MAX “Hello, Max. Pasensya ka na kung biglaan akong pumunta rito,” nakangiting bungad ni Madam. “Hindi ko alam na may bisita ka pala.” Lumingon ako kay Warren na nakaupo ngayon sa sofa. Tumayo ito at lumapit sa amin. “Hello, Mrs. Amores,” bati ni Warren kay Madam Lauren. Tumingin naman sa akin si Madam, nagtatanong ang mga mata niya at hindi niya pinansin si Warren na bumati sa kaniya. “Nakakaistorbo ba ako, Max? Gusto sana kitang makausap.” “Yes, istor—” “Hindi naman po,” mabilis na sagot ko bago pa man matapos ni Warren ang sasabihin niya. “Max, istorbo siya sa'tin,” bulong ni Warren sa tainga ko. Lumingon ako kay Warren at pinanlakihan siya ng mga mata para manahimik. Nakakahiya siya kapag narinig ni Madam. “Pasensya ka na, Smith. Hindi ko alam na nandito ka pala,” saad naman

