Chapter 44

2615 Words

MAX “Max, namamaga ba iyang mata mo?” tanong sa akin ni Suzy habang bumaba kami sa hagdan. Papunta na kami ngayon sa bahay ni Madam. “Nanood kasi ako ng mga nakakaiyak na video kanina, hindi ko napigilang lumuha,” pagdadahilan ko. “Halata ba?” “Hindi naman masyado, pero medyo mapula pa. Akala ko umiyak ka na dahil nakita mo si Warren may ibang babaeng kasama kanina.” “Nagsisimula ka na naman. Kalimutan mo na nga kung ano man ang nakita mo,” wika ko at nauna nang bumaba sa kaniya. Mabuti na lang at may mahigit dalawang oras pa bago kami umalis kanina kaya medyo nakatulog ako ng ilang minuto. Iyon nga lang hindi nawala ang maga ng mata ko dahil sa kaiiyak ko kanina. “Max, sumasama ka na yata kay Suzy, baka malaman ko sa susunod, hindi ka na tomboy pero pokpok ka na,” nakangising wika n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD