Chapter 2

1191 Words
“Pasok na ‘ko ma.” Paalam ko kay mama sabay bitbit ng bag ko. Hindi ako sa school papunta. Althought nasa second year college na ‘ko, heto nagtatrabaho ako kasi mas gusto ko ng pera. Working student, bali. Don’t get me wrong. Gusto kong matuto. Pero napaka laking struggle para sa’kin na ganitong nag aaral ako pero hirap na hirap kami sa pera. Hindi na ‘ko magpapakahipokrita. Malaking hadlang ‘tong kahirapan naming sa pag aaral. “Uwi agad! ‘Wag nang gumala kung saan saan.” Palala ni mama bago ako tuluyang makalabas, Hindi na ‘ko sumagot. Excited na ‘ko! Isang buwan na ‘kong nagtatrabaho sa Spa Resort ng kaibigan ni Andrew na nirekomenda niya nung araw na pumunta siya sa lugar namin. Pagkarinig ko pa lang na sa friend niya ‘yon eh alam ko nang para sa’kin ‘yan! For sure, makikita ko siya kung papasyal siya don. Mas mapapalapit kami ‘no! Konsehal kasi sa lugar naming si Miggy, friend ni Andrew. Kaya isa siguro sa mga project niya ‘tong Spa Resort. Alam niyo na, pampabango So far, so good. Maganda ang environment ko sa trabaho. Maaayos na katrabaho, maayos na sahod, komportableng lugar. Nagkaroon din kami ng one month training bago ofiicially maging massage therapist. Pero hindi pa pumapasyal si Andrew kahit isang beses! Hay nako. Siya lang ang inspirasyon ko sa araw araw bukod sa malaking sahod dito ‘no. “Goodmorning!” Bati ko sa mga katarabaho ko. Another day to assume Andrew’s gonna visit! “Iba yung blooming mo ngayon, ha.” Pang aasar ni Mich, katrabaho ko na kalalabas lang ng quarters. Mukhang kakabihis niya lang rin. “Ewan. Feeling ko may magandang mangyayari today. ‘Wag sana masira ang positive energy ko ‘no.” Maarte kong sagot sabay hawi ng buhok sa kanang tenga ko. Tinawanan lang ako nito. Hmp! Chararat na ‘to, mukha ba ‘’kong nagbibiro? Pumasok na ‘kong quarters para magpalit ng uniform. Nagretouch na rin ako para presentable namang tingnan. Walang nakakaalam dito sa spa na may gusto ako kay Andrew. They might feel disgusted with me being obsessed with a married guy. Kontrabida na kung kontrabida sa buhay ng iba, pero si Andrew lang ang nakikitang kong magbibigay sa’kin ng marangyang buhay. Hindi ako tamad. Pero hindi rin ako pinanganak sa isang pamilyang may pribilehiyo para magkaroon ng maraming opportunity sa mga bagay bagay. Mahirap ka na nga, pahirapan pa ring makaangat dahil sa estado mo. I guess this is the first step of me, attaining the man of my dreams. “Oh my God, goodmorning po!” Narinig kong bati ng mga staff sa labas. May customer na ata. Too early, huh. Usually wala pa kaming customer ng gantong oras. Nagtali na ‘ko ng buhok at akmang lalabas ng quarters nang mauntog ako bigla. Pero shet, hindi ganon kasakit dahil hindi matigas pero hassle naman. Nagulo buhok ko! Nakahawak ako sa noo at iritablng tumingin sa nakaharang sa pinto. “Ano ba nama-“ “Sorry! I’m sorry, I didn’t know somebody’s here! Are you okay?” Alalang tanong ng lalaki sa harap ko habang hinawakan niya rin yung noo ko. Oh my shet. Ang future ko. Nakatulala lang ako habang hinihimas niya ang noo ko. Nakakatulala naman talaga yung gan’tong kagwapuhan! At amoy na amoy ko yung pabango niya. Ahhhh nakakatunaw. “Hey, okay ka lang ba?” Ulit niyang tanong, tsaka ko natauhan. Shet, lagi na lang ako napapahiya sa encounters naming. Gan’to yung destiny eh. Awkward encounters that will end up in true love. Chos! “Ah! Sir Andrew!” Hubby soon. “Kayo po pala. Sorry! Palabas na po kasi ako, kakapalit ko lang.” Sagot ko sa kanya with my awkward smile. Bakit kasi ngayon ka lang dumating ano? Kaninang nagbibihis ako, wala? Charot! “No, I’m sorry. I should’ve asked twice to make sure na walang tao here since this is for women.” Napakamot naman siya sa ulo and slightly chuckled. Ang gwapo kahit mukhang nahihiya! Six footer si Andrew kaya sa dibdib niya ‘ko nauntog kanina. He really looks neat all the time that makes him even more attractive. Medyo chinito siya at maputi. Chinese kasi ang mama niya kaya mukha talagang mayaman ang itsura. Sana ako rin ‘no? Edi sana ako asawa mo ngayon! “Nahuli ka nga ng pasok…” Mahina kong bulong habang nakatingin sa gilid. “Okay lang, sir! Wala naman nangyari! Hehe.” Ngumiti ito ng mahinhin na parang nagpapagaan ng loob at wala namang nangyaring hindi maganda. “Came here to inspect as Miggy told me to. Kasama ko rin wife ko. She’s here for a session.” Paliwanag niya. Bakit mo ‘ko ina-update? Charot. “Sige po dito na ‘ko.” Nginitian ko na lang rin siya sabay lumabas at binigyan niya naman akong daan since nakaharang nga siya sa pinto. Umirap lang ako sa kawalan. Sus! Kailangan nakabuntot lagi kahit sa’n mapunta yung asawa? Sabagay, yung ganyan kagwapo eh hindi mo talaga ipapadapo sa ibang chararat. “Oh! Eliana, ang tagal mo!” Tawag sa’kin ni Ma’am Beth. Siya ang head therapist namin dito. Kung kami eh nagkaro’n ng one month training, siya naman ay matagal nang therapist at kilala rin ng pamilya ni Andrew. “Ikaw mag aassist kay ma’am Ele kasi nakareserve na sila halos. Ma’am Ele, this is Eliana.” Ngumiti naman ako sa asawa ni Andrew. Okay lang, magaling naman ako makipagplastikan, charot. Tumango ako sa kanya nang nakangiti. “Ngayon na po ba ma’am?” “Ah, no. Babalik kami mamayang hapon, mga 2 pm. Madadaanan kasi ‘to from subdivision right? Kaya tumingin na rin kami.” Mukha siyang sopistikada magsalita. Hindi sobrang malaki ang ngiti niya kung makipag usap pero makikita mo sa ekspresyong genuine siya makisalamuha. Sus! “Ahh okay po. Ingat po kayo ni sir Andrew.” Ingatan mo ‘yan kasi ako susunod niyang asawa. Lumipas ang maghapon hanggang sa makabalik sila. ‘Di ko alam kung sa’n sila nanggaling syempre, pero mukhang stresse ang Andrew ko kasi medyo haggard na ang itsura. Medyo bagsak na ang buhok na kanina’y maayos pang naka-slickback tapos hindi pa ayos yung kwelyo. Ano ba naming asawa ‘to? Hindi asikasuhin si Andrew, aber? “Oh! Welcome back po, Sir, Maam.” Isa isa kaming bumati sa kanila at naupo muna sila nang magkatabi sa isang sofa. Mukha silang pagod. “Rest po muna kami saglit here, then we can start in a while na, Eli.” Baling nito sa’kin sabay ngiti. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti rin. Medyo pagod rin ako ngayon dahil marami ring customer kanina, than usual. Halos lahat kami may sessions at saglit lang ang pahinga. Buti nga ‘to at nagpapahinga sila ngayon kasi kailangan din naming ngayon. After 30 minutes din siguro ay inaya na ‘ko ni ma’am Ele para mag umpisa kami. Sa kalagitnaan ng trabaho ko ay nagsalita siya. “Alam mo ba kung anong ginawa namin at mukha kaming pagod?” Nakangisi nitong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD