MAX “Max, you don't have work today. How about we go out?” saad ni Warren sa akin habang naka-dekatwaro ang mga paa niya. Nakaupo na naman siya sa nag-iisang sofa ko sa bahay ko. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya gayong ang alam ko naman ay ihahatid lang niya ako. “Saan naman tayo pupunta. Isa pa, ikaw ba wala kang trabaho?” Naalala ko sabi ni Tito kahapon, dapat gumaling agad siya kasi may board meeting sila pero bakit nandito pa si Warren. “Saka magaling ka na ba talaga?” Kahapon kasi parang hinang-hina siya at nilalagnat tapos ngayon parang walang nangyari. Baka Feeling ko tuloy, nag-inarte lang siya kahapon. Ang laki niyang tao pero sa lagnat daig pa niya ang batang alagain. Kapag may sakit siya, parang kawawa siyang masyado pero ngayong okay na siya, siguradong nakakaini

