Chapter 5

1023 Words
Malapit na kaming makarating ng bahay namin ng biglang magsalita Totoy Bato. "Kariang, bukas maypasok na ako sa School. Pero ihahatid kita ng hapon pauwi, hintayin mo ako wagkang aalis sa tindahan mo ng wala ako." Wika nito. "Sige hihintayin kita. Wag mo lamang akong paghintayin ng matagal ha!" Dahil kilala mo ako Totoy Bato! Kapag na-late ka kahit isang segundo makikita mo!" Bulyaw at pagbabantang wika ni Kariang. "Oo kariang ko." Sagot ni Totoy Bato. Pagkasabi no'n ni Totoy Bato ay tinignan siya ni Kariang ng kunot ang noo at sinabing. "Anong sabi mo?" "Kariang ko. Gusto mo ipag sigawan ko pa?" Wika ni Totoy Bato na may ngiti sa labi. "Ano ka ba? Baka marinig ka ni Inay." Pag-aalalang wika ni Kariang. "Sige na, pumasok kana sa loob ng bahay nyo kumain ka ng marami." "I love you Kariang ko." Wika ni Totoy Bato ng mahina. Dahil sa sinabi ni Totoy Bato ay tarantang lumakad ng mabilis si Kariang papalapit sa kanya at tinakpan nito ang bunga-nga nya gamit ang palad nito at sinabing. "Psssttt, wag kang maingay baka marinig ka ni Inay." Wika ni Kariang na halos magkalapit ang mukha nila ni Totoy Bato. Totoy (Pov) Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng biglang lumapit si Kariang sa akin at tinakpan nito ang aking bibig gamit ang palad niya. Para bang gusto ko siyang halikan, lalo na ng magtama ang aming mga mata at napakalapit ng mukha ko sa mukha nya. Sunod-sunod na tunog ng dib-dib ko ang naririnig ko, nang bigla nitong tanggalin ang kamay nya sa bibig ko hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko lalo na ang mga kamay ko na hinawakan ang magkabilang pinge niya at sa unang pagkakataon ay nailapat ko ang labi ko sa labi nya. Kariang (Pov) Ayukong may ibang tao na makarinig sa sinabi ni Totoy Bato na ang aking Ina dahil nag-aalala ako, kung kaya naglakad ako ng matulin palapit sa kanya at tinakpan ko ang bunga-nga nya gamit ang palad ko at sinabi kong, pssstttt wagkang maingay baka marinig ka ni Inay, usal ko sa kanya ng mahina at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa bibig nya. Nagulat at nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong halikan sa labi hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at gagawin ko? Dahil ito ang kauna-unahang nakatikim ako ng halik. Kay bilis ng t***k ng puso ko at parang huminto ang oras at hindi ko alam ang gagawin ko. Banayad at saglit na halik lamang ang ginawa ni Totoy Bato kay Kariang. Totoy Bato (Pov) Kakaibang saya ang naramdaman ko ng hinalikan ko si Kariang sa labi nito kahit saglit lamang iyon ramdam na ramdam ko napaka lambot na labi nito, kitang-kita ko rin ang mga mata ni Kariang na natulala at hindi makagalaw na parang poste na naka tayo. Kung kaya hinalikan ko muli ito sa pangalawang pagkakataon ngunit saglit lamang at niyakap ko siya bumulong ako malapit sa tainga nya at sinabing. "Mahal kita Kariang ko." Kariang (Pov) Hindi ako makagalaw at hindi ko alam ang gagawin ko, natulala ako na hindi makapag salita mabilis at napaka banayad na halik ang naramdaman ko akala ko tapos na nya akong halikan dahil hindi na nakadapo ang labi nya sa labi ko ngunit hinalikan nanaman nya ako ng isang beses pa. Pakiramdam koy hindi na ako makahinga at tanging naririnig ko lamang ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakabalik lang ako sa sarili ko ng niyakap nya ako at sinabing. "Mahal kita Kariang ko." Wala akong nagawa kundi ang yakapin narin siya dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Ngunit hindi ko pa maaring sabihin sa ngayon. Naghiwalay sa pagkakayakap si Kariang at Totoy Bato ng makarinig ng boses. "Kariang!! Ikaw ba yan? Malakas na wika ni Marla ang ina ni Kariang. Ano pa bang ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na dito sa loob!" "Opo Inay, papasok na po." Sagot ni Kariang. "Pumasok ka na sa loob malamig na dito sa labas." Wika ni Totoy Bato. "Good night." Mahinang sambit ni Kariang. "Good night, bukas ulit." Wika naman nì Totoy Bato na abot tainga ang ngiti. Pumasok na si Kariang sa kanilang bahay. Habang si Totoy Bato naman ay naglakad papalayo at hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha at ang saya na nararamdaman nito. "Yes!" Mahal rin ako ni Kariang kahit na hindi man nya ito aminin alam ko na mahal din nya ako, wika ni Totoy Bato sa kanyang sarili. Sino ba ang kasama mo sa labas? Tanong ng Ina ni Kariang. "Po? Si Totoy Bato lang po." "Hindi ba't kabilin-bilinan ko sayo, na iwasan mo ang lalaki na iyon!" Dahil wala kang mapapala sa kanya!" Galit na wika ng Ina ni Kariang. "Inay, mabuting tao po si Totoy Bato." Wika ni Kariang. "Alam ko anak! Matagal kanang may gusto kay Totoy Bato. Pero isipin mo naman kami ng kapatid mo. Kariang marami pang lalaki sa mundo na mas nababagay para sayo yung may ma-ayos na buhay, may trabahong maganda, yung kayang ipagamot ang kapatid mo at makakatulong sa atin. Kung si TOtoy Bato lang rin ang magiging-asawa mo anak mabuti pang tumandang dalaga ka na lang."wika ng Ina ni Kariang. "Ina, wag naman po sana kayong ganyan magsalita sa tao. May mga pangarap din po si Totoy Bato para sa atin at kahit basurero lang po siya marangal na hanap buhay naman po iyon, nagsusumikap po siya para sa pamilya nya at sa pangarap niya. Mabuti papo maghahanda napo ako ng pagkain at ng makakain napo tayo. Wika na lamang ni Kariang na bakas sa mukha ang kalungkutan. Pagkatapos kumain ng gabihan ang mag-iina. Nagtungo si Kariang sa banyo upang maligo. Nakaharap siya sa salamin ng biglang pumasok sa isip nya ang nanyare kanina, napahawak siya sa kanyang labi at napangiti. Gano'n pala ang pakiramdam ng unang halik? Hindi makapaniwalang wika ni Kariang. Si Totoy Bato ang lalaking bumihag ng puso ko mula noon at mag pahanggang ngayon siya lang at wala ng iba. Wika ni Kariang sa kanyang sarili at nagbuhos ito ng tubig sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD