CHAPTER 14

1753 Words
"Ambigat!" reklamo ko sa sarili. Wala naman kase akong ibang wedeng pagreklamuhan dahil nag-iisa lang ako. Inutusan kasi ako ni Shion na kuhanin itong mga gamit nya sa sasakyan nya. Hindi ko naman alam na isang backpack, isang maleta at isang hand bag ang mga gamit nya. Malay ko bang gusto pala nyang tumira na dito. "Tulungan na kita?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Max na nakangiti sa akin. Hanggang ngayon pala ay nandito pa rin pala sila. Naka jeans sya at black na polo. Yung totoo, nasa island ba sya o nakiki-lamay. Wala na kong ibang magagawa. Ayaw ko namang tanggihan dahil miski ako ay nahihirapan na. Ibinigay ko sa kanya ang handbag ngunit kinuha nya na rin pati ang maleta. Hagya na lamang akong napangiti sa ginawa nya. Ngayon ay tanging backpack na lamang ang dala ko. Sabay kaming naglakad palapit sa cabin na inuukupa namin ni Shion. Tumuloy na sya sa loob upang maipasok na ang gamit sa loob. Inilagay nya sa gilid ng sofa ang maleta at duon ipinatong ang handbag. "Nandito pa rin pala kayo?" tanong ko. Tumango lamang sya at umupo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa may sofa. Mabuti na lamang at nandito pa sila. Gusto ko rin kasing ma-meet ang kanyang childhood crush na ngayon ay nakatuluyan nya. Sana'y ganoon rin ang sa akin. Sana'y magkita kaming muli. Sana'y... bakit ba sya na naman ang inaalala ko. Apat na taon na ang nakalipas at maaaring nakalimutan nya na ako. Pangakong bata lamang iyon, wala pa naman kaming mga isip. "Mabuti na lang nandito pa kayo! Hindi ko pa sya name-meet eh. Dito kami titigil siguro'y mga ilang araw din iyon. Baka naman pwede mo na syang ipakilala sa akin oh." pangungulit ko. Bahagya syang natawa sa akin. "Sige hanggang anong oras ba ang tapos ng shoot nyo?" nakangiti nyang sabi habang nililibot ng paningin ang buong kwarto. Napapalakpak naman ako sa tuwa. "Hindi ko pa alam kung anong oras ang tapos eh. Sasabihin ko na lang sayo pagtapos na." sabi ko at tumayo para kumuha ng piayang ube flavour sa ref. Inihayin ko iyon sa kanya, nakakahiya. Wala kasing ibang pagkain dito para ibigay sa kanya e. "Pasensya ka na ah, wala kasi kaming iba pang pagkain dito. Kararating lang din naming at hindi pa ko nakakapamili." tinawanan nya lamang ako. "Ibibigay ko sayo ang number ko. I-text mo nalang ako pagpatapos na kayo para makapaghanda kami." sabi nya. Tumango lamang ako at iniabot ang cellphone ko sa kanya. Bumalik ako sa counter para makakuha ng tubig. Pabalik na ako sa table ng biglang pumasok si Shion. Hinihingal pa ito at mukhang galing sa pagtakbo. Siguro'y nagmamadali, pero bakit ba sya nagmamadali? Tapos na kaya ang photo shoot nila? Napatingin ako sa wall clock at nakitang 10:30 pa lamang ng umaga. "Maaga ka ata? Tapos na ba ang shoot nyo?" tanong ko. 11:30 pa dapat ang tapos pero maaga sya ng isang oras. Madilim ang mukha nyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong problema nya. Binaling nya ang tingin nya kay Max na natigil pa sa pagsubo dahil na rin siguro sa gulat sa kanya. Bigla-bigla kasing pumapasok, sinong hindi mabibigla. Umayos sya ng tayo at bumitaw sa door handle. Tumighim sya at saka ako muling binalingan. "H-hindi mo kasi ako dinalhan ng piaya nagugutom na ko." sabi nya ng hindi makatingin sa akin. Para lang sa piaya ay nagmamadali sya? Siya kasi ang may dala ng piaya na iyon, hindi naman ako mahilig sa ganoon e. "Wala ka namang sinabi?" wala kasi akong maalala na nagpapadala sya ng piaya. Ang alam ko lang ay ipinakuha nya ang mga gamit nya. Tumingin sya sa dingding na parang nag-iisip. "Meron akong sinabi, baka hindi mo lang narinig." sagot nya saka ako tiningnan. Nagtataka akong tumalikod sa kanya at pumunta sa ref. Kumuha ako ng isang balot ng piaya at iniabot sa kanya. Mukha talaga syang tanga, para lamang sa piaya ay hingal na hingal syang pumunta rito. Sa halip na kunin nya ang piaya ay hinawakan nya ko sa braso saka hinila palabas ng cabin. "T-teka lang." sabi ko ngunit hindi nya ko pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao, mabuti na lamang at hindi ganoon karami. Hindi pa nga ko nakakapagpaalam kay Max e. Saka nya lamang ako binitawan nung nasa lounge na kami. Humarap sya sa akin saka kinuha ang piayang hawak ko at walang pasabing bumalik sa shoot. Nagtama namang ang paningin naming ni Shaniah at umikot na naman ang mata nya. Hindi ba sya nahihilo? Sana tumarak na lang ng tuluyan yung mga mata nya. Sarap bugahan ng buhangin e. Inis akong naupo sa lounge at kinapkap ang cellphone ko sa bulsa. Nasapo ko ang noo ng maalalang na kay Max pa pala ang cellphone ko. Nakalimutan ko ng kunin ng dahil sa pagmamadali ng rebulto ng depresyon. Bakit ba kasi madaling madali sya. Wala naman akong ibang ginagawa dito. Depreshion pa rin talaga. Tatayo sana ako para bumalik kay Max at kunin ang cellphone ko ngunit kita ko agad ang pag-angat ng kilay ni Shion sa akin. Inangatan ko rin sya ng kilay. Padabog akong muling umupo sa lounge at nagbilang ng alon. Nakakainis! Ano naman kayang problema ng bruho na yun. Hindi man lang sinabi kung bakit nya ko hinila paparito. Hayst. Sabagay kailangan pala talaga nandito ako, assistant nya ko e. May isang oras na akong nakaupo dito at walang ginagawa. Halos makatulog na rin ako sa kaboringan. Tabing dagat ito at hindi tabing kalsada. Sa halip na magbilang ng dumadaang sasakyan ay pagbibilang ng alon ang ginagawa ko. Nakakainip! Sana ay dumating si Max at iabot sa akin ang aking selpon ng hindi nakakainip. "Alalay ka dito hindi prinsesa, huwag kang pahiga higa lamang diyan." napabaligwas ako sa pagkakasandal sa lounge ng biglang magsalita si Shaniah. Pake nya ba? Hindi naman sya ang amo ko e. Tsaka hindi naman ako nakahiga, nakasandal lang. "Ibili mo nga kami bottled water." "Bakit naman kita susundin?" sarkastiko kong tanong. "Oo nga't alalay lang ako dito. Alalay ni Shion hindi alalay mo." wag nya nga akong tarayan at baka hilamusan ko ng make-u removal ang mukha nya. Tinaasan nya ako ng kilay. "Sa tingin mo ba ganon nga iyon? Natural nahihiya si Shion na mag-utos sayo dahil anak ka ni Mr. Akhiro." napatigil ako sa sinabi nya. Siguro nga ay ganoon. Madalang nya kong utusan dahil nahihiya sya. Kaya nya siguro ako hinila dito ay para mautusan. Hindi nya lang magawa dahil nahihiya sya. Para kong tangang sumunod na lang kay Shaniah para bumili ng tubig. Gustong magprotesta ng katawan ko pero parang ayaw ko. Ang init ng panahon kaya't kinseng(15) bottled water ang binili ko. Hindi naman kami kinse lahat pero hindi ko kasi alam kaya't sinobrahan ko na. Tama nga ako, sobra pa ng tatlo ang inumin. "1 pm na kayo numalik rito. Saka natin ipagpatuloy ang shoot." paalala ni sir Lexter. Magla-lunch break na kami at hindi ko pa alam