Brent's POV
Nakauwi kami ng Laguna nang mag aalas otso na nang gabi, matagumapay naming natapos ang lahat ng aming pakay sa Baguio kaya nagka oras pa kami na naka pamili ng mga pampsalubong kina Inay Julie at Ate Soleng.
"Inay Mano po." Sabi ni Melissa kay Inay Julie na sinalubong kami sa may garahe. At sumunod din akong nagmano sa kanya.
"Mga anak ginabi na kayo." Pag aalang sinabi ni Inay Julie.
" Pasensya na po Inay medyo na traffic po kami sa SLEX may aksidente po kasi." Pag eeksplika kay Inay Julie.
Pumasok kaming dalawa ni Melissa bitbit ko ang maleta niya samantalang bitbit naman niya mga pasalubong namin.
"Oh siya ibaba niyo na yang mga bitbit ninyo at masamang pinag aantay ang grasya." Ani ni Inay Julie.
Iginiya kami sa isang kwadradong dining set sa dining area. Si Inay Julie ay dumerechong umupo sa kabisera nito saka itinuro ang upuan na nasa kaliwang bahagi niya at dito ako pinaupo. Samantala si Melissa ay sa may bandang kanan naman niya.
Pag kaupo namin ay inumpisahan agad ni Inay Julie ang pag darasal upang makakain na kami.
Pagka sandok ni Inay Julie ng kanin ay binigay niya ang bandihadong kanin sa akin. Imbes na lagyan ko ang plato ko ng kanin, kinuha ko muna ang plato ni Melissa upang lagyan iyon ng kanin. Ang gentleman ko ba? Well sadya lamang iyon dahil kung totoong mahal mo ang isang tao siya muna ang uunahin mo bago ang sarili.
"Salamat.." matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni Melissa nang ibalik ko ang plato niya na may laman nang kanin.
"You're welcome Babygirl." Isang matamis na ngiti din ang ibinalik ko sa kanya at syempre may kindat pa!
" Ehem..ehem.." Bigla kami napatingin kay Inay Julie ng sabay nang marinig namin ang pag ubo niya na parang nabubulunan.
"Inay Julie okay lang po kayo?" Napatayo si Melissa at hinimas himas ang likuran niya.
Nagsalin ako agad ng tubig sa isang baso at ibinigay ito para inumin niya. At nang tuluyang maalis ang anumang naka bara sa lalamunan niya.
Mabilis na kinuha naman ito ni Inay Julie at kaagad na ininum ito hanggang sa makalahati.
"Okay na anak..." Sabi niya sabay huminga ng malalim.
"Sure po kayo?" Pag aalang tanong ni Melissa sa Inay.
"Oo.. nasamid lang ako. Upo ka na anak at kumain na tayo." Utos niya.
Ilang minuto mula ang insedenteng yun ay puros tunog ng nag kikiskisan na kubyertos at babasaging plato ang maririnig na ingay.
Wala mang mga pag uusap na maririnig mula sa amin abala naman na nagbabatuhan kami ng mga makakahulugang tinginan at sulyapan ni Melissa.
" Aray!!! Ano ba tong langgam na to sakit mangagat!" Biglang sigaw ni Inay Julie na siyang bumasag sa katahimikan. Kasabay nito ang pagpalo sa kanyang kanang paa.
" InayJulie! Ano pong langgam? Nasaan po?" Pagtatakang tanong ni Melissa.
Sinilip ko ang ilalim ng mesa pero wala naman akong makitang insekto rito. Napaka linis nito at impossible na may langgam.
"Ang dami kasing nagkalat na matatamis..." Saad niya.
Nagkatinginan kaming pareho ni Melissa na kapwang may ekspresyon na naguguluhan sa mga sinasabi ni Inay Julie.
"Inay, wala naman akong nakikitang matatamis o asukal na nagkalat... Itong mga ulam natin hindi naman matatamis oh!" sabay turo ni Melissa sa Estofado at stir-fried vegetables sa harap namin.
"Sinabi ko bang pagkain ang matatamis???" Natatawang umiiling iling si Inay Julie.
"Eh, ano po?" Sabay namin tanong ni Melissa.
"Ano pa eh di ...kayong dalawa ni Brent.... Ang sweet sweet niyo sa harapan ko ha. Dyaskeng mga batang to-- ang lakas maka third wheel!" Sabi ni Inay na parang teen ager na kinikilig.
"Pasensensya po Inay hindi po namin sinasadya.... Malamang dahil diyan may hint na kayo sa sasabihin naming goodnews sa inyo." Magiliw kong sabi.
" Naku iho naman opkors... Sa lagkit ng mga tinginan ninyo at ngitian kuhang kuha ko na ... inaasahan ko na ano? Na kayo na nitong si Melissa!"
Sabay kindat ni Inay sa akin.
Napansin kong nakatingin lang sa plato si Melissa at sumusubo na malayo ang iniisip.
"Babygirl okay ka lang?" May pag aalalang tanong ko.
"O-okay lang Habibi." Ngumiti siya sa akin at sabay pinagpatuloy ang pagkain.
"Ayiiiii ang sweet!!! Pwede pa kaya ako makapag boyfriend mga anak??? May nagsabi sa akin nung isang araw gumawa daw ako ng account sa Tinder ba yun?" Excited at kinikilig na saad ni Inay sa amin.
" Hell NO! Inay!" sigaw ni Melissa.
Sabay kaming napatingin ni Inay Julie kay Melissa nang napasigaw ito. I feel something is bothering her. Kanina pa siya mukhang balisa. If she is not ready to tell it to me then I will wait for her.
"Babygirl?" Tawag ko sa kanya.
