Chapter 7

1058 Words
Inihatid na nga ni Totoy Bato si Kariang sa kanilang bahay nang gabi na iyon. Tumingin muna si Totoy Bato sa paligid bago ginawa ang nais nito. Nanlaki ang mga mata ni Kariang ng hinawakan ni Totoy Bato ang magkabilang pisnge nito at siniil ng halik sa labi, banayad na halik ngunit mabilis lamang, hindi nakapag salita si Kariang, bagkus napangiti lamang ito ng palihim. "I love you, Kariang ko," mahinang usal ni Totoy Bato. "I love you, too. Totoy ko," mahinang sambit ni Kariang. Nagyakapan ang magkasintahan ng buong puso, hanggang sa marinig nito ang boses ng Ina ng dalaga. "Kariang! Kariang! "Ikaw ba 'yan Kariang? Pumasok ka na dito sa loob at hinahanap ka ng kapatid mo," wika ni Aling Marla ang Ina ni Kariang. "Opo Inay, andyan na po," sagot ni Kariang at binitawan ang kamay ng kasintahan. "Papasok na ako sa loob, magiingat ka sa paguwi," wika ng dalaga sa binata. "Sige na, pumasok ka na, good night," mahinang wika ni Totoy Bato at nag flying kiss pa. Ngumiti lamang si Kariang habang kinikilig. Nang makapasok na si Kariang sa loob ng bahay, saka lamang naglakad palayo ang binata. At habang nag lalakad ito ay hindi mawala ang matamis na ngiti sa labi. "Sinong naghatid sa 'yo? Si Totoy Bato ba?" tanong ng Ina nito. "Opo, Inay. Siya nga po," sagot naman agad ni Kariang. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala kang mapapala sa lalaki na 'yon! Bakit ba napaka tigas ng ulo mo?" Galit na saad ng Ina nito. "Inay, hinatid lang po niya ako, wala naman po siyang ginawang masama," sagot ni Kariang. "Diyan nagsisimula lahat Kariang sa paghatid-hatid, huwag mong sabihing maynamamagitan na sa inyo? Dahil mapapalayas talaga kita! Hindi pa nga natin napapagamot itong kapatid mo, inuuna mo na 'yang kalandian mo," pagsesermon ng Ina nito. " Inay, hindi po ako nililigawan ni Totoy Bato magkaibigan lang po kami," pagsisinungaling ni Kariang ngunit ramdam ang kirot sa puso. "Mabuti at naiintindihan mo. Dahil wala kang mapapala sa lalaki na 'yon," saad ng Ginang. "Opo, Inay. Maghahanda na po ako ng pagkain," wika na lamang ni Kariang at nagtungo sa kusina. "Ate," wika ng kapatid nito at nilapitan naman ng dalaga. "Myla, kapatid ko, kumusta ang pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa rin bang huminga?" Mga sunod-sunod na tanong ng dalaga. "Okay, lang po ako ate, si kuya Totoy Bato po ang tinutukoy ni Inay?" tanong ng nakakabatang kapatid. "Oo, si kuya Totoy mo nga," sagot ng dalaga. "Ate, mabait, masipag, at gwapo kaya si kuya Totoy," sambit ng nakakabatang kapatid nito. "Alam ko na naman 'yon Myla. Kaso lang alam mo naman si Inay, ang gusto n'ya mayaman para maipagamot ka," paliwanag ng dalaga. "Ate, gusto mo ba si kuya Totoy?" tanong ni Myla. "Bakit mo naman naitanong? Ikaw ha, napaka daldal mo," sita ng dalaga ngunit napangiti. "Oy, si ate, kunwari pa, ayaw pang umamin sa akin, alam ko naman na gusto ka ni kuya, at alam ko rin na gusto mo siya," panunukso ng nakakabatang kapatid. "Ikaw talaga, napaka kulit mo, halika nga dito at ng mapingot ko 'yang ilong mo," saway ng dalaga sa