Brent's POV
Nag check ako ng mobile phone pagka lapag namin ng Cebu City airport, at napangiti ako sa nakitang kong dalawang messages at limang mised calls! ofcourse they all came from my Babygirl. Binuksan kong isa isa ang mga messages niya.
' Goodmorning Habibi ko :) '
'Habibi kumain ka na? Halika dito sa bahay sabay tayo!'
I still couldn't believe na may girlfriend na ako! She is my first love too and hope she will be my last!
Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang napag tanto ko na this time, excited akong mag check ng cellphone ko ngayon.
I suddenly miss her, gusto ko nang bumalik agad sa Laguna.
'Babygirl goodmorning! Sorry, late reply. Andito pala kami ni Mommy sa Cebu may i-checheck lang kami..pasensya na Babygirl hindi ko agad nasabi sa'yo, I hope you understand. Huwag papagutom ha? See you in 2 days I love you! '
Hindi na nabura ang ngiti ko mula matanggap ko ang mensahe niya hanggang Bumaba kami ng plane.
We went straight ahead at the car waiting for us. I sat beside the driver and si Mommy at Georgina ang nasa likod.
Mula nang ginawa ni Georgina ang pag nakaw na halik sa akin nung nasa Manila pa kami. Tuluyan ko na siyang iniwasan na makatabi or mapalapit sa kanya. Feeling ko parang allergic na ako sa kanya.
'Alright Habibi ingat ka lagi diyan :) love you too.'
Another message was received! That was fast.
Parang naka tattoo na sa mga labi ko at mga mata ko ang tuwa nang dahil lamang sa simpleng text niya. At ang masamang mood ko kanina sa Maynila ay napalitan bigla ng sobra sobrang kagalakan sa aking puso dahil dito. Its nice to be inlove talaga!
Pagka baba namin ng kotse ay tumuloy kami sa aming factory, ang DLM Textile Industries. Sa may lobby palang ay nakahelera na ang mga naka-abang na mga Department heads at iba pang mga epmpleyado para kami ay salubungin. We visit the area atleast three times a year. Dito gumawa ng tela at mga iba't ibang ready-to-wear na mga damit na siyang inexport namin abroad usually sa US and Canada. Dito rin kumukuha ng damit ang tatlong branches ng malls namin ang Supra Mall.
Fashion and Design ang kurso ni Georgina mas ahead lang ako ng one year sa kanya. Gusto ni Mommy na someday siya ang mamahala dito since ito ang kanyang linya kaya dinadala niya rin siya dito madalas. Para sa akin wala naman ako pakialam doon. Ngunit mas gusto nila may presensya pa din dito ang isang Muñoz kaya't napag kasunduan nilang ipakasal kami ni Georgina. Para sa akin napak unfair ang desisyon na yun, so old fashion!
After two hours ay nakaalis na kami ng factory. Nag meeting pa kasi kami at madaming tinatanong ang Mommy, she is very meticulous pagdating sa business. No wonder naging successful ang businesses namin kahit wala na ang Daddy.
Habang naglalakad kami pabalik ng kotse ay biglang tumunog ang cellphone ko ulit sa bulsa ko. Dahil sa tunog na ito bumilis ang t***k nang puso ko at isa lang ang nakakagawa noon.
'Eat ka na ng lunch Habibi!'
Isang message muli ang nagmula sa mahal ko.
"Smiling alone? Iba na yan insan!" Bulalas ng pinsan kong si Jacob Dela Torre.
" Jacob! Andito ka rin pala?" Gulat kong sinabi nang nakita ko siyang nakasabay sa aking paglalakad ng hindi ko namamalayan.
" Yan ang trabaho ko di ba? Ang pakalat kalat." Sabay tumawa ng malakas.
Ahead ng tatlong taon sa akin si Jacob, he is my first cousin sa father side. My Mom gave him the opportunity na maging head ng Operations sa company at dahil dito ... kung saan saan nga naman siya napapadpad basta patungkol sa business.
Malapit din si Jacob sa akin, we grew up together. Close din kasi si Daddy sa kapatid niyang si Tito Danny na isa ding CEO ng sarili niyang company na naka based sa Subic. Since may sarili nang family ang Daddy niya after his mother died nung nasa highschool palang kami ---mas itinuring niya kaming kapamilya.
"O, sya sya busy pa ako." Ani ko habang pinag papatuloy ang pag lalakad ko.