kung saan kami kakain. Wala masyadong bukas na resto o mas sasabihin kong wala talaga. Kaunti lang kasi ang tao dahil nga inukupa nga ng S.E. Siguro'y mamamalengke na lang ako, marunong naman akong magluto e. Nasa likod ako ni Shion na naglalakad pabalik ng cabin na inuukupa namin. Magkasama kami dahil assistant nya ko at kailangang lagi akong nasa tabi nya. Bakit di ko to naisip kanina? Na kaya nya ko hinila dahil kailangan nasa tabi nya ako. Wala kaming imikan hanggang sa loob ng cabin. Wala in ako sa mood na kausain sya. Naiinis ako! Hindi sa kanya kundi dahil sa sarili ko! Naiinis ako kasi hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Naiinis ako ng walang sapat na dahilan. Pagkapasok na pagka-pasok ko ay dumiretso ako ng mga gamit ko. Walang ekspresyon ang mukha. Wala lang feel ko lang. Kumuha ako ng pamalit na mas kumportable. Naalibadbaran naman ako kay Shion. hindi sya umiimik pero sunod sya ng sunod. Nang makakuha ako ng pamalit ay hinarap ko sya. "Pwede bang maupo ka dun. Naalibadbaran ako sayo e." inis na sabi ko. Tinuturo ang sofa. Hindi nya iyon tiningnan. Pumay-awang ako at tinaasan sya ng kilay. "Ano ba kasing kailangan mo?" "N-nasaan yung mga gamit ko?" tanong nya. Alam nyo ba yung feeling na parang gawa-gawa nya lang yung mga pinagsasasabi nya? "Ayun oh! Anlaki laki hindi mo makita." tinalikuran ko sya at umasok na ng banyo. Naglinis ako ng katawan saka duon ko na rin binihis ang pamalit ko. Isang plain white v neck t-shirt ang sinuot ko na lang yun ng green jersey short. Luma na yung jersey kaya medyo maikli. Pero I don't bother, I'm used wearing any kind of clothes. Lumabas ako ng banyo at nagulat ng makita si Shion na naka-kunot. Nang mapansin nya ang pagtataka sa mukha ko ay padabog syang tumayo at nilampasan ako para pumasok sa loob ng banyo. Anong problema nun? Kakatali ko pa lamang ng buhok ko at paalis na sana ng lumabas si Shion ng banyo. Nang mapansin nyang paalis ako ay nangunot ang nuo nya. "Saan ka pupunta?" bungad tanong nya. Pake nya ba? Tsaka obvious ba? Dzuh! Wala kaya kaming pagkain. "Mamalengke." simpleng sagot ko. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. May sinusuri ba sya sa mukha ko? Bigla tuloy ako nahiya. Baka may dumi sa mukha ko? "Nang ganyan ang suot?" turo nya sa katawan ko. Pati tuloy ako napatingin sa suot ko, baka kasi may dumi. Nang makita kong ayos naman ang sarili ay nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ayos naman ah." kunot-noo kong sabi. Ginulo nya ang buhok nya. Frustrate na ba sya sa pagiging deresyon at pati ako ay pinagdidiskitahan? Kumuha sya ng black leather jacket at black na sombrero. Nakatunganga lang ako sa kanya at nagtataka sa mga ginagawa nya. Tumigil sya sa harapan ko suot ang sombrero, white t-shirt na pinatungan ng black jacket, red khaki shorts, at nanyang slipper. "Tara na." walang emosyon nyang sabi. Nag-iwas sya ng tingin at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "Wag mo ko tingnan." Nanliit ang mata ko sa kanya. Did I see it right? He's blushing? "Bakit ka naman sasama?" tanong ko. Sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay nilampasan nya lamang ako at nagpatiuna na maglakad. I followed him with a smile plastered on my face. I don't know why. I just can't help not to smile. Naka ngiti na lamang akong sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD