MAX Hindi talaga ako makatulog. Lumingon ako kay Warren at iyong nagsasabi na hindi raw siya makatulog ay siyang tulog na tulog na ngayon, naghihilik pa. Nangyaya pang magbato-bato pick, bata lang. Tuluyan na akong humarap kay Warren. Nakaharap din siya sa akin, kahit paano, nakikita ko pa rin ang mukha niya kahit masyadong dim ang ilaw. Gwapo talaga siya. Makapal ang mga kilay niya. Maganda ang panga niya na kitang-kita ang paggalaw kapag umiigting iyon, tapos iyong ilong pa niya, matangos talaga, kapag naka-side view siya ang ganda ng ilong niya. Idagdag pa ang labi niyang medyo pale ngayon dahil nga may sakit siya. Mukha pa lang ni Warren talagang panalo na, idagdag pa ang katawan niya, kaya hindi na ako nagtataka na maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. Parang siya iyong lalak

