Chapter 6

1100 Words
NANG malapit na si Totoy Bato sa kanilang bahay, napansin nyang parang may ibang tao at kausap ang kanyang kinilalang mga magulang. "Sino kaya ang kausap nila?" Tanong ni Totoy Bato sa kanyang sarili. Nagkalad si Totoy Bato papasok ng kanilang bahay ng may lumabas na may edad ng matandang lalaki. Sinuri ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, nakasuot ito ng black tuxedo naka black shoes at parang mayaman. At tinignan ko muli ang kanyang mga mata at nakita ko na parang maygusto siyang sabihin, nakaramdam ako ng kakaiba na hindi maipaliwag nagsalita ito. "Ikaw ba si, Adam?" Tanong ng may edad na lalaki. Nikayap siya nito ng napakahigpit na para bang kay tagal nilang hindi nagkita at magkakilala. Tinignan ni Totoy Bato ang may edad na lalaki ng maypagtataka sa mukha, niyakap na rin nya ito ng pabalik. Habang nakatangin siya sa mga magulang na kinalakihan ng may pagtatanong sa mukha. "Hindi po ako si Adam!" Ako po si Totoy Bato, Panga-ngatwiran nya dito. "Sino po ba kayo? At ano po ang maipaglilingkod namin?" Malumanay na boses ni Totoy Bato. Tumingin ang matanda sa kanyang mga mata hinawan ang kanyang pisnge ng palad nito at parang may gustong sabihin. Ngunit tumingin din ito sa kinalakihang magulang. "Ang Inay mo na lamang ang magsasabi sayo." Masaya akong nahanap na kita at makita, kahit minsan hindi ako nawalan ng pag-asang buhay ka. Sana lang sa susunod na magkita tayo sumama kana sa akin." Makahulugang wika ng matanda habang napapaluha. Pagkasabi ng may edad na matanda ay naglakad na ito papalayo sa kanya at sakto na may humintong sasakyan sa harap nito at sumakay na ito agad sa loob ng sasakyan. Tinignan ni Totoy Bato ang mga kinalakihang magulang ng may pagtataka sa mukha at pumasok ito sa loob ng bahay. "Inay, sino po iyon? Bakit siya andito? Ano bang pakay nya?" Mga sunod-sunod na tanong ni Totoy Bato. "Anak, wagkang mabibigla siya ang iyong tunay na ama si Alberto Guillermo. Kinukuha kana nila sa amin." Wika ng kinilalang ina na lumuluha. Dahil sa narinig ni Totoy bato ay hindi nito alam ang mararamdaman nya, galit siya sa kanyang tunay na mga magulang dahil ang pagkaka-alam nya ay pinabayaan siya nito at hindi hinanap bakit ngayon pa sila nagpakita at hinanap ako? Anong dahilan nila? Bakit kailangan pa nila akong balikan? Sana hindi na sila nagpakita at hinanap ako! Binaon ko na ang galit ko sa kanila, kinalimutan ko na sila bilang mga magulang ko tapos ngayon darating sila para kunin ako na parang wala lang nanyari!" Wika ni Totoy Bato habang napapaiyak sa sama ng loob. "Anak, bigyan mo ng pagkakataon ang iyong magulang na magpaliwanag sayo. Dahil sila lang rin ang makakasagot ng katunungan mo." Wika ng kinilalang ina. "Para saan pa? Para maniwala sa mga sasabihin nilang puro kasinungalingan! Pagkatapos ng ilang taon, ilang taon kung inasam na makilala ang mga tunay kong magulang bata palang ako ginusto ko ng makilala sila inasam ko rin na mayakap sila at makita ko manlang kahit yun lang. Pero wala, hindi kayo nagkulang saakin ng pagmamahal Inay kayo ni Itay kayo na umampon at nag-aruga sa akin kayo lang kinilala kong magulang hindi sila!" Saad ni Totoy Bato at niyakap siya ng kanyang kinilalang Ina at Itay. "Andito lang