kapatid. Lumapit ang kapatid nito at niyakap ang kanyang ate at sinabing. "Ate paano kapag hindi na ako gumaling?" Malungkot na tanong ni Myla. "Ano ka ba? Gagawin lahat ni ate ang lahat ng paraan gumaling ka, at hindi ko hahayaang mangyari 'yon, 'di ba nga magtatapos ka ng pag-aaral, at ako mag-aabroad para makapag ipon ng pang pagamot mo at magpagawa ng bahay na malaki at madaming sasakyan," wika ng dalaga habang nakatingin sa mga mata ng kapatid. "Ate, sorry kung pabigat ako, kung maysakit ako sa puso," hingi ng tawad ng nakakabatang kapatid habang naluluha. "Myla, ano ba 'yang sinasabi mo? Kahit kailan kapatid ko, hindi ka pabigat sa pamilya natin at walang maygusto na magkaganyan ka," paliwanag ng dalaga. "Ate, alam ko naman eh, nahihirapan ka na, kaya nga hindi ka na nakapag tapos ng pag-aaral dahil mas inuna mong magtrabaho para may pangtustos ng pambili ng gamot ko," umiiyak na saad ng kapatid nito. Niyakap ng dalaga ang kapatid nito at sinabing. " huwag kang mag-alala kapatid ko dahil gagawin ko lahat ng paraan para lang gumaling na ang sakit mo," maluha-luhang salaysay ng dalaga sa kapatid habang hinahaplos nito ang likod. "Kakain pa ba tayo? O mag-iiyakan nalang kayo diyan?" Sita ng kanilang Ina. "Halikana at kumain na tayo ng makainum ka na ng gamot," saad ng dalaga ng kapatid. Sabay silang naglakad patungo sa hapag kainan at sabay-sabay na kumain. Pagkatapos kumain ay kinuha ng Kariang ang lalagyan ng gamot ng kapatid at iniabot sa Ina. "Kariang, dalawang piraso na lang itong gamot ng kapatid mo, may naipon ka na bang pambili ng gamot?" tanong ng Ina nito. "Meron na po Inay, hùwag po kayong mag-alala at bibili po ako ng gamot ni Myla," wika ng dalaga. "Mabuti kung gano'n, s'ya nga pala 'yong pinapabili kong Gin, maydala ka ba?" tanong ulit ng Ina nito. "Meron po," sagot ni Kariang. "Mabuti kung gano'n, alam mo namang 'yan lang ang vitamins ko, at tanging hiling ko sa 'yo," wika ng magaling niyang Ina. "Ma, siya ngapo pala, gusto ko po sanang mag-aral ulit. Papasok po ako sa susunod na pasukan," paalam ng dalaga. "Anong mag-aaral? Sa tingin mo ba, kung mag-aaral ka. Paano ang kapatid mo? Ako ang pagkain namin at gastusin dito sa bahay, Ano? gugutumin mo kami ng kapatid mo!" Galit na wika ng kanyang Ina. "Inay, mag-aaral po ako sa gabi tapos sa umaga po magtatrabaho ako," paliwanag ni Kariang. "Mag-aaral ba ka mo? Huwag ka ngang ambisyosa, Kariang. Ang dapat mong gawin mag-asawa ka ng mayaman, para maiahon mo kami sa p*steng buhay na 'to!" Galit na wika ng kanyang Ina at lumabas ng bahay. "Ate, bakit ganyan si Inay? Hindi na siya naawa sa 'yo, ikaw na nga naghahanap buhay para mabuhay tayo. Samantalang siya walang ginawa kundi ang uminum ng alak," umiiyak na wika ng kapatid nito. "Hayaan mo na si Inay, alam mo naman 'di ba? Iniwan tayo at ipinagpalit ni Ama sa ibang pamilya, dahil ganyan si Inay, tayo nalang ang pweding niyang kapitan. Kaya dapat intindihin na lamang natin siya, at huwag Iwan. Dahil tayo na lang ang meron siya," sagot ni kariang na maluha-luha na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD