WARREN Pinipigilan namin ngayon si Winston, nagwawala at gustong sumugod kay Enzo. Nabalitaan kasi niyang naka-uwi na ng bansa si Enzo mula sa honeymoon niya. Well, sa totoo lang alam namin ni Six ang tungkol sa kasal ni Enzo na biglaan ilang araw na ang nakakaraan. Kahit ako nagulat ng malaman kung sino ang pakakasalan niya, pakiramdam ko naulit lang iyong ginawa ni Winston na biglang pinakasalan si George, pagkakaiba lang ngayon, pinsan ni Winston ang pinakasalan niya, si Karen, kaya itong kaibigan namin galit na galit. "Winston, you don't have to get angry. Matanda na sila," saad ko sa kaniya habang pinipigilan siyang pumasok sa bahay ni Enzo. Magang-maga pero tumawag si Six para sabihin sa akin na umuusok ang ilong ni Winston nang malaman niyang nakabalik na sa bansa si Enzo. Dapat

