating ko sa living room namin wala akong nadatnan na Brent doon kung hindi ay isang middle aged na lalaki ang nakaupo dun sa aming sofa.
Nang makita niya ako alisto itong tumayo.
"Magandang hapon po Ma'am Melissa, Eloy po at your service." Nakangiti itong sa akin.
"Magandang hapon din po Kuya Eloy, si Brent po nasaan?"
"May inaasikaso lang po siya, tara na po?"
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.