Prologue
Claire's POV
Paalis ako sa bahay namin ngayon, hawak ko ang mga pusa ko na kasama ko sa bahay. Kasama ko rito ang aking kuya na kasalukuyang nasa college na at ang parents namin ay OFW sa Japan.
"Aalis ka na?" tanong ni kuya na kapapatay palang sa makina ng motor. Inilapag ko ang pusa kong si Katkat at isinara ang pinto.
"Oo eh. Sasamahan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa motor. Single na motor ang ginagamit namin.
Habang umaandar ang motor ay ramdam ko ang malamig na hanging tumatama sa balat ko. Mahigpit ang hawak ko sa balikat ni kuya at nakaayos din sa kamay ko ang mga bulaklak.
Unti-nunti na akong nasisilaw sa sinag ng palubog na araw. Hapon na at paalis palang kami. Papunta kaming sementeryo dahil may dadalawin kami.
Nang makarating kami sa sementeryo ay agad na akong bumaba. Nauna na akong pumunta sa puntod na pupuntahan namin at inilapag ko na ang bulaklak sa gilid ng lapida.
Iniayos ko ang palda ko dahil nakasuot pa ako ng uniform namin. Pagkaayos ko sa palda ko ay naupo ako sa damuhan. Nakarinig ako ng tunog ng gumagalaw na d**o. Naglalakad si kuya palapit sa akin pero hindi ko siya nilingon. Nakatitig lang ako sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan niya.
"Marco Anthony P. Santos," pagkabigkas ko noon ay napahawak ako sa lapida. May mga putik 'yon dahil tag-ulan na at hindi ko naman madalas malinis ito.
"Isang taon na mahigit na rin pala," napahawak ako nang mahigpit sa d**o nang marinig ko 'yon. "Magdadalawang taon na." Napalunok ako nang paunti-unti habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
"Isang bagay lang ang gusto ko at gusto ni Marco," hindi ko na siya pinansin pagkatapos niyon. Nasasaktan lang ako sa mga sinasabi niya dahil bumabalik lahat ng alaala naming dalawa. "Iyon ay ang makawala ka sa pagkakakulong sa nakaraan mo." agad siyang tumayo kahit na hindi ako nagtapon ng isang tingin sa kaniya.
Naramdaman ko rin ang paghakbang ng mga paa niya at agad dumampi ang malamig na hangin sa mukha ko. Paano ako makakawala sa nakaraan kung mahal ko pa rin si Marco?
"You are the moon in my universe
You are the light my saving grace
The only thing that matters to me
Your face is the only thing I can see"
Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Mas humigpit ang paghawak ko sa d**o at halos haplusin ko na ang putik na nasa lapida.
"Promise me you'll never go away
I'll give my love to you everyday
Even if we're not together
My heart will be yours forever."
Sa puntong 'yon, alam ko sa sarili kong hindi lang lapida ang namumutik kundi pati ang mukha ko. Kasabay ng pag-init ng mata ko ay ang paglamig ng paligid. Malakas na hangin ang umihip at nilipad ang mga nalagas na dahon mula sa mga puno. Parang niyakap ako ng hangin at halos ayaw na nitong bumitaw.
"Sana panaginip nalang ang lahat ng 'to. Kahit isang taon na ang nakalipas, kahit dalawa, tatlo o sampu. Hindi ako magsasawang hintayin ka," sana pala hindi ko na kinanta ang kantang 'yon. Theme song namin 'yon at nailabas 'yon noong nag-uumpisa palang ang BIZARre. Sa tuwing naririnig at kinakanta ko 'yon, para akong isinasayaw sa ulap.
"Claire, tara na!" sabi ni kuya na nakasuksok ang kamay sa bulsa niya. Gusto ko pa sanang tumagal dito pero ayokong magalit si kuya. Kung pwede ko lang tabihan ang puntod ni Marco, ginawa ko na.
Dahan-dahan akong tumayo at ipinunas ang namumutik kong kamay sa palda ko. Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang mukha ko dahil mas lalo lang itong mamumutik.
Pasakay na ako sa motor nang hilahin ako ni kuya. "Ayokong umiiyak ka, sundin mo nalang ang gusto namin," sabi niya at kinuha ang panyo niya sa bulsa at ibinigay sa akin.
Matapos kong punasan ang sarili ko ay nag-aya na siyang umuwi. Hindi na ako pumalag dahil gusto ko na ring magpahinga. Hindi ko na rin binalak pang kumain ng hapunan.
Pumasok ako sa kwarto ko at napaupo sa gilid ng kama. Napatitig ako sa kulay pink na pader ng kwarto kong ito. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay napatingin ako sa salamin. Hindi ko maiwasang mapahawak sa pisngi ko dahil lumalandas ang mga luha ko roon.
