Nakaupo sa isang malaķing bato si Edgar at mag isang tinatanaw ang alon ng dagat. Malilim naman ang lugar na kinauupuan niya dahil may puno ng kawayan na tumatabing sa kanya at hapon na rin kaya hindi na masakit ang sikat ng araw sa balat.
Dumampot siya ng maliliit na bato at isa isa iyong pinagbabato sa dalampasigan. May nakita siyang dalawang tao na hindi kalayuan sa pinagtatambayan niya. Naghahabulan ang dalawa at masaya ang mga ito na sa tingin niya ay magkasintahan. Naalala niya ang unang araw na nakilala niya si Eloisa at kung paano naging sila at kung bakit humantong sila sa hiwalayan.
*Flashback*
Dalawang araw ng nasa Poblacion si Edgar sa Guimaras kung saan ang probinsiya ng kanyang ama. Bakasyon lamang siya roon dahil matagal na siyang kinukulit ng abuelo niyang si Don Edgardo na muling bumisita sa manggahan nila na ipinagmamalaki palagi nito sa kanila. Nung mga bata pa lang sila ng kapatid niyang si Margaret ay madalas sila sa probinsiya pero ng magsimula ng mag aral ay hindi na sila nakakadalaw sa Guimaras at ang lolo Edgardo na lamang nila ang lumuluwas ng maynila kapag kailangan. Sa edad na bente singko ay may sarili ng business si Edgar sa maynila na kakaumpisa pa lang niya ay may dalawang branches na siya ng motor and car trading shop. Dahil sa mahilig talaga siya mga kotse at motor kaya iyon ang naisipan niyang ibusiness after niyang makagraduate at ilang taon na nagwork sa insurance company nila na ang Daddy niya ang CEO. Kung hindi lang sa isang babaeng ayaw siyang tantanan ay hindi pa siya magdedesisyon na magbakasyon na muna sa Guimaras.
"Hi Lo, good morning!" bati ni Edgar sa abuelo.
"Good morning iho, gusto mo ng kape?" balik bati ni Don Edgardo.
"Mamaya na lang Lo, gusto ko munang maglibot sa bayan. Pahiram ako Lo ng kotse mo ha!"
"Ikaw ang bahala, basta mag iingat ka!" aning wika ng matanda at kinuha ang susi ng kotse at ibinato kay Edgar na nasalo naman ng apo.
"Thanks Lo, alis na ko. See you later!" aniya at tinalikuran na ang abuelo at lumabas ng mansion gamit ang kotse ni Don Edgardo ay nagbyahe siya sa bayan ng di alam kung saan tutungo.
Nasa bayan na si Edgar at mabagal ang takbo ng kanyang sasakyan dahil sa marami ang taong tumatawid, nasa tapat kase siya ng isang college school. Naghihintay siyang umusad ang trapik ng mapukaw ang atensyon niya ng isang babaeng kakababa lang ng tricycle at nahulog ang hawak nitong banana cue dahil nasagi ng matandang babae na nagmamadali.
"Ay naku ineng! pasensiya ka na hindi ko sinasadya, nagmamadali kase ako at hinahabol ko yung alaga ko dahil naiwan kase niya itong kailangan niyang books sa bahay. Papalitan ko na lang yang banana cue mo." hinging paumanhin ng matandang babae.
"Okay lang po, sige po habulin n'yo na po ang alaga ninyo at baka mainip yon ay mapagalitan pa kayo."
"Sigurado ka, ineng? Okay sige, pasensiya na talaga sa abala, salamat ha!" wika pa ng ginang at mabilis na iniwan ang babae na nakita ni Edgar na pinapagpagan na lang ang damit nito na nadumihan dahil sa banana cue.
Nagandahan si Edgar sa mukha ng babae na kahit na simple lang ay lutang pa rin ang kagandahan nito at masasabi niyang mabait din ang babae. May nag uudyok sa kanya na kilalanin ang babae ngunit hindi niya alam kung paano niya lalapitan para makapagpakilala hanggang sa mawala na lang ito sa paningin niya dahil pumasok na ito sa paaralan at kailangan na rin niyang paandarin ang kotse.
Buong maghapon ay naging laman ng isipan ni Edgar ang babaeng nakita niya sa labas ng school kaya kinabukasan ay maaga siyang bumangon at muling hiniram ang kotse ng abuelo at maagang nagtungo sa college school at hinintay ang pagdating ng babaeng nakita niya kahapon na nakapukaw ng kanyang pansin.