"Busy sa babae?" Biro niya.
No answer from me.
" Woohh binata na ang pinsan ko pumapag ibig na!" Biro niya.
"Tss! Shut up KUYA Jacob!" I teasingly said.
"Hey stop that! I hate being called kuya!" Naiinis niyang sabi.
" Kaya ... Stop poking fun of me! Someday maiinlab ka din!" patuloy ko pa din naglalakad na hindi siya pinapansin.
"No way man! Ayoko ng itinatali ng isang babae....that is like a prison! Anyway I want to meet her and ask her paano niya napaamo ang little brother ko?" Sabay akbay sa akin.
"Phew! Pag iisipan ko muna!" Lumingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.
" What? You don't trust me? Ako na kasabay mong lumaki and...ang tanging taong nakasaksi kung paano ka napa tae sa shorts mo sa school dahil nasobrahan ka sa softdinks!" Sinabi niya na kunawari ay nasaktan siya sa mga sinabi ko. Kasabay din ng pagpula ng mukha niya dahil sa pag impit niya sa pag tawa!
Ngali ngali ko na masuntok ang bibig nyang napaka daldal! D*mn this guy! Walang preno. Lumingon ako to look around kung mayroon kaming kasama at baka narinig ang pinagsasabi ng damuhong pinsan kong ito. Yes! softdrinks makes me poop pag nasobrahan.. weird I know.
"Whatever." Cool ko lang na sagot.
At tuloy tuloy lang ako nag lakad hanggang makarating sa loob ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag nang mawala sa paningin ko si Jacob. I better cut off the conversation with him at mangungulit pa siya nyan lalo sa akin! At baka kung ano pa ang masabi niya sa nakaraan ko na nakakahiya.
May araw ka din Jacob!
Kinagabihan nagpasama si Jacob sa isang sikat na restaurant sa downtown to meet a prospective client. After that nag proceed kami sa isang Bar. Jacob loves hanging out and meet beautiful women pag nag babar siya. Wala naman masama at single siya, he loves his freedom.
I went back to the hotel na mag isa at medyo tipsy rin. I saw Georgina standing outside my door.
' Here we go again' my mind blurted. I just treated her like she does not exist at tuloy tuloy ako para buksan ang pinto.
"Honey..nakainom ka ba?" Bungad niya sa akin.
I did not answer her back kasi wala akong panahon makipag kwentuhan sa kaniya. She is a tricky woman, at ayoko ma associate sa kanya.
I unlock my room and entered still ignoring her. But upon closing it she pushed the door and to my surprise, I was caught off guard by her action. Mabilis niyang naisingit ang sarili niya sa pinto at tuluyan nang nakapasok sa loob.
"Can we talk?" Paki usap niya pagka pasok sa loob at tinungo niya ang mini bar doon at umupo sa tabi nito. Feeling close talaga siya.
" It's late already Georgina."
"Not so fast honey! Dahil ang pag uusapan natin ay tungkol sa atin ...its about our engagement!" She said happily.
"Psss..I'm not interested."
"You have to... Ipapakasal na tayo sooner than expected!"
Napatingin ako sa kanya bigla, she got my attention sa sinabi niya.
What? may kalituhan at pagka gulat ang gumuhit sa aking mukha.
" What? No.. Hindi siyang maganda joke kasi hindi ako natutuwa." Sabi kong umiiling iling at lalong sumeryoso ang itsura ko habang nakatingin sa kanya.
Nag aantay ako ng anumang kasunod sa sasabihin pa niya. Hinihiling kong bawiin niya ito at sabihing joke lamang ito.
"I am not joking here hun. Nasa silid ako ni Mama Clara kanina at ka video call niya sila Mommy at Tita Isabel. They are planning our engagement in two months time! Honey we will be together.. soon!" She stood up and excitedly hugged me.
" No hindi ako makakapayag!" Malakas na boses ang pinakawalan ko dahil sa galit at irritasyon. Mabilis ko rin inalis ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa aking leeg. Then I looked at her and my eyes were full of rage.
"Get out!" Matigas kong sabi sabay pag kumpas ko ng aking kamay na tinuro ang labasan.
" Remember this Brent! Whether you like it or not sa akin ka pa rin mapupunta--- in the end! Not that b***h or anyone else ang hahadlang sa ating dalawa! We are destined forever!" Sigaw niya.
Dahil dito mabilis na nag panting ang tenga ko after hearing the word bit*h.
Did she call Melissa a bit*h? Because of that I immediately grabbed her arm at mabilis kong kinakaladkad siya palabas ng aking silid.
"Stay away from me, Georgina!" Then I slammed the door right infront of her face!
I love Melissa so much and siya lamang ang makakasama ko habang buhay. I am ready to fight for my freedom! Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang galit at frustrations sa sitwasyon na ito.
"Arggh! I hate this life!!!" I shouted on the top of my lungs.
I should do something tonight.... Until I saw myself standing infront of room 605. This is it I should man up to this relationship and fight for our rights-- for me and Melissa for our future together. I clenched my fists and got hold enough courage to knock on the door. After three knocks the door has finally opened.
Napansin ko ang inis sa mukha ni Mommy ngunit nang ako ang makita niya sa labas ng pinto unti unti itong nag laho. I knew I am her weakness.
"Hijo? Gabi na-- is there something wrong?" Malamyos na tinig ang kanyang pinakawalan.
" Can we talk?" I said in a firm voice
Tumango lang ito at ibinuka ang pintuan ng maluwag welcoming me to enter.
"Anak.."
"Mom! Ano itong nalaman ko that you are planning our wedding with Georgina soon? Mom -- unfair yun sa akin." Nasuntok ko ang pader dahil sa sobrang inis at galit. Masyado nilang minamanipula ng aking buhay.
"Calm down anak... Please." Nanginginig ang boses niya habang nakiki usap. I know she was surprised from my outburst. She saw my hand bled from that punch. She tried to hold it pero iniwas ko ito upang hindi niya tuluyang mahawakan.
"No! How can I calm down--- Kahit kayo pa ang Nanay ko hindi niyo dapat pang himasukan ang personal kong buhay!" There I go again shouting. My anger has became intensed, this could be because of the alcohol in my system? Well that's good then it helped me expressed my real emotions.
Dati hindi ko pinapansin ang kasunduan na ito dahil pwede pa mag bago dahil sa bata pa kame ni Georgina. Plus I have no committment then, I was not attached nor loved someone then. Pero itong panahon na ito iba na ang situation ko. May Melissa na akong mahal na dapat kong protektahan sa abot ng aking makakaya.
She sighed and said.
" We will talk about this tomorrow anak pag kalmado ka na." Mahina at mahinahon na ngayon ang boses niya but this does not mean pagbibigyan na niya ako.
I know my Mom, she is known to be an Iron lady in the business world. Mahinahon man siya ngayun mag salita pero hindi ito magandang senyales because she sticks to her rules. Walang mag babago sa mga sinabi niya.
"No! I need to know why you need to push through this bullsh*t plans of yours Mom?"
"Mind your words youngman! I am still you Mother!" She looked at me straight into my eyes.
"This is not only my plans for your information! Lahat ng involved sa DLM ay ito na ang plano noon pa man. Kung hindi namatay si Bettina siya dapat ang mapapangasawa mo!" She said that name again. That name,always got an impact in into my heart. Maybe because she was too young to die?
"Only a Muñoz can be your bride and no one else. If you don't follow this rule. They will withdraw their shares from ours. At hindi mo yun magugustuhan. Nung nagkaroon tayo problema sa negosyo sila na ang sumalo sa kompanya natin. Because of that they own now 35 percent of our total shares. You are my only heir at pinag hirapan namin ng Daddy mo itong lahat then mapupunta lang sa wala?" She paused, tumalim na ngayun ang mga mata niya na naka puntirya sa akin, na parang anumang oras ay sasakmalin ako. The tigress in her is showing up now!
" Don't worry magugustuhan mo din si Georgina in time--- she is one fine lady." Then she turned her back at me and faced the window and looked at the busy streets of the City.
" Mom! Anak niyo po ako.... Hindi po ako pang barter niyo sa lecheng negosyo niyo!"
"Everything has been settled you will be marrying her at the end of this year. After your graduation, the announcement regarding your engagement will follow." That's it as expected hindi na siya nag patinag. I am sure deep inside her may kaunti pa rin siyang malasakit sa akin.
Hindi na ako kumibo pero nag huhumarintado parin ang buong kalamnan ko sa galit. Umalis akong walang imik. Talunan na ba ako? No! This is just only the beginning.... Of a long battle.