CHAPTER 13: FEELINGS
Tulala lang akong nakaupo dito sa eroplano. Oo, asa eroplano na kami.
Matapos ko kasing mag ayos ng mga gamit ko kanina at tumulala sa harap ng salamin para alalahanin kung ano ba talagang nangyari nung gai, sinundo na ko nina Xandria sa room ko.
Halos dukdukin ko na buong world history para lang maalala ang kahiya-hiyang pinaggagawa ko kagabi. Ending parang ayaw ko makita tong mga kaibigan ni Shion, lalo na si Shion.
FLASHBACK
"OK!! Before this beautiful night ends. Lets play body shots! At syempre mauna ang hot nating couple dito. " Napatingin ako sa lalaking kasyaw ko. "Grabe! Pinapainit nyo ang gabi ko!" sabay sabay na nag-cheer ang crowd. WAW! Ganito na ba ko kaganda?
Humarap ako sa kasayaw ko at nag-ngiting aso. Pati ata mata ko pikit na. "Lika! Bodyshot daw tayo sabi nung emcee." Yaya ko kay Shion na sya palang kasayaw ko.
Hinila ko sya sa lamesa sa hindi kataasang stage nila at ini-upo ko sya doon. Kumuha ako ng isang shot ng tequila at kurot ng asin.
Humarap ako sa kanya at napansin ang naglalarong ngisi nya habang malalim ang tingin sa akin. Malalim as in! tagos sa buto ko e.
Uminom ako ng tequila at humarap sa kanya. Ngayon ko rin napansin na bukas na lahat ng butones ng polo nya. Nakatuon ang dalawang kamay nya sa likurang bahagi ng lamesa kaya kitang kita ko rito ang abs nya.
Pero anong akala nya sa akin? Ganong klase ng babae at abs agad?
Tumungo ako palapit sa kanya at inilapit ang ulo nya sa akin. Mga 1 inch gap ang labi nya mula sa labi ko. Naamoy ko rin ang alak mula sa hininga nya.
Mapaglarong ngisi ang binigay ko ng makitang bumaba ang tingin nya sa labi ko, kita ko rin ang pag baba taas ng adams apple nya na siyang nag-udyok sa akin sa kung anong gawain.
Ipinahid ko sa adams apple nya ang asin. Dama ko rin ang pagkatigil nya saka muling lumunok.
Hindi lang basta dila ang ginawa ko. Para kong ninakawan ng halik ang adams apple nya saka inilapat ang dila ko.
"Fvck." I heard him whispered a curse.
Natatawa akong tumalikod sa kanya at akmang aalis na, napatigil ako ng hilahin nya ang braso ko at ihiga sa lamesa. Masakit sa likod pero nakuha ko paring ngumisi ng mapaglaro.
Kumuha sya ng shot ng tequila at mapaglaron ngumisi sa akin. Napatitig ako sa mga labi nya na sana hindi ko nalang ginawa dahil may kung ano sa akin na gusting lumapat iyon sa aking mga labi.
Matapos nyang uminom ng tequila ay dahan dahan syang tumungo sa palapit sa tiyan ko. I almost moan his name when he start putting the salt in my navel! Para akong nawala sa sarili ng dilaan nya ang tiyan ko at halikan ang pusod ko.
Hindi lang libo kundi milyon! Milyon milyong bultahe ang dinala nun sa buong katawan ko. Hindi rin ako huminga ng ilang Segundo, for petes sake!
Muli syang tumuwid ng tayo at tinulungan akong makabangon. Hes playing a dirty smile on his face. Kung kanina kaya kong sabayan yun ngayon para kong nasa alapaap.
Kamuntikan pa kong ma-out balance at malimutang lasing ako. Ramdam ko ang bisig nya sa likod ko.
He even whispered to me that makes me more sober. "I thought maalat ang asin, but it was sweeter than sugar, honey."
END OF FLASHBACK
Hindi ko na maalala pa yung sunod. Sa lahat ba naman ng ipinagtataka ko, medyo nahulasan ako nung mangyari yun pero bakit di ko na maalala yung iba pa?
"Papasukan na ng langaw yang bunganga mo." Napatingin ako sa katabi ko na bigla nalang nagsalita.
Tumambad sa akin ang nakakunot noong si Shion. Naikom ko ang bibig kong kanina pa pala naka buka. Nahihiya ako sa mga pinag-gagawa ko. Nahihiya ako sa kanya, nahihiya ako sa mga kaibigan nya. Sila ang nakakita nung mga pinag-gagawa ko. Anhin ko kug nakita ako ng mga kaibigan ko wala naman yung sa kanila.
Kininutan ko sya ng noo at tumingin sa harapan. Sa totoo lang hindi naman ako niinis. Kinunutan ko sya para maitago ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan.
Gusto kong magtanong sa kanya kung ano pang mga pinag-gagawa ko pero mas gugustuhin ko atang lamunin nalang ng lupa.
Napatingin ako kay Shion na naka pikit na. Ang amo ng mukha nya, parang mas gwapo sya pag tu-
Stop! Hindi sya gwapo Akhira.
Bahagyang syang gumalaw sa pagkakaupo kaya napaiwas ako ng tingin.
Kunwaring tiningnan ko na lamang kung saan nakaupo ang iba pa naming kasama. Nakita ko sila Chase, Josiah, Cyruz sa kabilang seat. Katabi din nila yung iba at sa likod pa. Habang si Xandria at Crizta naman ay nasa likod ko, tulog na tulog na si Crizta habang si Xandria ay pinipicturan ang bintana.
"Are you done checking them? They woi't leave you." napaayos ako sa aking pagkakaupo ng biglang mag-salita si Shion. Pikit pa rin ito at kung titingnan ay mukhang mahimbing ang tulog nya. Napatighim ako.
"T-tinitingnan ko lang kung saan sila nakaupo." paliwanag ko. Teka nga. Bakit ba ko nagpapaliwanag dito. "Gising ka pa pala." pag-iiba ko ng usapan kahit obvious naman.
Nagmulat sya at nginitian ako. "Hindi. Kinakausap kita habang natutulog ako." sarkartikong nyang sabi sa akin habang hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi.
Sa halip na mainis ako sa kanya ay natameme ako sa kanyang ngiti. Kinuha ko ang earphone ko at ipinasak sa aking tainga. Kumportable kong isinandal ang aking likod sa upuan at pumikit.
Hagya akong napapangiti habang inaalala ang una naming pagkikita. Ang childish ko pala. Naiinis ako sa kanya ng dahil sa hindi ko maintindihan.
I don't usually hate people, I'm friendly and approchable. Pero nung nakilala ko sya. Wala pa syang ginagawa pero kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta nakakainis sya.
"You look cute that way. Smiling while sleeping? Ganon ba kaganda ang panaginip mo?" namulat ako dahil sa sinabi ni Shion. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makitang malapit ang mukha nya sa akin.
Alinlangan ko syang naitulak ng bahagya. Bahagya syang tumawa na para bang katawatawa ang inasta ko.
Natahimik lamang sya at bumalik sa kanyang pagtulog ng magsimula na ang pag-usad ng eroplano.
Pumikit na lamang rin ako at natulog. Mas mabuti to kesa magpakainis sa nangyayari sa paligid.
Nagising ako ng maramdamang naiihi na ako. Tatayo na san ako ng naramdaman ang kiliti sa aking leeg at bigat sa aking balikat. Nakita kong natutulog na pala si Shion at nakasandal sa balikat ko.
May parang kumiliti sa aking tiyan sa pwesto namin. Ayaw ko sanang umalis upang magtagal pa ang aming tayo ngunit hindi na kaya ng pantog ko.
Kinuha ko ang neck pillow ko na hindi ko naman ginagamit. Iniayos ko ng sandal ang ulo nya sa headrest. Dahan dahan kong inilalagay ang unan sa leeg nya.
Malapit ko ng maiayos ang unan ng bigla syang nagmulat. Nginitian nya ko ng nakakaloko. Doon ko lamang narealize na sobrang lapit pala ng mukha ko sa mukha nya.
Ang bilis ng pintig ng puso ko na sana ay hindi nya naririnig. Umayos ako ng pagkakaupo saka tumayo. Alinlangan akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakangiti paring nakatingin sa akin.
