MAX Alas diyes na nang makauwi kami ni Suzy pero hinatid na kami ni Kuya Jun kaya hindi na kami nahirapan na magsakay. “Kuya Jun, mabait pala si Madam. Kasi kapag nasa club siya, hindi man lang siya ngumingiti kaya akala ko maldita siya,” pagdadaldal ni Suzy habang nagbabyahe kami pauwi. Nasa unahan siya nakaupo habang mag-isa lang ako dito sa likod. “Oo, mabait siya. Kaya nga spoil na spoil niya ang anak niya.” “Bakit ganoon? Hindi man lang umuwi ang anak niya?” “Hindi ko rin alam,” sagot ni Kuya Jun pero napansin ko na may alam siya, ayaw lang niya magbigay ng detalye. Ito naman kasi si Suzy, daig pa ang reporter at ang daming tanong. “Ikaw Max, hindi mo nasabi na close pala kayo,” baling naman sa akin ni Suzy. “Tinulungan ko kasi dati, tapos gusto palagi niyang magpasalamat kay