Ilang minuto rin siyang naghintay at hindi siya nabigo ng muli niyang makita ang babae roon. Pagkababa nito sa tricycle ay mabilis niyang nilapitan ito at gumawa ng paraan para makilala ang babae.
"Miss wait, sandali lang! pwede bang magtanong? nagmamadali ka ba? pasensiya na naliligaw na ata ako!" aning paraan ni Edgar upang makausap ang babae.
"Ah, eh! hindi naman, maaga pa naman. Bakit ano ba ang itatanong mo? Teka dito tayo sa tabi baka masagasaan tayo dito sa daan." wika ng babae.
Napangiti si Edgar dahil sa pagkausap ng babae sa kanya.
"By the way miss im Edgar Alminarez and you are?"
"Eloisa, Eloisa Marasigan. Anong itatanong mo?" sagot ng babae kay Edgar.
"Eloisa! ang ganda ng name mo."
Napakunot noo ang babae sa narinig kay Edgar.
"Mister, gusto mo lang atang makipagkilala sa akin eh! Natatandaan kita, ikaw yung nasa loob ng kotse na nakatingin sa amin nung ginang kahapon di ba!? Yung totoo, naliligaw ka bang talaga o gusto manligaw?" straight to the point na saad ni Eloisa.
Napalawak ang ngiti ni Edgar dahil na amused siya sa sinabi ni Eloisa. Hindi pala ito tulad ng ibang probinsiyana na mahinhin magsalita.
Napahimas sa batok ang binata at nakangiting tumango kay Eloisa. "Sorry, gusto ko kaseng makilala ka pero hindi ko alam kung paano, kaya gumawa ako ng paraan na hindi mo mahahalata, but nagkamali ako dahil matalino ka pala, bukod sa maganda ka Eloisa." aning wika ni Edgar.
"I know! Alminarez ka, ibig sabihin ikaw ang apo ni Don Edgardo na usap- usapan sa school namin ngayon? Kahawig mo nga si Don Edgardo." bulalas na turan ng dalaga.
"Ako nga, pero hindi ko alam na sikat pala ako sa school ninyo!" aning sagot ni Edgar.
"Oo maliit lang itong bayan ng poblacion kaya mabilis ang tsismis dito sa amin. Nga pala hindi ako nagpapaligaw sa daan. Ipagtanong mo na lang kung saan ang bahay ko. Kilala naman ako rito sa lugar namin, ikaw na bahala maghanap. Bye!" saad ng dalaga at mabilis na nakalayo kay Edgar na hindi na nakapagsalita pa at nailing na lang sa naging usapan nila ni Eloisa.
Nang araw ding iyon ay hindi umuwi ng mansion si Edgar ng hindi niya nahahanap ang tirahan nila Eloisa Marasigan na hindi naman siya nahirapan dahil sa kilala nga ang dalaga sa buong barangay dahil si Eloisa pala ang Chairman ng sangguniang kabataan roon na lalong hinangaan ni Edgar sa dalaga.
Pagkauwi niya sa mansion ng mga Alminarez ay nagtanong siya sa isang kasambahay kung kakilala si Eloisa.
"Si Eloisa ba senyorito Edgar, yung anak ni Mang Nelson?"
"Hindi ko alam kung anak siya nung sinasabi mo ang alam ko lang nag aaral siya sa Poblacion college at sk chairman siya rito."
"Anak nga ni Mang Nelson yon! bakit mo naitanong senyorito?"
"Anong pagkakakilala ninyo sa kanya?"
"Ay si senyorito interesado sa anak ni Mang Nelson!" panunukso ng kasambahay nilang si Nenita.
"Paano kung oo at interesado nga ako sa kanya? may magagalit ba kung sakaling ligawan ko si Eloisa?"
"Wala namang masama senyorito pero ang alam ko maraming manliligaw ang anak ni Mang Nelson. Hindi lang ako sigurado kung may napupusuan na ang dalaga ni Mang Nelson ngayon. Pero kung sa ugali ay wala kang maipipintas dahil napakabait at napakasipag at mapagmahal na anak at matalino yang si Eloisa bukod sa napakaamo ng mukha. Classmate siya ng kapatid ko nung high school sabay silang nag graduate at siya ang naging magna c*m laude ng school year nila." pagpapabatid ni Nenita sa alam niyang ugali ni Eloisa.
"Ano pa? bukod sa alam kong maganda siya ay gusto ko pa siyang makilala Nenita." tanong pa niya sa kasambahay.
"Mukhang tinamaan ka nga kay Eloisa senyorito Edgar! wala naman ako gaanong alam sa kanya kilala lang siya dito dahil sk chairman nga siya at madalas siyang makita sa mga santa cruzan noon na halos taon taon kasali siya pati madalas siyang kunin na muse sa paliga ng basketball dito sa poblacion noong dalagita pa siya pero ng magdalaga hindi na ata pumapayag na sumali dahil hindi na siya nakikita na kasali sa mga ganun pero isa siya sa mga nagco-committee dahil nga siguro siya na ang sk chairman." pahayag pa ng kasambahay ni Don Edgardo sa kanya na naintindihan naman ni Edgar.
"May gusto ka pa bang alamin sa akin tungkol kay Eloisa senyorito Edgar? kase wala na kong masasabi pa. Kung gusto mo magtatanong tanong ako sa nakakakilala sa kanya?"
"Ah hindi na Nenita, okay na yung mga nasabi mo. Ako na ang bahala para makilala ko pa siya. Salamat!"
"Sige po senyorito, goodluck sa pangliligaw." nanunuksong saad ng kasambahay na nginitian lang ni Edgar.
Kinagabihan bumalik si Edgar sa tapat ng bahay nila Eloisa. Inabangan niya ang pag uwi ng dalaga sa bahay ngunit bagsak ang balikat niya ng makita ang dalaga na lumabas sa isang kotse na inalalayan ng isang lalaki.
Nakita niyang magiliw pang nagpaalam si Eloisa sa lalaki bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Naisip niyang baka nobyo na ng dalaga ang lalaki at nahuli na siya ng dating.
Umalis siya sa tapat ng bahay nila Eloisa at nagtungo sa isang malapit na bar na nadaanan niya para mag inom na muna ng alak bago umuwi sa mansion. Nakita niya ang kotseng binabaan ni Eloisa kanina na nakaparking sa tapat mismo ng bar na papasukin niya at napakunot noo siya sa pagtataka. Pumasok siya sa bar at nakita niya ang lalaking naghatid kay Eloisa na nag iinom kausap ang dalawang lalaki na katabi nito.
Naupo siya sa malapit lang at pinakinggan ang usapan ng tatlo ng hindi nagpapahalata.
"Huwag kang magpakalasing ng husto Philip, baka mamaya niyan gumapang ka na rito, walang aalalay sayo pauwe." saad ng isa siguro sa mga kaibigan nung Philip na naghatid kay Eloisa sa labas ng bahay.
"Kaya nga ako narito kase gusto kong maglasing gusto kong mawala ang sakit sa puso ko pare! Pangit ba ko pare? bakit hindi ako magustuhan ni Eloisa? ang tagal ko ng nanliligaw sa kanya, ilang beses na kong sumubok na baguhin ang desisyon niya sa pambabasted sa akin pero, pare ganun pa rin!. Kung ibang babae lang siguro si Eloisa baka matagal ko na siyang pinagbalakan ng masama pero nirerespeto at ginagalang ko siya alam ninyo yun, ayokong magalit siya sa akin kapag ginawa ko yon!" salitang lasing ni Philip na ikinailing ng ulo ng mga nakakarinig sa lalaki.
"Yun naman pala eh!, tanggapin mo na lang na hindi si Eloisa ang para sayo. Bakit hindi ka na lang kaya lumayo na muna rito malay mo makalimutan mo ang feelings mo for her kapag may nakita ka o may makilala kang mas higit pa kay Eloisa sa ibang lugar." wika ng nasa tabi nung Philip.
"Si Eloisa lang kase ang palagi mong nakikita at tingin mong perfect para sa'yo pare. Maraming magaganda pang babae diyan pero dahil nga nakafocus ka lang kay Eloisa wala kang makitang iba na nasa tabi mo nga lang eh! Philip try mo ring imulat ang mga mata mo sa paligid mo baka sakaling mapansin mo rin siya." aning turan naman ng isa sa mga kasama pa nung Philip.
"Kilala ko kung sino ang sinasabi mo Julius. Wala akong maramdaman para sa kanya at ayokong gamitin siya para lang maibsan ang sakit na aking nararamdaman. Lalayo na nga lang muna siguro ako at tatanggapin na talagang hindi si Eloisa ang para sa akin." malungkot na saad pa nung lalaki.
Tumayo si Edgar at nag iwan ng pera at saka lumabas ng bar na nabuhayan dahil nabatid niyang wala naman palang relasyon si Eloisa sa lalaking nakita niyang kasama ng babaeng kanyang nagugustuhan.