MAX "Warren, teka lang!" awat ko kay Warren, pinipilit ko siyang itulak pero ayaw niya akong bitawan. Pinalo ko siya sa balikat pero ayaw niyang makinig. Patuloy pa rin niya akong hinalikan kaya kinagat ko ang labi niya. Sa wakas ay pinakawalan niya ang mga labi ko. Hinihingal na ako sa kahahalik niya. Masama naman ang tingin niya sa akin habang hawak ang labing nasaktan. “Why did you bite me?” “Halik ka kasi nang halik,” sagot ko. Kung hindi ko pa kinagat labi niya baka hanggang ngayon, kinakain pa rin niya mga labibko. “Teka lang.” Itinaas ko ang isang kamay ko. “Mag-usap tayo. Hindi pwedeng nanghahalik ka na lang bigla. Brad, naman.” “Stop calling me, Brad. Ilang beses ko bang sasabihin iyan sa iyo? We are not brothers, ” asar na saad nito at masama ang tingin sa akin. “Kasi nam