"C-cr lang ako." awkward kong sabi para alisin nya ang harang ng tuhod nya sa daan. Nang hindi nya inaalis iyon ay mahina kong sinipa. Mahina sya tumawa bago umayos ng upo para maka daan ako.
Naka hinga ako ng maluwag ng makaihi na ako. Humarap ako sa salamin at iniayos ang sarili bago lumabas ng restroom.
Bumalik na ako sa upuan ko, pikit ng muli si Shion ng bumalik ako. Nadaanan ko rin sina Xandria kanina at tulog na tulog din sila. Ganoon rin sina Chase at mga kaibigan ni Shion. Tanging si Josiah lamang ang nakita kong gising.
Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa headrest at muling nag-earphone. Bumalik na lamang ako sa pagkakatulog.
Nagising ako at napansing gising na lahat. Pati si Shion ay nagseselpon na. Kitang kita ko pa ang pag-scroll nya sa sss. Napaayos ang ng tayo dahil nakasandal na pala ang ulo ko kay Shion.
"Good afternoon." bati nya saka pinatay ang cellphone nya at ibinulsa. Ngumiti lamang ako bilang tugon.
Tumingin ako sa iba at nakitang naghahanda na sila para sa pagbaba. Nag-inat inat muna ako para mabawasan ang aking antok.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Alas-sinco na ng hapon. Mahigit isang oras lamang ang byahe mula caticlan hanggang rito sa manila.
--
Nagising ako sa alarm clock at nakitang 4:30 A.M na ng umaga. Pumunta ako sa CR at ginawa ang morning routine ko.
Andito ako ngayon sa condominium ko. Ako ang una nilang hinatid kahapon. Maliban kina Shion na humiwalay na rin ng pauwi. Sina Xandria lamang ang naghatid sa akin, si Josiah naman ay humiwalay na rin. Kawawa naman ang isang iyon. Broken Hearted ata.
Alam na rin nina Daddy na dito na ko muli sa condominium ko tutuloy. Ayaw nga ni Mommy, kitang kita ko ang pagtutol sa kanyang mata. Wala naman sya magagawa dahil iyon ang gusto ko.
Nang mag alas sais na ay umalis na ko sa condo ko at pumunta ng S.E building. Ginamit kong sasakyan ang bagong bigay ni Daddy na Land Cruiser Prado ko bilang service.
Hindi rin ganoon ka traffic kaya 6:15 A.M pa lamang ay nakarating na rin ako sa building. 7 A.M daw ang alis ng team dito para pumunta ng Dicestres Island.
May dala akong ilang pares ng damit dahil tinext ako ni Irish na doon daw ang tulog ng ilang araw. Magna-night shoot daw kasi, para na rin daw mabawi ang ilang shoot. Para sa halip na umuwi ng 3:30 P.M ay pwede pang maishoot ang ilang natitirang oras.
"Buti naman maaga ka ngayon." mapang-asar na salubong sa akin ni Shion. Inismiran ko lamang sya at tinawanan nya naman ako.
"Noong unang araw lang naman ako nalate dahil hindi pa ako sanay." naka-pout na sabi ko.
"Sige ibili mo na lamang ako ng coffee. Americano please." pa-cute pang sabi nya. Tinawanan ko na lamang sya saka nagtungo sa coffee shop.
Wala akong balak na sumabay sa kanila papunta ng Dicestres. I mean, sasabaya ako pero dadalhin ko ang sasakyan ko.
Nakasalubong ko si Shaniah sa daan kaya nginitian ko sya. Sa halip na makatanggap rin ng ngiti mula sa kanya ay tinaasan nya lamang ako ng kilay at nilampasan. Sinundan ko sya ng tingin at nakitang nakipagbeso sya kay Shion.
Inis akong nagpatuloy na lamang sa pagpunta ng coffee shop. Bakit ba ko naiinis? Ano bang feeling to. Feeling ko ang weird.
Naiinis na lang ako ng wala naman dahilan. Jusko! Baka nasisiraan na ako ng ulo!
A/N: hi po! doon po sa may mga w*ttp*d diyan. You can follow me po doon! Revised po ang story ko doon. For better Experience lang naman po, if you want.
w*ttpad: mihanashi