CHAPTER 15

1492 Words
Kanina ko pa pinipigilan ang tumawa. Paano ba naman kasi kanina pa parang tangang nakatiad maglakad itong si Shion. Diring-diri sa tubig na mula sa mga pwesto. Gusto ko na talaga humalakhak dito, kaso ansama nya makatingin. "Don't laugh." seryoso nyang sabi. Napabungisngis ako saka muling nagpigil. "I'm not." tanggi ko kahit halata namang malapit na kong bumugalwak ng tawa rito. Pero sino ba namang tanga ang hindi matatawa sa kanya. "Tss." singhal nya. Hindi ko na napigilan ang malakas kong pagtawa. Tiningnan nya ko ng masama pero hindi ko na mapigilan ang tawa ko. "Para ka kasing tanga. Maglakad ka ng maayos. Hindi yang patingkayad tingkayad ka." sabi ko saka seryosong naglakad muli. Nasa likuran ko lang sya dala ang iba kong pinamili panglahok sa lulutuin kong sinigang. Nang makakita ako ng kutsaba kong karneng baboy ay agad akong lumapit. "Magkano po ang kilo ng baboy?" tanong ko. Sinipat ko ang baboy kung maganda ba ang pagkaka-karne. "300 ho ang kilo." sagot ng ale. Masyadong mahal. Siguro'y dahil sa mahal na rin ang kilo ng buhay. "Wala na po bang tawad?" tanong ko. Naagaw ng pansin ko ang dalagitang sa tingin ko ay kaedad ko sa tabi ng ale. Titig na titig sya sa likod ko at hagya pang namumula. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang kunot-noong si Shion. Nakaramdam bigla ako ng pagkainis. Hindi ko alam kung bakit. "Mama. Gusto ko magpa-picture doon oh. Kaso nahihiya ako. Ikaw nga magsabi." rinig kong bulong nung dalaga sa nanay nya. Hmm... siguro ay fan ito ni Shion. "Halika assistant nya ko lumapit ka sa kanya at pipicturan kita." yaya ko. Hagyang lumiwanag ang mukha nya at agad na lumapit sa akin. Natawa bigla ako sa naisip. Tingnan natin ang kaartihan mo Shion. "Shion!" tawag ko sa kanya. Nawala ang kunot ng kanya noo at lumapit sa akin. "Magpapa-picture daw sayo." tumingin sya sa dalaga bago muling bumaling sa akin. Nagpilit sya ng ngiti. Yung ngiting nakikiusap na huwag. Gusto ko syang tawanan. Kinuha ko ang cellphone nung babae. Gusto kong matawa ng malakas sa itsura ni Shion. Alam kong mabait sya pero tinamaan kasi ng kaartihan. Kagagaling lang kasi nung babae sa pagkakahawak sa isda na syang tinitinda rin nila. "Humawak ka sa braso nya." sabi ko nung hindi makuntento. Kita ko ang pagsuhestyon sa mukha ni Shion. Kinuha ko na rin pati ang cellphone ko. Capture every moments. Ang moments na ito ay funny moment. *evil laugh* Nahihiya namang humawak ang babae sa braso ni Shion. “Smile Shion!” sabi ko. Nakabusangot kasi ang mukha nya. Sakastikong ngiti naman ang ginawa nya at pinandilatan ako ng mata. Nang matapos ang pag-pipicture ay bumili na ako ng kalahating kilo ng baboy at kalahating kilo ng isda. Nang matapos sa ulam ay pumunta kami ng Grocery para sa ibang seasoning at stuck ng pagkain. Kanina ko pa napapansing nangangalay na si Shion sa hawak nya. Pag naman inaalok ko ng tulong ay kaya nya daw. Napaka arte. 12:40 na kami nakabalik. Buti na lamang at bumili na ako ng lutong kanin sa palengke. Magbubukas na lang ako ng de lata mula sa pinamili naming grocery. Katatapos ko lang maghayin ng lumabas si Shion ng banyo. Katatapos nya lang kasi maligo. Kaartihan. Pati nga yung black jacket kung saan nakahawak yung babae kanina e nandidiring inilagay nya sa trey ng tubalan e. Kumunot ang noo nya ng makita ang nakahayin sa lamesa. “Nasaan na yung ulam? Yung baboy tsaka yung isda.” tanong nya. “Nasa ref. Gusto mo kainin mo ng hilaw.” walang gana kong sabi. Wala na kami oras para magluto maya-maya ay tatawag na para sa next na photoshoot hindi ko pa alam kung saan dahil mamaya pa ibibigay sa akin ang schedule nya sa buong lingo namin dito. “Tss.” singhal nya bago naupo sa kabilang upuan sa counter at tahimik na kumain. Mabilis lang kaming natapos sa pagkain. Matapos ko hugasan ang pinagkainan namin kanina ay napili kong magpahinga na lamang sa sofa. Kaharap ko ang tv pero hindi ko na rin binuhay. Aalis na rin naman kami maya-maya mabibitin lang ako sa panonood. Habang nagpapahinga ay naupo na rin si Shion sa tabi ko. Isinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat at ang likod nya ay prenteng nakasadal sa sofa. Mataman nya ring ipinikit ang kanyang mga mata. Siguro ay napagod, sinabi ko naman