MAX Naglinis ako ng bahay. Wala na ulit laman ang ref ko pero hindi muna ako bibili. Hindi ko kasi alam kung makakabalik ako agad o hindi pa. Napatingin ako sa labahan ko. Hindi pa ako nakapaglaba dahil bawal pwesahin ang balikat ko. Wala naman akong washing kaya hindi ko alam kung paano ko lalabahan ang mga damit ko. Kapag dinala ko naman sa laundry shop, hindi pwede dahil aalis ako, baka ilang araw na manatili doon dahil walang kukuha. Pagbalik ko na lang siguro lalabahan. Naisipan ko munang lumabas. Bibilihan ko ng pasalubong ang mga kapatid ko maging ang mga magulang ko kahit tig-iisang damit lang. Alam ko naman na sasalubong sa akin ang mga kapatid ko kapag dumating ako. Sumakay ako sa jeep at nagtungo sa isang mall. Susubukan kong maghanap ng maganda pero hindi masyadong mahal

