Chapter 1
It all started when I was on seventh grade.
Nakita ko siya sa school kasama ng kanyang ama na magbigay ng speech, dahil isa sila sa mga sponsor sa isang proyekto doon.
Nakaupo sa bulwagan habang panay ang ngiti sa mga bumabati sa kanyang estudyante’t mga guro.
Noong paalis ay kumakaway ito habang naglalakad sa gitna ng auditorium at aksidente nitong nabangga ang siko ko.
Nataranta ako dahil napalingon siya sa akin nang may pag aalala sa ekspresyon at lumapit. Panay hingi ng pasensya habang hawak ang mga kamay ko at ako naman ay panay ‘okay lang po’ dahil sa hiya at kitang kita niya rin panigurado ang oiliness ng mukha ko!
Ang landi?!
That was 9 years ago, at nasa legal age na ‘ko ngayon! 20 years old to be exact. At siya pa rin ang pantasya ko. He was 19 when I first met him at school at 29 na siya ngayon. Mas kilala ang pangalan, hindi lang sa bansa pero sa buong Asya. Maging anak ka ba naman ng tanyag at successful na business man, talagang magiging matunog ang pangalan mo. Idagdag mo pang saksakan ng gwapo ang lalaking ‘yon kahit halos trenta na ang edad?
Pero hindi ko na siya nakakadaupang palad. Engrande ang mundo niya eh. At ako? Ito, patinda tinda ng fishball at kwekwek sa kanto sa’min. Hindi ako pinanganak sa isang marangyang pamilya katulad niya. Kailangan pa naming kumayod araw araw para lang may pangkain at pahirapan pa nga.
Madalas nahihiya akong magtinda sa labas. Kasi ‘diba, pa’no kung bigla siyang nandyan sa kalye namin at makita niya yung itsura ko at malaman na tindera lang ako ng fishball? Edi wala nang pag asa na maging kami!
“Te, umayos ka. Daming bumibili lutang ka na naman.” Pananaway sa’kin ni Eta. Siya yung baklang kasama ko magtinda kasi di ko ‘to keri lahat mag isa ‘no?
Tinarayan ko lang siya. “Anong oras na ba? Gusto ko na umuwi. Masiyado nang exposed ganda ko rito.”
Nagsalin ako ng palamig sa plastic cup at binigay sa customer.
“Alas tres pa lang, beh. ‘To naman, maliit pa lang kita natin. ‘Wag ka atat no. Magkaro’n ka naman ng goal!” Panenermon niya sakin habang naglalagay ng panibagong fishball sa kawali.
“Nagtatanong lang! Baka kasi marami makakita sa’kin dito. Nakakahiya ‘no.” Maarte kong sabi sabay hawi ng buhok kong nakalaylay na sa gilid ng mukha ko.
“Dyos ko, iayon ang arte sa yaman. May yaman ba tayo? Wala. Kaya umayos ka dyan, nako. Tatampalin kita.” Sabi nito sabay ambang sasampalin ako kunwari nang pabiro.
Tinawanan ko na lang ito at hinayaang lumipas ang oras.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Parang ang haba na ng oras, hindi ako makapaghintay na umuwi. Hindi ako komportable na maraming nakakakita sa’kin sa ganitong sitwasyon.
“Gagi, bilis! Andyan si Andrew, papicture tayo!” Nagmamadaling sabi ng isang babae habang patakbo sa labasan ng eskinitang pinagtitindahan namin.
Teka, Andrew?!
“Ets, bilis! Uwi na tayo!” Pag aaya ko kay Eta habang hinihila ko yung laylayan ng damit niya.
Irita namang humarap sa’kin ang babaita. “Aray- kasasabi ko lang alas tres pa lang, te! Sayang customer!”
“Shuta ka, andyan daw si Andrew! Baka makita ako dito, oh.” Napahilamos ako sa mukha sa pag alala.
Aaah shuta, nakakahiya.
“Ay walang paki si Andrew sayo, te! May asawa na yung tao. Naku, ha.” Saad at hindi na ako pinansin.
Nanlulumo ang itsura ko. Nakakahiya, baka makita niya ako tapos mandiri o kaya maawa siya sakin.
Maya maya, narinig ko yung mga tili ng mga babae na parang palapit sa pwesto namin. Shet! Natatanaw ko na si Andrew!
Parati ko siyang nakikita mula nung grade 7 ako. Minsan ay nasa guesting siya sa mga talk show sa tv. Minsan naman ay kasama siya sa mga outreach program ng kompanya nila. Wala pa ring kupas ang kagwapuhan niya, shuta!
Hindi na nasundan ang pagkikita namin nung grade 7 ako. Pero siya, lagi kong hinahanap hanap kung may libre akong oras. Kaya’t grabe na lang din pagkalugmok ko nung nalaman kong ikakasal na siya. ‘Di ako mahintay? Atat?
Wala pa isang taon mula nung ikasal sila. Nakikita ko rin yung babae. Maganda siya, hmm. Mukhang mayaman. Matangkad at hindi sobrang kaputian pero hindi rin purong morena. Sakto lang. Lamang lang naman siya dahil mayaman, ‘no! Kung mayaman din ako mas maganda ako don, panigurado.
Natatanaw ko na siya! Mukhang madadaanan niya yung pwesto namin. Nakikita ko na siyang naglalakad palapit habang napalilibutan ng mga tao na akala ko kumakandidato.
Ahh, nakakahiya na makita niya ‘kong gan’to! Naka-leggings lang akong itim at maluwag na t-shirt. Halatang mukhang mahirap! Tapos nagtitinda pa ng fishball ‘no.
Sa taranta ko ay humarap na lang ako sa likod kung saan may pader at nakasabit doon ang basurahan namin. Nagkunwari akong may hinahanap dito. Nagsalita pa ‘ko ng ‘Sa’n na ba yon?’ Natatawa na lang din ako sa loob loob kasi alam kong mukha akong tanga pero okay lang, ‘wag lang niya ko mapansin!
“Uy, mukhang masarap kwek kwek niyo ha.” Shoot. May customer, okay ‘to para makita niyang hindi kami dapat istorbohin. Life saver!
Humarap ako para pagbilhan yung nagsalita. “Syempre po, pag maganda nagtitinda, matik masarap ang tind-“ Di ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita ko kung sino yung customer. Si Andrew! Ahh!
Nanlaki ang mata ko tapos nakatitig lang ako sa kanya sa pagkabigla. Shuta. Kitang kita niya yung mukha ko, ang oily ko na panigurado!
Nginitian niya lang ako sabay mahinhing tawa nang makita yung pagkagulat ko sa kanya. Omg. Sobrang gwapo. Sobrang bango!
“Ay nako! Totoo, masarap po kwek kwek namin! Ilan po?” Ganadong sagot naman ni Eta dito sabay kuha ng kwek kwek para initin.
“Umm, give me ten. Para makakain din ‘to sila ate.” Sagot ni Andrew at tinutukoy nito ang mga babaeng nakasunod sa kanya para magpapicture.
Nagsitilian naman yung mga babae. Haliparot! May asawa nay an na hihiwalayan niya at mapupunta sa’kin ‘no!
“Ay te, baka gusto mo ‘ko tulungan? Tayo tindera dito, ano?” Pang aasar ni Eta. ‘Di ko napansin napatulala ako saglit kakaisip. Shooked ako ‘no! Ngayo ko na lang ulit siya nakita nang malapita at mas gwapo siya!
Umirap ako nang pabiro sa kanya. Hmp. Maganda pa rin ako kahit mukha akong mahirap anyway. May chance pa.
Nagsalin ako ng palamig sa baso para ibigay kay Andrew. Nandito na rin lang ano. Hindi ako pinalaki ng nanay kong mahiyain aber.
“Palamig ho, napaka init po kasi dinadagdagan pa ng hotness niyo!” Walang hiya kong sabi sabay abot sa kanya. Natawa naman ito. Ayan tama, sa’kin ka lang dapat happy.
“Ano palang pinasyal niyo dito, Sir pogi?” Pasimple kong tanong pero nagtataka rin naman ako. Hindi naman siguro yan napadpad para dayuhin ang kwek kwek naming. Unless… charot!
“Oh! Yeah. I came here with my friend actually to promote his new business. And also, to look for possible employees.”
“Ako po!”