MAX Inalis ko ang kamay ni Warren na nasa dibdib ko. Mabilis naman nitong ni-lock ang kamay sa likod ng beywang ko kaya hindi ako nakalayo sa kaniya. “Tigilan mo ako sa kamanyakan mo. Masyado nang makasalanan iyang kamay mo, alam mo, pwede kitang idemanda sa ginagawa mo,” pagbabanta ko sa kaniya. Ngumuso ito. Nagpapa-cute, akala naman niya cute siya gayong ang laki niyang tao. Hindi bagay sa kaniya. “Gagawin mo talaga iyon? You don't know how much I like you, Max,” anas nito at mas hinapit ako papalapit sa kaniya.“Handa akong magpaalipin sa iyo kung kinakailangan, mapansin mo lang ako.” “Ilan beses ko rin bang sasabihin sa iyo na hindi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sakupin niya ang labi ko. Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya ang batok ko. Nanlaki ang