kasing huwag na syang sumama e. Mataman ko syang tinititigan at ang hindi ko maintindihan ay ang mga kulisap na animoy nagwawala sa aking tiyan. Mula sa pagtitig ko sa kanya ay kitang-kita ko ang ilong nya. Perpektong-perpekto ang pagkakahubog nito. Natigil lamang ako sa pagtitig sa kanya ng may kumatok sa pinto. Napabaligwas ako ng tayo kaya sinamaan ako ng tingin ni Shion. Nalaglag kasi sya sa akin nabigla kasi ako sa pagtayo e nakasandal ang ulo nya sa akin. Binelatan ko lang sya bago lumapit sa pintuan paa tingnan kung sino ang tao doon. Nakangiti ang isa sa mga staff ng pagbuksan ko sya ng pintuan. Mahinhin nyang iniabot sa akin ang folder. Nang buksan ko iyong ay nakalagay doon ang mga scbhedule ni Shion sa isang buong lingo dito sa isla. “Mag-start na daw ang shoot ng 1:30 pero kailangan na kayo roon.” tinanguan ko lamang sya saka isinara ang pinto. Nang maisara ko ang pinto ay napagawi ang mata ko sa mini table sa gilid lang din ng pinto. “Buti nandito ka lang.” nakangiti kong saad at kinuha ang cellphone ko sa ibabaw nito. Tiningnan ko kung anong oras na at 1:06 na pala ng hapon. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagpalit ng suot. Nagsuot lang ako ng black jeans at plain white tee shirt. Nang lumabas ako ay sya namang pasok ni Shion sa loob. Naghintay ako sa sofa at nang lumabas sya ay hindi naman sya nagpalit mukhang naghilamos lang. Pero ang gwapo pa rin nya. Sabay kaming umalis sa cabin at nagtungo sa rock formation. Doon kasi ang schedule ng shoot nya ngayong hapon at bukas ng umaga. Sa hapon bukas ay sa kabila kami ng rock formation. Nang makarating kami sa rock formation ay agad akong namangha. Maganda sya, nakakarelax ang simoy ng hangin. Problema lang ay mukhang mahirap makarating sa gitna dahil masyadong madulas. Lumapit kami sa mga nandoon na at mukhang kami na lamang hinihintay. Lumapit sa akin ang isa sa mga staff at binigay sa akin ang isang kahon. Nang kuhanin ko iyon ay hindi naman ganoon kabigat. Nang tanungin ko ang staff ay sinabi nyang iyon daw ang damit na ipapasuot kay Shion bago mag start ang shoot. Lumapit sa akin si Shion at ikinawit ang braso nya sa braso ko. Kung tinutulungan nya na lang ako magbuhat nito hindi yang pabigat pa sya. Ay ako pala assistant dito hehe. Wala namang malisya sa amin kung ganito si Shion pero sa tiyan ko meron. May mga paru-paro na animo’y ngayon lamang nakalipad. Kasalukuyan nyang kausap ang isa sa mga staff ng lumapit si Shaniah. Wala naman akong pake. Nagkibit balikat na lamang ako. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghawak ni Shaniah sa braso ni Shion. Certified Makati. Chos. Maya-maya ay nagstart na kaming maglakad sa rock formation. Sa gitna kasi magt-take ng picture. Dahil may rebulto ata ni Mama Merry doon. Nang makarating kami sa gitna ay hindi nga sila nagkamali. May magandang rebulto ni mama merry ang problema ay nasa taas pa iyon. Ang tanging daan lamang ay ang hagdanan na mukhang madulas. Hindi naman ganoon kataas ngunit nakakatakot dumaan dahil mukha ngang madulas. “Akhira, dyan mo na pagpalitin si Shion sa kweba.” Saad ng isa sa mga staff sa akin. Tumango ako at tiningnan ang kweba sa tabi ng hagdanan. Nagsimula na silang umakyat at nang kami na lamang ni Shion ang nasa baba ay kinalabit ko sya. Tiningnan nya naman ako ng may pagtatanong. “Eto daw ipapalit mo ngayon. Lika na magpalit ka na. baka mapagalitan pa ko.” tinanguan nya lamang ako. Pumasok ako sa loob ng kweba, ramdam ko rin ang pagsunod ni Shion sa likuran ko. Maganda ang kweba, hindi lang ganoon kaliwanag. Nagulat ako ng biglang hubarin ni Shion ang sando nya. Nakita ko ang six pack abs nya. Dali-dali akong napatalikod dahil sa hiya. Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko. s**t! Ano bang iniisip nya at bigla nyang ginawa yon. Ramdam ko ang paglapit sa akin ni Shion. Rinig ko ang ilang hakbang nya hanggang sa maramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Lalo na ng iyuko nya ang ulo nya ilapit sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paglapat ng pisngi nya sa pisngi ko. Ano ba to! A/N: I WANT TO PROMOTE MY STORY (HIS WEDDING PLANNER) YOU CAN CHECK IT ON MY PROFILE, JUST SEARCH mihanashi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD