MAX “WHAT?!” Napatakip ako ng tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Suzy. Nandito na kami sa apartment ko. Pag-uwi naming dalawa ay agad niya akong hinarap. Akala ko ay lulubayan na niya ako pero talagang hindi niya nakalimutan ang nakita niya kanina. “Max, kung gusto mo lang pala matutong humalik, bakit hindi na lang ako? Kayang-kaya kitang turuan, saka hindi naman iyon tinuturo, anong akala mo sa paghalik special skills? Alam mo, daig mo pa ang nabudol sa Quiapo dahil sa offer ni Warren. Kaya pala umagang-umaga, naghahalikan kayo sa kotse, may ganoon pa palang tutorial,” hindi makapaniwalang saad nito habang nakatayo sa harapan ko. Nakapameywang pa ito habang naiiling at parang bata akong pinapagalitan niya. Ngumuso ako. Anong magagawa ko? Alam ko naman iyon kaso masarap humalik si Warr

