"Ha?! ah eh, sorry hindi ako pwede. Maraming order na kakanin sa akin at gagawa ako ng panglako ng mga tindera ko kaya hindi maaari." pagtanggi ni Eloisa sa dalawang lalaki na naghihintay ng sagot n'ya.
"Sayang naman! hindi mo kami masasamahan bukas. Sige, okay lang Eloisa ayaw ka naman namin maabala sa negosyo mo. Baka may kakilala ka na lang na pwede kaming masamahan sa Alminarez farm!?" aning wika ni Justin sa kanya.
"Di ba Eloisa, dito pa rin nakatira sila Joseph at Janet?" tanong ni Raegan ng maalala ang magkapatid na kaibigan nila.
"Wala na si Joseph dito, nasa maynila na kasama ang pamilya niya. Nakapag asawa ng taga roon sa maynila. Si Janet, ang alam ko ang asawa niya ay sa manggahan ng mga Alminarez nagtatrabaho. Mamaya tawagan ko, tignan natin kung mapakiusapan natin sila na samahan kayo sa manggahan." aniya sa dalawa.
"Good, mas okay nga kung trabahante sa manggahan ang makakasama namin papunta roon para makapagtanung tanong na rin kami about sa lugar at sa may ari." masayang turan ni Justin kay Eloisa.
"Matalik na kaibigan mo si Janet di ba?" usisa ni Raegan kay Eloisa na tinanguan ng dalaga.
"Bakit, mo natanong?" aniya naman.
"Wala naman, naalala ko lang noong mga bata pa tayo. Palagi mo siyang kasama at kapag inaasar naman kita siya naman ang nang aaway sa akin noon." pagrereminisce ni Raegan ng nakaraan.
"Oo si Janet nga iyong palaging nambabatok sayo kapag nakikita ka." pagpapaalala pa ni Eloisa sa pinsan na ikinatawa nilang tatlo habang naglalakad.
Umakbay si Raegan sa magkabilaang balikat ng dalaga na ikinapiglas naman ni Eloisa pero nakangiti.
"Huwag mo nga akong akbayan, mamaya pa niyan may makakita sa atin tapos pagtsismisan pa tayo!. Malaki na ang pinagbago mo Raegan, kaya hindi ka na halos makikilala ng ibang tagarito. I admit na gumwapo ka at hindi naman malabo yun kase magpinsan tayo di ba at nasa lahi na nila nanay ang magagandang lahi." normal na anas ni Eloisa na may pagyayabang.
"Inamin mo rin na gwapo ako, akala ko ako lang ang mayabang sa pamilya natin, isa ka rin naman pala!" nakangiting saad ni Raegan sa pinsan na nakuha pang guluhin ang buhok ni Eloisa kaya sa inis ay hinampas ni Eloisa ang kamay ni Raegan ngunit hindi natamaan ang lalaki at patakbong lumayo sa kanya na ikinahabol ni Eloisa sa pinsan.
Nang biglang hilahin ni Justin ang braso ni Eloisa at bumangga sa dibdib ni Justin ang katawan ng dalaga dahil sa nabigla sa nangyari. May dumaan kaseng kotse na mabilis na nagpaandar pero nagawa namang makapagbusina kaya naagapan ni Justin ang maitabi ang dalaga sa daan.
Natigilan naman ang dalawa ng mapansin nilang halos nakayakap na sa baywang ni Eloisa si Justin at ang dalaga ay dikit na dikit ang katawan sa katrabaho ng pinsan niya. Agad naman silang nagbitaw ng mapagtanto ang ganoong posisyon nilang dalawa at marinig ang pakunwareng pangangati ng lalamunan ni Raegan sa kaka-ehem ehem nito.
"Siraulong driver yun ah! ang lawak ng kalsada talagang sa tabi pa pinadaan ang kotse niya. Parang nanadya eh! Kilala mo ba kung kaninong kotse ang dumaan Eloisa!?" galit na anas ni Raegan.
"Hindi ko napansin yung sasakyan, nabigla rin ako sa bilis ng pangyayare. Thank you Justin ha, kung hindi sayo baka nabundol na ko ng sasakyan." aning wika ni Eloisa na medyo nanginginig ang katawan dahil na rin sa pagbilis ng pagpintig ng kanyang puso.
"Wala yun Eloisa! kahit sinong malapit sa iyo ay gagawin ang ginawa ko mailigtas ka lang sa panganib. Next time mag ingat ka na lang." saad naman ni Justin na tinitigan pa sa mata ang dalaga na ikinangiti ni Eloisa sa lalaki.
"Magpatuloy na tayo sa paglalakad. Hindi naman natin nakita ang plate number ng kotse at wala naman nasaktan sa atin kaya hayaan na natin ang kaskaserong yon. Sana lang ay wala siyang masagasaang tao o anuman. Bakit kase hindi na lang tayo sumakay ng tricycle!?" aning wika ni Raegan.
"Ang lapit lang ng palengke dito sa amin, sasakay pa kami. Sayang pamasahe lang yon, mamaya tayo sasakay kapag may mabigat na bibitbitin pauwe. Palibhasa waldas ka sa pera kaya hindi ka marunong magtipid Raegan." angil niya sa pinsan na ikinailing at tawa naman ni Justin sa kanila.
"Para kayong aso't pusang magpinsan talaga. Pero ang cute ninyong panooring dalawa." komento ni Justin sa kanila.
"Sanay na ko kay Eloisa, siya lang hanggang ngayon ang hindi pa nasanay sa akin." aning turan ni Raegan.
"Seryoso na tayo Eloisa, may boyfriend ka na ba!? kase kung wala pa ay irereto ko sa iyo yang si Justin." aning wika ni Raegan na ikinaubo ni Justin sa sinabi ng katrabaho.
"Baliw kang talaga! nakita mo ang ginawa mo nabilaukan ng laway tuloy si Justin. Alam mo ikaw Raegan kung anu- ano yang naiisip mo, lakas mong manira ng araw." pa asik niyang sabi sa pinsan.
"Wala akong boyfriend pero may manliligaw naman ako at hindi ko pa gustong pumasok uli sa panibagong relasyon." dugtong na rin niyang saad.
Napasulyap si Justin sa mukha ni Eloisa at na napatingin naman ang dalaga sa lalaki at nagkangitian sila.
"Nagkanobyo ka na pala! pwede bang malaman kung bakit kayo nag break?" curious na tanong ni Justin.
"Pinapili niya ko kung pamilya ko o siya. Syempre pamilya ko pinili ko. Bata pa kami noon ilang taon lang ako noon 19 mag 20 pa lang, magtatapos pa nga lang ako mag aral ng college nun eh! tapos iiwan ko agad sila nanay at tatay. Panganay ako at marami akong pangarap para sa pamilya ko na ngayon ko pa nga lang nagagawa para sa kanila. Napakahalaga para sa akin ang pamilya ko kaya hindi ko sila magagawang iwan. Kung mahal niya ko hindi niya ako papipiliin lalo na at alam niyang kailangan ako ng tatay at nanay ko. Minahal ko naman siya, pero siguro nga sadyang hindi ako nababagay para sa kanya. Tulad nga ng sabi ng iba ay mayaman sila mahirap lang kami. Magkaiba ang mundo naming ginagalawan at pareho kaming nahihirapan na iadjust ang mga sarili namin. Mabuti na nga rin siguro ang nangyaring nagkahiwalay kami kahit na nasaktan ako. Nakatulong naman iyon para maging matatag ako at naging motivation ko na rin para ituloy ang pangarap ko na maiahon sa hirap ang pamilya ko at magkaroon ako ng sariling negosyo na masasabi kong akin, na pinagpaguran at pinaghirapan ko talaga. Mahirap din kase na pag isipan kang gold digger at manggagayuma." aning sagot niya kay Raegan.
"Totoo!? sa ganda mong yan Eloisa, nasabihan ka pang nanggagayuma? May aura ka Eloisa na nakapang-aakit sa mga katulad ko at hindi mo na kailangan ng gayuma para lang makapagpaibig ka ng isang lalaki. You look sweet and charming kahit na may pagkapikon ka at palaban hindi natatabunan no'n na may mabuti kang puso." komento ni Justin sa kanyang sinabi.
"Nice pare, para ka na ring nagpahayag na may paghanga ka na sa pinsan ko!" tatawa tawang komento ni Raegan sa mga pinagsasabi nito kay Eloisa
"Yeah, the first time i laid my eyes on her! Look Raegan, Eloisa is a beautiful lady and she had a tough character but sweet. So yeah, ive got a crush on you Eloisa!" pag amin ni Justin kay Raegan at Eloisa na pinagtawanan lang ng mag pinsan.
"Okay lang yan! wag mo lang ako liligawan kase ngayon pa lang babastedin na kita." natatawa pa ring sabi ng dalaga.
Napapalatak naman si Justin. "Wala naman akong sinabing liligawan kita, ang sabi ko lang humahanga ako sayo!." mabilis na sagot ng lalaki kay Eloisa na malakas na tinawanan ni Raegan.
"Ah o-okay! good to hear that." sambit ni Eloisa na nakangiti naman.
Tinapik ni Raegan ang kaliwang balikat ni Justin at sinulyapan ang pinsan at inilingan ito ng magtama ang mga mata nila. Nagpatiuna ng naglakad si Raegan sa dalawa at hinayaan magkausap ang dalawa habang naglalakad.
Samantalang si Edgar ay nagpupuyos ang dibdib sa galit dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya si Eloisa sa daan na may kasamang dalawang lalaki na hindi niya kilala at halata sa mukha ng babae ang saya.
Nainip siya sa mansion ng lolo nila kanina kaya naisipan niyang maglibot na muna sa bayan gamit ang kotse ng kanyang abuelo. Tinakasan niya ang kapatid na si Margaret habang nagsisiyesta ang kapatid sa silid nito dahil kung magsasabi siya na aalis sigurado siyang sasama ito sa kanya pero ayaw niya at gusto niya na munang mapag isa.
Sa inis na nadarama niya kanina ay sinadya niyang ipaharurot ang takbo ng kotse pero nagawa naman niyang magbusina para makaiwas ang daraan at hindi siya makasagasa. At wala siyang intensyon na sagasaan si Eloisa at ang mga kasama nitong lalaki.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang lugar kung saan sila noon madalas magkita ni Eloisa. Napabuga siya ng hangin ng mapagtanto niya ang ginawa niya kanina sa daan at kung bakit siya naroon ngayon sa lugar na tagpuan nila noon ng babaeng nanakit sa kanyang damdamin.