Nang dahil sa ginawa kong pag tuhod sa hinaharap ni Totoy Bato ay hindi na natuloy ang pag-tuturo sa akin ni Totoy Bato ng self-denfense.
Bagkus nilapitan ko na lamang at tinanong.
"Okay kalang ba?"
"Masakit ba masyado?" Wika ni Kariang ng may pag-alala sa mukha.
"Oo, ang masakit sobra. Wika naman ni Totoy Bato, ng nagpapa-awa effect at nagkukunwari.
Kinuha ko ang kanang kamay ni Totoy Bato at inilagay ito sa kanang balikat ko. At nag lakad kami ng dahan-dahan.
Natutuwa ako sa itsura namin ngayon ni Kariang dahil hindi ko man siya naturuan ng self-defense ay naka tsansing naman ako sa kanya sa papamigitan ng pasimple kong pag akbay sa balikat nya.
"Hay Kariang, kailan kaya kita maa-akbayan ng ganito? Yo'ng, masasabi ko na kasintahan na kita. Wika ni Totoy Bato sa kanyang isipan ng may ngiti sa labi.
"Ayos kalang ba?" Pag tatanong ni Kariang kay Totoy Bato ng may pag-aalala sa mukha. At nakaharap ito sa mukha ni Totoy Bato.
Kung kaya napatingin rin si Totoy Bato sa kanyang mukha.
"Nag-aalala kaba talaga sa akin, Kariang?" Tanong ni Toto Bato. Habang nag papacute at nakatitig sa mukha ni Kariang.
"Hoy!" Totoy Bato.
"Masakit ba talaga?"
"Oh," nagsasakitan-sakitan kalang?"
Pagsusungit na wika ni Kariang.
"Ang sakit kaya ng ginawa mo."
"Ang sakit ng ginawa ko?" Pero ganyan ka makatingin sa akin!"
"Hoy! Totoy Bato. Wag kangang nag papa-cute sa akin at hindi ka cute!"
"At isa pa hindi mo bagay."
"Nag-mumukha kang aso, wika ni Kariang ng hindi makatingin kay Toto Bato. Ngunit napapangiti ng pasimple.
"Bwisit! Itong lalaki na ito ah?" dinadaan-daan ako sa sakit-sakitan. Wika ni Kariang, ng napalingon siya sa bukang liway-way.
"Wow ang ganda!" Wika ni Kariang na papamangha at nakatanaw sa bukang liway-way.
"Oo nga ano? "Ang ganda," ang sarap titigan wika naman ni Totoy Bato habang tinititigan ang mukha ni Kariang na naka side-view.
Nang napalingon si Kariang ng kunot ang noo kay Totoy Bato.
"Anong ang sarap titigan?" Wika ni Kariang at lumingon ito kay Totoy Bato.
At kitang-kita ni Kariang ang mga mata ni Totoy Bato na nagkikislapan. At ang mukha nito na napaka maaliwalas, lalo na pag ngumiti ito na talagang maka-laglag panty.
Nang biglang idinampi ni Totoy Bato ang palad nya sa pisnge ni Kariang.
Kung kaya, hindi nanaman mapakali si Kariang. At umiwas ito at sinabing.
"Hoy! Ano nanamang gagawin mo ha?"
Wika ni Kariang at inilayo ang katawan at tinanggal ang kamay ni Totoy Bato sa balikat nya.
"Hindi na masakit diba?" Hayan maglakad kanang mag-isa. Wika ni Kariang at nag lakad na ito papalayo.
"Oy!" Kariang ano kaba?" Sandali.
"Ako! Totoy Bato. Wag mo akong inaartihan ah?!"
"At lalong hindi mo ako madadala sa mga pakulo mong ganyan. Wika ni Kariang.
"Grabi ka talaga Kariang."
"Ando'n na nga eh," wika ni Totoy bato na naiinis, at napapakamot sa ulo.
"Hoy! Totoy Bato."
"Tumigil-tigil ka.
"Mauna na ako at mag bubukas pa ako ng tindahan." Wika ni Kariang at dali-daling naglakad.
"Kariang!" Mamaya susunduin kita hintayin mo ako. Ako maghahatid sayo pauwi. Wika ni Totoy Bato.
"Hmp," ewan ko sayo!"
Nang makarating ako sa tindahan ay binukasan ko agad ito at nag diplay na ako ng mga paninda.
At habang nag di-display ako ay napapa ngiti ako. Habang iniisip-isip ko si Totoy Bato.
Hanggang kailan ko kaya kayang pigilan ang nararamdaman ko kay Totoy Bato?"
Simpleng buhay lang naman ang gusto ko, ang mamuhay ng tahimik basta nakakain ng tatlong beses sa isang araw masaya na ako.
Ngunit pag-iniisip ko ang nakababatang kapatid ko na may sakit. Hindi ko pweding hayaan siya lalo na't alam ko na ako lang inaasahan nila.
Sa ngayon kailangan ko munang pigilan ang nararamdaman ko para kay Totoy Bato, hanggang kaya ko pa. Wika ni Kariang sa kanyang isipan.
Nasa palengke ako at tinutulangan ko ang kinilala kong Ina at umampon sa akin na si Nay Ester.
"Nay, ako napong magbubuhat niyan." Wika ni Totoy Bato at binuhat ang isang batyang isda.
"Anak, kumusta ang panliligaw mo kay Kariang?"
Ang bata na iyon ay napaka buti, kahit pa talakira, wika ni Ester.
"Kaya ngapo Nay, at hindi ko po siya sususkuhan kahit pa maghintay pa ako ng napaka tagal.
"Si Kariang pa rin, ang gusto kong makasama at paglala-anan ng puso ko. Wika ni Totoy Bato ng may ngiti sa labi.
Hapon na at nag-liligpit na ako ng mga paninda ko ng may lalaki na bumili ng isang pirasong yusi.
Matangkad, maputi, matangos ang ilong, at mukhang yayamanin. Yo'n ngalang iba pa rin si Totoy Bato. At kahit gano'n si Totoy Bato ubod ng yabang, alam ko na mapagkakatiwalaan siya.
"Miss, pweding makipag kilala?" Wika ng lalaki.
"Ako nga pala si James Montemayor." Wika nito at inilahad ang palad ng may matamis na ngiti sa labi.
Hinawakan ko ang palad nya at sinabing.
"Karen Mendoza. Wika ko naman sa kanya.
Ng may bigang nagsalita.
"Kariang! Sino yan?" Wika ni Totoy Bato ng pabulyaw at nilapitan agad si Kariang at hinila ang kamay nito at inilagay sa likod niya.
"Sino ka?" Tanong agad ni Totoy Bato sa lalaki ng may kunot na noo.
"Im James Montemayor."
"Ikaw sino kaba?"
"Kasintahan mo ba si Karen?" Wika ni James na nakakunot rin ang noo.
"Totoy Bato, soon magiging kasintahan ko rin si Kariang. Wika naman ni Totoy Bato at tinignan ng masama si James.
"Pre, hindi mo pa girlfriend yang babae pero kung umasta ka kala mo kung kasintahan.
"Baka maunahan pa kita." Pagbabanta ni James.
"Anong sabi mo?" Pabulyaw na Wika ni Totoy Bato at kinwelyohan si James.
Nakikita ko na hindi na maganda ang nangyayari at alam ko na away na ito kong kaya namagitan ako sa kanila at hinawakan ko ang kamay ni Totoy Bato at sinabing.
"Ano bang ginagawa mo, Totoy Bato?"
Nakikipagkilala lang naman siya, ano bang masama doon?" Wika ni Kariang nang kunot ang noo.
"Bitawan mo na siya!"
"Pasalamat ka at andito si Kariang dahil kung wala babasagin ko iyang pag-mumukha mo!" Wika ni Totoy Bato ng galit.
"Ah, James pasinsya na magsasarado pa kasi kami eh."
"Gano'n ba?" Sige Karen, mauna na ako. Hanggang sa muli nating pag-kikita. Wika nito ng may ngiti sa labi at naglakad na papalayo.
"Bakit naman gano'n ka makapagsalita sa tao?" Nagpapakilala lang naman siya.
"Alam mo Kariang, mga gano'ng tingin ng lalaki alam ko na ibig sabihin no'n."
"Lalaki rin ako, kaya alam ko." Wika ni Totoy Bato na may halong lungkot sa mga mata.
"Tinignan ko si Totoy Bato, mata sa mata at hindi siya makatingin sa akin. Bagkus nakikita ko sa mga mata nya ang kalungkutan. Nakaramdam tuloy ako ng galak sa puso ko. Ang cute naman ng lalake na ito kapag nag seselos.
"Hay nako! Totoy Bato. Hindi mo lang alam. Wika ko sa aking sarili habang napapangiti.
"Hoy! Nagseselos kaba?" Tanong ni Kariang. Ngunit hindi makapag salita at makatingin ng diretso sa mata si Totoy Bato. Bagkus parang walang naririnig.