Alam ko wala akong karapatang magselos? At hindi kita mapipigilan kung gusto mo siya. At lalong hindi kita masisi, dahil siya may maganda buhay, may trabahong maganda, at may-ipagyayabang.
Samantalang ako, isang hamak na basusero lang. At wala kang mapapala sa akin.
At kahit pa sabihin ko na, nang nagseselos ako, Kariang! Wala rin namang akong magagawa. Dahil hindi mo naman ako kasintahan, at wala akong karapatan sayo para pigilan ka.Mabuti pa ihatid na kita sainyo, wika na lamang ni Totoy Bato,ngunit bakas sa mukha nito ang kalungkutan.
Ano bang dapat kung sabihin sa kanya? At paano ko ba sasabihin na hindi ko gusto si James, wika ni Kariang sa kanyang isip at nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Totoy Bato, galit kaba?" Tanong ni Kariang, na may pag-alala.
Ngunit hindi umiimik si Totoy Bato at patuloy lang itong naglalakad.
"Hoy! Totoy Bato, wagkanang magselos, ngayon ko lang naman nakita at nakikila yun, isa pa ano naman kung may trabaho siyang maganda? at mayaman O may maipagyayabang?"
"Hindi ko naman 'yon gusto ano!" Wika ni Kariang.
Dahil sa sinabi ni Kariang ay napalingon agad si Totoy Bato kanya. Nilapitan n'ya ito at sinabing.
"Totoo? Hindi mo gusto si James? Abot taingang ngiting tanong ni Tatoy Bato.
"Oo nga anu kaba?" Wika ni Kariang na ngumingiti ng palihim.
"Akala ko kasi ipag-papalit mo na ako eh?" Pagtatampong wika ni Totoy Bato. Ngunit halata sa mukha ang saya.
"Kung bakit kasi, ayaw mo pa akong sagutin?" Para hindi kana maagaw ng iba sa akin at mapanatag na ang kalooban ko."Pag susumamo ni Totoy Bato.
"Totoy Bato, Alam mo naman diba? Hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay."
"Kailangan ako ng pamilya ko, lalo na ng kapatid kong si Myla hindi ko siya pweding pabayaan." Wika ni Kariang na nababakas sa mukha ang pag-aalala.
"Hindi naman kita minamadali Kariang sapat nang malaman kong may puwang ako dyan sa puso mo." Wika ni Totoy Bato.
Dahan-dahang hinawakan ni Totoy Bato ang pisnge ni Kariang at nagtama ang kanilang mga mata.
Kariang's ( pov)
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may gustong kumawalang dam-damin na hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung anong gagawin ko? Hindi ako makagalaw at kay bilis ng t***k ng puso ko,lalo na ng hinawakan nito ang pisnge ko, pumikit ako ng panandalian at pinakinggan ang t***k ng puso ko, dahil nabibinge ako lakas ng t***k nito.
Totoy Bato (pov)
Hindi ko napigilang hawakan ng palad ko ang pisnge ni Kariang dahil sa sinabi nito na hindi nya gusto si James, aaminin ko nagkaroon ako ng pag-asa at nakaramdam ako ng galak sa puso ko. Kung kaya dahan-dahan kung hinawakan ang pisnge ni Kariang.
Tinitigan kong mabuti ang mga mata nya na may halong pag-aalinlangan at takot, ng bigla nya itong ipikit. Nahagip ng paningin ko ang labi nyang mapupula na kay sarap halikan.
Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi nya ng biglang dumilat ang mata nito at agad akong itinulak at sinabing.
"Hoy!" Anong gagawin mo sa akin?" Wika ni Kariang ng pabulyaw at tinulak si Totoy Bato.
"Ikaw ah!" Pumikit lang ako saglit, pag dilat ko hahalikan mona ako!" Wika ni Kariang at piningot ang tainga ni Totoy Bato.
"Aaaray ko, Kariang ko. Wika ni Totoy Bato na nagrereklamo at takot.
"Sa susunod kapag binalak mo pa akong halikan muli hindi lang pingot sa tenga ang gagawin ko sayo!" Pag-tatalak ni Kariang.
"Oo na Kariang ko, wika ni Totoy Bato.
"Kariang ko, bakit kariang ko?"
"Kariang ko!" Ibig sabihin sa akin kalang.
"Ako, pwedi mo akong tawaging Totoy mo! Wika ni Totoy Bato habang tumatawa.
"Hoy! Totoy wag mo nga akong tinatawag na Kariang mo at hindi bagay, ang sagwa pakinggan, hindi mo ako pag-aari,"
"Mabuti pa umuwi na tayo." Wika ni Kariang ng may pagtataray habang naglalakad, ngunit may ngiti sa labi.
"Siya nga pala Kariang ko, seryoso ako sayo."
Gusto na kitang ligawan, ayuko kasi na may umaaligid sayo, hindi na ako makapag hintay na tawagin mo rin ako Totoy mo." Wika ni Totoy Bato na nakakaramdam ng kaba."
"Oy! Totoy Bato, may ipa-pakain kanaba sa akin?"
"Kaya mo na ba akong, pakasalan?"
"May ipon kaba?" Mga sunod-sunod na tanong ni Kariang.
" Grabi ka naman Kariang, kasal agad?"
"Hindi ba pweding girl friend, boy friend muna tayo, bago ang kasal?"
"Wala akong balak makipag laro sayo Totoy Bato! Gusto ko pag-sino maging kasintahan ko siya na ang pakakasalan ko!"
"Ngayon kung hindi mo ako kayang pakasalan!" Wag kanang mag-akasaya pa ng laway mo. Dahil wala kang aasahan sa akin!"
Panga-ngatwiran ni Kariang.
"Alam mo Kariang hindi naman kita minamadaling maging asawa ako. Ang sa akin lang kailangan ngayon palang magplano na tayo para sa future natin. Isipin mo kapag naging asawa mo ako, gwapo ako, matangos ang ilong, hindi naman sa pag mamayabang nakikita mo naman siguro itong mga muscle ko, idag-dag mo pa itong six packs abs ko, sabay taas ng damit ni Totoy Bato para ipakita ang abs nito. diba yummy!" Tapos ikaw pwedi na maganda ka naman Kariang ko. Magkakaroon ka ng magandang lahi galing sa akin. Pag mamayabang ni Totoy Bato.
"Hoy! Aanhin ko naman yang muscle at six packs mo?" Maipapakin mo ba sa akin yan?" Mabubusog ba ako nyan?" At para sabihin ko sayo hindi ko kailangan ng mga bato-bato nayan!
"Akala mo siguro madadala mo ako ng mga ganyang pangangatawan?" Yang mga pa-cute, pacute mo sa akin."
"Mga tingin-tingin mo na nang aakit."
"Eww yuck!" For your information!"
"Hindi ako na-attract diyan!"
"Ows, talaga!" Bakit lagi mo akong tinignan?"
"Paanong hind kita titignan?" Kong yong dala mo laging sako ay butas!"
Panga-ngatwiran ni Kariang, tumalikod na ito at naglakad papalayo kay Totoy Bato, Habang napapalunok.
"Bwisit, na Totoy Bato." Ina-akit pa talaga ako!" Pakitaan ba naman nya ako?" Hindi ko tuloy maiwasang lumunok ng palihim." Buti nalang at kaya kong magpigil kahit ang totoo naglalaway na ako." Usal ko ng mahina.