Chapter 3

795 Words
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Nakakaloka ‘to! Unang pumasok sa isip ko ay kalaswaan, syempre. Pero naiinis akong isipin ‘yon. Naiinis tsaka nasasaktan ako, ‘no. Nananadya ata ‘tong babaeng ‘to, ha. Ni hind inga sumagi sa isip naming yung ganong bagay tapos balak pa niyang ikwento sa’kin! “Um, galing po kayong meeting with business partners?” Awkward kong sagot na halos patanong na rin. Ayaw ko sanang sagutin at makipag usap sa babaeng ‘to pero wala naman akong choice. Kailangan ko rin ng trabaho ‘no. Tumawa ito nang mahina at mapang asar. Medyo ginaanan ko ang paghilot para makapagsalita siya. Interesado na rin dahil sa kadaldaln nito! Pero nakakainis pa rin. Mukhang gagawin pa ‘kong kachikahan nito ha. “Well yeah, we went to a meeting but that’s not what made us exhausted.” Tumawa muli ito nang mahina at tumingin sa kawalan na parang naalala kung ano yung nangyari. “I guess you know naman. You’re just holding back. We did dirty on his car.” Sabi niya sabay malanding ngumiti sa’kin. Expected ko naman na pero nagulat pa rin ako sa pagiging prangka niya sa’kin at sa fact na ako ang kinukwentuhan niya ng gano’ng bagay na ginawa nila. Nanlaki ang mata ko saglit pero binawi ko rin sa tawa pero halata namang awkward pa rin! Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil deep inside hindi magaan para sa’kin yung ganong revelation, ‘no. Gustong gusto ko pa rin si Andrew. Siya pa rin ang ideal guy ko hanggang ngayon kahit na may asawa na siya. “It was fun, and nasty, and…” Tumahimik ito saglit na parang nag iisip. Ako naman tinutuloy ko lang ang pagmamassage. Hinahayaan ko na lang siya para matapos na ‘to. “We’re doing it all the time. His car is like our own bed na.” Pagkukwento niya sabay tumawa ulit nang mahina. Naiisip ko kung anong ginagawa nila. Naiimagine ko kung paano nila ginagawa ‘yon sa loob ng kotse ni Andrew at iniisip ko kung ano kayang iniisip ni Andrew habang ginagawa niya ‘yon. Kuntento kaya siya dahil mahal niya ‘yong babaeng kasama niya? Sus. Mas sasaya ‘yon pag ako ang kasama ‘no! Wala lang kasi siyang choice kaya masaya pa siya ngayon! Antayin mo lang! “Ouch, you’re doing it kinda harder now.” “Ay, sorry po.” Natapos na ang session naming at nakapag ayos na si ma’am Ele. Paalis na sila ngayon ni Andrew. “Thank you, Eli. Oh my gosh, that’s so relaxing. I like you na, everytime na pupunta ako dito gusto ko ikaw magmassage sa’kin, ha?” Ano raw? Ayoko ‘no! Hirap nan ga ‘kong pakisamahan ka kanina tapos maglalagi ka pa! “Huy Eli.” “Ay! Sure ma’am, anytime po. Welcome kayo parati.” Sagot ko sa kanya nang may malaking ngiti sa mukha ko pero sobrang labag sa loob kong sumang ayon. Ano ba naman ‘tong pinasok ko? “Good. We’ll get going na. Finish the foods po ha before you go home!” Nagpaalam na siya pati si Andrew. Bumili pala sila ng pagkain kanina habang nasa loob kami para pang meryenda na rind aw. Bihis lang naman daw sila mapasyal dito. “Ang sarap nitong pizza, omg! Tikman mo Eli!” Pang aaya sa’kin ni Jem. Bumuntong hininga naman ako sabay tingin sa pagkaing tinutukoy niya at parang pagod na pagod na kumuha nito. Nilagyan ko ng hot sauce dahil mahilig ako sa maanghang. Mukha naman akong matamlay na sumusubo ng pizza. Pakiramdam ko naubos energy ko sa kakachika ni ma’am Ele. Bukod sa Revelation niya sa car fun nil ani sir Andrew eh marami pa siyang kinuwentong iba tungkol sa kanila. Naiinis ako kasi ayoko ngang malaman at nagseselos ako! Pero siya, parang enjoy na enjoy ikwento sa’kin lahat at parang sa’kin niya nilalabas lahat ng excitement na naramdaman niya. So gano’n sila kasayang mag asawa? Wala na talaga akong chance? “Anong mukha ‘yan Eli?” Tanong ni ma’am Beth. Napansin niyang mukha akong lugmok. “Wala ma’am. Napagod lang ata ako ng extra today.” Pagpapalusot ko sa kanya at ayokong mahalata nilang related kay Andrew ang pagkadrain ng energy ko. Dumating ang 5:30 pm at naagprepare na kaming lahat para umuwi. Pagtapos namin kumain ay halos ora sna rin naman ng uwian kaya’t hindi na kami nag entertain ng customer at pinareserve na lang para bukas. May sundo yung iba at magcocommute naman yung iba. Kasama ako sa magcocommute dahil wala naman akong jowang taga sundo at wala akong sasakyan, duh. Palakad n asana akong terminal ng jeep nang may tumawag sa’kin bigla. “Yana!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD