MAX Ilang beses kong inilibot ang mga mata ko sa loob ng kwarto ni Warren. Kanina kasi noong unang punta ko dito ay hindi ko masyadong nakita ang kabuuan dahil sa kaniya ako nakapokus. Black lang ang nakikita kong kulay. Masyado siyang minimalist dahil wala akong ibang nakikita kundi ang malaking kama na kulay itim maging ang comforter na naroon. May nakita akong isang upuan sa may gilid. Sa kabilang side naman malapit sa may makapal na kurtina ay may upuan at table, may mga hanging shelves sa tapat ng table. Siguro doon siya nagtatrabaho kapag nandito lang siya sa bahay. May makapal na kurtina na kulay dark gray sa leftside ng table, siguro ay glass wall iyon, nakasarado lang ang kurtina nga dahil gabi na. Naupo ako sa malambot na upuang nasa gilid. Iniisip ko pa lang kung paano ako ma