Iniwas ko ang aking tingin at napatitig sa cabinet na pinaglalagyan ng mga gamit ko para sa school. Katabi lamang ito ng salamin at palagi kong sinisiguradong malinis ‘yon. Naroon ang picture niya at napansin ko rin na hindi ko napalitan ang tubig ng halaman na katbi ng litratong ‘yon. Dahan-dahan kong kinuha ang vase at lumabas upang palitan ‘yon ng tubig.
Paglabas ko ay nakita ko si kuya na nasa kitchen. Nakaupo siya roon habang nakahawak sa mga papel. Mayroon ding isang tasa sa harap niya at pagsilip ko ay may laman iyon na kape. Naglakad ako papunta sa lababo para kumuha ng tubig pero bubuksan ko palang ang gripo ay nagsalita siya.
“Pinalitan ko ‘yan kanina,” sabi niya kaya naglakad ako pabalik. “Alam kong ayaw mong narurumihan ‘yan. Kahit gaano kasakit sa akin na makitang nasasaktan ka, hindi ko hahayaang malungkot ka sa ganyang bagay,” umangat ang sulok ng labi ko at tila tumalon ang puso ko.
Pagbalik ko sa kwarto ay nandito si Katkat pero naiwan si Carl sa tabi ni kuya. Nakahiga siya sa doormat ko kaya pinabayaan ko muna. Ibinalik ko na rin ang vase pero kinuha ko ang picture frame.
Naupo ulit ako sa kama habang nakahawak sa picture frame. Ito ‘yong katulad ng picture na nasa burol niya. Napapikit ako nang maramdamang umaagos muli ang mga luha sa pisngi ko. Humigpit din ang paghawak ko sa picture frame.
Bumalik ang mga ala-ala kung paano kami nagkakilala. Naroon ako sa classroom namin noong grade 9. Transferee siya at siya ‘yong tipo ng lalaki na friendly. Hindi siya nagdalawang isip na lumapit sa akin. Nakita niyang nakikinig ako sa classical songs at dahil doon, naging close kami.
Panahong nililigawan niya palang ako, sinabi na niya sa akin na huwag ko siyang gagawing sentro ng mundo ko. Huwag ko siyang gagawing priority at huwag kong ipagpapaliban ang ibang bagay para lang sa kaniya. I did his command, hindi siya toxic, he’s the man every girl could ask for.
Napangiti ako kahit puro luha na ang mata ko. Niyakap ko rin ang picture frame niya at si Katkat ay nakatingin lang sa akin. Pinapanood niya akong umiyak, kung sana lang kayak o siyang kausapin gamit ang lenggwahe ng tao, mas magaan sana ang loob ko.
Habang nakapikit ako ay lumitaw ang imahe niya. Nakikinig kami sa kanta ng BIZARre at sa bawat lyrics ng kanta, siya ‘yong naaalala ko. Hiningi ko ang picture na ‘to sa kaniya dahil sobrang gwapo niya. Para siyang CEO ng isang kompanya. Nakasuot siya ng formal attire at nakahawi ang buhok niya dahil naka-wax ‘yon. Debut ‘yon ng pinsan niya at ‘yon ‘yong tuwang-tuwa siya sa itsura niya dahil ang gwapo niya raw.
“Claire,” napapunas ako sa mga luha ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni kuya.
“B-bakit?” pasigaw kong tanong.
“Matutulog na ako,” sabi niya at narinig ko ang mahinang pagsara ng pinto.
Nahiga na rin ako pero inilapag ko sa tabi ko ang picture frame. Nakapikit na ulit ako pero hindi ko maiwasang mabigatan ang loob. Para bang habang naiisip ko ‘yon ay sinasaksak ako nang paulit-ulit. Bakit kung sino ang nagpasaya sa’yo, siya rin pala ang magdadala ng takot sa buhay mo.
"Gusto kong hanapin mo ang kalayaan mo," nakita ko ang kumikinang niyang mga mata kasabay ng pag-angat ng kaniyang labi. "Palayain mo ang sarili mo."
Naglalakad siya palapit sa akin at inaabot ko ang kamay ko sa kamay niya. Nakatingin siya sa kamay ko at naaakit ako sa mahahaba niyang pilikmata. Kitang kita rin ang malalim na gitna ng kaniyang labi kasama ang pagkapula nito.
Nang maabot ko siya ay agad ko siyang hinawakan sa kamay pero bigla siyang nawala kaya napadilat ako. Mabilis ang t***k ng puso ko at malalim ang bawat paghinga ko. Akala ko totoo na. Pero ano ang sinasabi niya? Hanapin ko ang kalayaan ko?