MAX Pagdating ko sa bahay ay agad na akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pambahay. Dahil solo naman ako at hindi na ako lalabas ay nagsuot na lang ako ng malaking t-shirt na white at cotton shorts. Hindi na rin ako nag-bra para komportable. Wala namang makakakita ng ganitong ayos ko kaya okay lang na ganito ang ayos ko dito sa bahay. Sa labas lang talaga dapat mukha akong siga. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa small kitchen ko para maghanda ng hapunan ko. Past seven na pero mabilis lang naman ako magluto kaya lang biglang bumukas ang pinto kaya nagulat ako nang makita ko si Warren. “Max.” “Anong--” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Ang init pa rin niya. Halatang nilalagnat pa rin siya, naka-hoodie lang siya ngayon at suot pa rin niya ang grey swe