kami anak hindi ka namin pababayaan at hindi kami mawawala sa tabi mo." Wika ng kanyang kinilalang ama. Kinabukasan ay maagang pumasok si Totoy Bato sa school, wala itong ganang pumasok dahil sa mga nanyari at nalaman kagabi. Ngunit kailangan nyang pumasok at pag-igihan ang pag-aaral para sa kanyang mga pangarap at kay Kariang. Napangiti ng maalala si Kariang. "Oo nga pala si Kariang, kailangan ko ng pumunta sa tindahan nya baka hinihintay na nya ako. Patay! Lagot ako sa kanya." Wika ni Totoy Bato at dali-dali itong naglakad patungo sa tindahan ni Kariang. Nakarating na ito sa sa tindahan ni Kariang at nakita nya si Kariang na naka simangot. "Hi Kariang ko," wika ni Totoy Bato ng mahina lamang. "Putik! Dumating kapa anong oras na?!" Bulyaw na wika Kariang. "Sorry naman na, Kariang ko may problema kasi ako." Wika ni Totoy Bato na hindi makatingin sa mukha ni Kariang. "Anong problema mo?" Usisa ni Kariang. "Ha, wala wag mo na lang isipin." Pagtatakip na wika ni Totoy Bato. "Halika at may pupuntahan tayo," wika ulit ni Totoy Bato. "Saan naman?" Maang na tanong ni Kariang. "Basta sumama ka na lang," wika ni Totoy Bato. Pagkasabi no'n ni Totoy Bato ay binuhat na nito ang mga bitbitin ni Kariang at naglakad na ito. Maya-maya ay nakarating na sila pupuntahan. "Dito, ito ang sinasabi mo? Eh galing na tayo dito 'di ba?" tanong ni Kariang habang nakatanaw sa palubog na araw. "Oo, bakit ayaw mo ba dito?" Tanong ni Totoy Bato. "Hindi naman, okay nga dito eh tahimik at nakaka-relax;" wika ni Kariang. Ibinababa ni Totoy Bato ang mga dala, at kumuha ng extra t-shirt sa bag inilagay ito sa lapag at sinabing. "Dito ka na umupo Kariang ko," wika ni Totoy Bato. Sumunod naman si Kariang sa sinabi nito. Nagulat siya ng biglang tumabi si Totoy Bato sa kanya at nagsalita. "Ang ganda pagmasdan ang palubog ng araw. Lalo na pagkasama mo ang taong mahal mo, wika nito at tinignan ang mukha ni Kariang." Dahil sa sinabi ni Totoy Bato ay napatingin si Kariang sa mukha nito na halos magdikit ang ang kanilang mukha nakaramdam siya ng kaba at pag init ng kanyang pisnge. "Kariang, gusto kita. Gustong gusto kita." Wika ni Totoy Bato habang titig na titig sa mata ni Kariang. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilang sabihin ito sa kanya. Wika ni Kariang sa kariang isipan. "Gusto din kita Totoy B___," hindi pa tapos magsalita si Kariang ng sunggaban siya ng halik nito sa labi. Saglit lamang ngunit ramdam na ramdam ni Kariang ang malambot at napakabanayad na halik nito. Pagkatapos ng halik na iyon ay niyakap siya nito ng napaka higpit at sinabing salamat Kariang ko, hindi ka magsisi na sinagot mo ako. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo walang mapagsidlan ang saya na nararamadam ko." Wika ni Totoy Bato na taos puso at may ngiti sa labi. Yumakap pabalik si Kariang na napapaluha habang sinasabi na gusto din kita, gustong gusto kita." "Totoy Bato may pakiusap lamang ako pwedi bang wala munang makakaalam nito. Kung pwedi tayong dalawa lang muna lalo na ang inay hindi nya pweding malaman." Paki-usap Ni kariang. "Sige walang problema, basta tayo na wala ng bawian." paninigurong ni wika Totoy Bato na hindi maalis ang saya sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD