MAX Iniwasan ko talaga si Warren. Mula nang mahuli ko siyang nagsisinungaling sa akin, pinalayas ko siya sa apartment ko ng gabing iyon. Nagtataka pa siya sa inasal ko pero wala akong pakialam sa kaniya. Sa naging sagot niya tuluyan nang nasira ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan para magsinungaling siya sa akin. Ibig sabihin lang noon, hindi siya totoo. Kahit na sa trabaho ay pumunta pa rin siya pero hindi ko siya pinapansin. Kahit sa apartment ko, nagtutungo siya pero parang hangin lang siya. Wala akong oras na makipag-usap pa sa sinungaling na gaya niya. Nakikiusap siya sa akin na hayaan ko siyang magpaliwanag pero ayaw ko nang makinig sa paliwanag niya, baka mamaya puro kasinungalingan na naman ang sabihin niya. Magaling pa naman siyang mang-uto kaya m