At mula sa aking pagtawag sa kanya ay mukha na siyang natauhan. I went by her side at para i check if she was okay. I sat beside her and assured her na ano man ang bumabagabag sa isipan niya andito lang ako sa kanya, then i held her hand.
"S-sorry po Inay... Hindi ko po sinasadyang sigawan kayo. A-ayoko lang po kayong sumali sa mga ganung dating apps. Delikado po.." Sabi ni Melissa na puno nang pagsisi at paumanhin.
"Tsk! Anak biro lang iyon ano ka ba as if mag hahanap pa ko ng boyfriend? Aysus sakit lang sa ulo mga yun.... Ay sorry Brent hijo except ikaw syempre!" Saad ni Inay Julie sabay nag peace sign pa sa akin.
It was 6am in the morning when my phone rang non stop, inabot ko ito sa bedside table ko and upon checking its mommy calling.
"Hello." I answered in a sleepy tone.
"Anak? Where are you?"
"Mom, ang aga aga pa." Reklamo ko.
"Hijo! Have you forgotten na noh? You have an appointment with me... we will be inspecting the textile factory in Cebu. The plane will be leaving at 8am. Get up and see you before 8!" She commanded in a bossy tone.
Hindi na niya ako hinayaang makapag salita pa at tuluyan nang ibinaba ang telepono. This is one of my trainings under her wings. Kelangan ako maexpose sa iba't ibang sulok ng aming companya. Especially now at may one week break kami before the final semester starts.
Pinalipad ko ang kotse ko para makarating sa airport ng before 8am. I was wearing a casual maroon polo shirt and black slacks an attire that suits my purpose for the day. Dumating ako sa SkyWings ng quarter to eight,mabuti na lang walang traffic dahil sa sabado at maaga pa.
Nakita ko si mommy na nasa lounge area reading something on her phone. Naramdaman niya ang presence ko at napatingin sa akin, when she saw me napangiti sa akin ng bahagya.
"Oh! Brent anak nag breakfast ka na?" She approached, then I gave her a brief kiss on her cheek.
"No not yet pa po." Pag amin ko.
"Come... Nagpahanda ako sa commissary ng breakfast." She marched going to the dining hall and automatically I follwed her.
" I thought we will be flying at 8 Mom?" Pag aalala kong tanong.
" Na delay ang pag balik ng plane mga, 9 pa tayo makakaalis." She told me as we entered the dining hall.
We cater to alot of VIP clients kaya we got a lounging area and dining halls where they can have their refreshments or meals. We also have five bedrooms located at the second floor na hotel grade inside the hangar.
Pag pasok namin nakita ko si Georgina na nag aantay na sa amin sa loob ng dining hall. She was wearing a brown pencil cut leather skirt na above the knees at 3/4 sleeves blouse na hapit na hapit sa katawan niya. She got good curves na pwedeng pumasa sa modeling industry.
Georgina is not Georgina kapag hindi naka five inches heels shoes. Hindi ko mawari paano siya nakakatagal sa ganitong kataas na shoes. But honestly speaking this adds up to her classy and sophisticated style.
She is an attractive woman that every men could desire. Except me hindi ko siya type, growing up together ay para na lamang siyang nakakabatang kapatid sa akin. Now being her my fiancé, parang hindi ko maatim parang incest ang mangyayari.
"Anak Georgina will tag along with us, part ito ng OJT niya." Sabi ni Mommy sa akin.
"No problem." Seryoso kong sabi.But deep inside I was disappointed that my Mom didn't tell me ahead of time na kasama namin sa trip na ito si Georgina. I am sure sinasadya ni Mom ito.
"Hi Brent--honey." Tumayo siya sa pag kakaupo at sinalubong ako. Bigla niyang ipinulupot at hinatak ang aking batok at hinalikan ang mga labi ko.
Nagitla ako sa pangyayari at dahil dito biglang sumama ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Mabilis kong hinawakan ang mga balikat niya para marahang itulak siya palayo sa akin. This is one of the reasons why I hate being close to her. She is too liberated and modern woman which I don't like the most.
Now I suddenly remembered my Babygirl na total opposite ni Georgina. My real kind of girl ---conservative and simple.Big bonus na lang ang taglay na kagandahan at katalinuhan ni Melissa.
"Don't do that again Georgina!" I said to her with an irritated tone. At nilampasan ko siya papunta sa aking upuan. I never look at her again.
"Anak! Can you please be gentle with Georgina? What's wrong her kissing you? She is your fiancé naman." Sabi ng Mommy while comforting Georgina.
" Here we go again with the fiancé thing..."I said under my breath.
" Anak -- hija don't mind him, someday matatanggap din niya ang lahat." My Mom told Georgina habang hinihimas nito ang likuran niya. I can't believe this. Parang kasalanan ko pa?
" No problem Mommy Clara Im alright... " Naiiyak iyak at mahinang sagot ni Georgina na mukhang nasaktan sa pag uugali ko sa kanya. What a great actress! I thought all the more na mas namuhi ako sa asal niya.
Never ko nagustuhan ang desisyon ng aming pamilya. Georgina is the daughter of Tito Arman's half sister sa ama na si Tita Patricia. Kung ituring na nila ay anak nila since namatayan sila ng anak more than two decades ago. Pero ang pinaka nawiwili sa kanya ay si Tita Isabel asawa ni Tito Arman. Sa sobrang pangungulila sa namatay na anak na si Bettina, si Georgina ang nag puno sa kakulanagan ng nararamdaman niya. Since mag bestfriend si Mommy at Tita Isabel nagkasundo na si Georgina ang ipinalit nila as my fiancé. I hate political marriage the most!