MAX Nangmatapos na akong magluto ay inayos ko na ang table. Kailangang makakain ni Warren para makainom na isya ng gamot. Hindi ko naman pwedeng dalahin sa kwarto ko ang pagkain dahil wala namang table doon or wala akong tray na paglalagyan. May narinig akong phone na tumutunog kaya akala ko ay akin iyon pero nasa kwarto naman ang phone ko kaya luminga-linga ako sa paligid. Nakita ko ang isang cellphone na nagriring na nasa sofang inuupuan ni Warren kanina. Lumapit ako doon para tingnan kung sino ang tumatawag. Si Tito Wilbert. Ako na ang sumagot ng tawag dahil makikiusap ako sa kaniya na sunduin si Warren dito sa bahay. Hindi pwedeng dito siya mag-stay. “Hello, son.” Tumikhim ako bago nagsalita. "Tito, si Max po ito." “Oh, Max. Where is my son, is he okay?” “Yes po. Pero pwede po

