CHAPTER 1: PIN ONE'S HOPE
My life actually is never been easy. Mahirap ang mundo ginagalawan ko lahat ay limitado lalo na sa isang taong gaya ko. It hurts me a lot na hindi ako maiintindihan ng ibang tao, the way na magsasalita ako and dun palang masakit na sakin. How I wish maging kagaya din ako sa inyo na normal mag salita, hindi bingot o ngongo. Pinapangarap ko yan until now pero yan na pangarap ay impossible matupad. Sobrang sakit kasi lagi ako nag wiwish kay Lord na sana one day magising ako na hindi na ako ngongo o bingot.
Randam ko din na di ako mahal ng magulang ko kasi ganito ako at lagi nalang nila ako sinsaktan physically at nagkaroon nga ako ng pasa o di ko magalaw kamay ko kasi sinuntok ako ng mama ko. Sobrang sakit tiniis ko yun simula bata pa ako hanggang sa naging 17 yrs old ako. Minsan nga napa isip ako about suicidal things, gusto ko na tapusin buhay ko pero may isang araw muntik ko nang magawa ang mag suicide pero parang may pumigil sakin. Habang hawak ko ang blade, iyak ako ng iyak kasi di ko na kaya. Sobrang bigat na ng pinapasan ko. I always told God na kunin na niya ako kasi pagod nako. Hindi ko na kaya pero hindi niya ginawa. Mahirap mag open up sa family ko kasi pag nag open up ka sasabihin nag inarte ka lang. Wala sila magagawa sa naramdaman ko. Kaya I decided na titiisin ko muna hangga’t kaya ko at maging matatag.
So yun nga I decided to build my own business which is Angel Munchkin DC nagawa ko yan kasi mahilig ako sa chocolate and I love baking and selling. Kaya nakagawa ako ng negosyo on my own hands. Nag start ako sa capital na 1,300 pesos, may sari sari store kasi Lola ko kaya bumili din ako ng mga drinks na pwede itinda sa tindahan niya at maka income kahit konti. Sa muchkin ko naman mahirap gumawa kasi it needs extra efforts minsan nga napagalitan ako ng mga costumers ko kasi tagal ko daw dumating. Nagcocommute lang kasi ako, doon palang nagtaka nako bakit nagbago trato ng magulang ko sakin. Naging mabait na sila at pinagsilbihan nako ng maayos. Pansin din yun ng lola ko.
Tinatag ko negosyo ko sa murang edad na 16 yrs old kaso nag stop ako noong nagka pandemic na ng malala at pansin ko rin na madalas nako magkasakit kaya nag stop muna ako at nag pahinga. Before that hindi ganyan kadali sakin magtatag ng negosyo kasi isinakripisyo ko mga gamit na mahalaga na binigay sakin ng tatay ko. Kaya noong nagkaroon ako ng pera na pang capital galing yun sa guitar na binenta ko through online or sss marketplace. Masakit isakripisyo yun pero kailangan. Hindi rin pumapayag ang magulang ko na ibenta ko yun ang guitar kaya naging hadlang sila sa akin kung kaya't nag pumilit ako ibenta yun.
Kinausap ko sila mama at papa ng maayos pero sabi nila na "bawal ko daw ibenta yun kasi galing yun sa tatay (lolo sa father’s side) ko at hindi ko daw pag mamay-ari kasi pag mamay-ari daw ng lolo ko" sabay sabi ko na “pagmamay-ari ko yan kaya kung gusto ko ibenta yan wala na kayo magagawa kasi ako nag mamay-ari niyan.” Sa sinabi ko kinuha nila yung guitar. Nagiging hindrance sila sa buhay ko. Sabi ko pa sa sarili ko na "magulang ko kayo dapat support niyo ko kasi yun ang kailangan ko pero bakit naging isa kayo sa problema sa buhay ko?" Kaya that day pumasok ako sa kwarto ko at umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko. Hindi ko din na feel yung gutom. Kaya sabi ko sa sarili ko na "I have rights to sell my own possessions without their permission kasi binigay sakin yan at ako yung nag mamay-ari na."
Kaya noong umaga na yun nakita ko si mama nag mop sa bahay. Kinuha ko yung guitar sa kwarto ng mama ko at dali dali pumunta sa labas pero naabutan niya ako at kinausap niya ako ng bayolente at ako naman kinausap ko siya ng mahinahon na “ma gamit ko yan at may karapatan ako na ibenta ko yan kasi pag mamay ari ko yan at hindi niyo naman yan pagmamay ari.” Nagalit siya sakin. Pinalo niya ako ng mop (bakal yun) sa ulo ko ng sobrang lakas at pinipingot niya yung tenga ko sa sobrang sakit kaya nag manhid yung tenga ko. Umiyak ulit ako sa kwarto ko at hindi yun alam ng mama ko. Tagos sa puso yung sakit kasi alam ko na hindi ako mahal ng magulang ko base sa pinaramdam at pinakita nila sakin. Kaya napasyahan kong tawagan tatay ko (in short lolo ko sa father’s side yung nag bigay ng guitar sakin).
Kinuha ko number niya sa tito at tita ko at tumawag. Sabi ko “Tay pwede ko bang ibenta yung guitar para sa negosyo ko. Kasi yung pera na yun mag sisilbing capital. Alam ko sa sarili ko na bigay mo yun pero kailangan ko isakripisyo ang bagay na alam ko makakabuti sakin. Sorry tay” sa kabilang linya sabi niya “Gel, sayo naman yun kaya ikaw na bahala kung ibenta mo yun o hindi. After all pagmamay-ari mo yun at matagal ko na yun binigay sayo” sabi ko “Tay di pumayag silang mama at papa ibenta ko yun” pero di ko sinabi ginawa ni mama sakin about sa pag palo niya sakin ng mop sa ulo at sa pag pingot sa tenga ko tas sabi ni tatay “Kausapin ko papa mo bigay mo yung phone sa kanya” Kaya agad kong binigay yung phone sa papa ko. Mahigit kalahating oras sila nag uusap hanggang sa natapos na sila ay agad ako tinawag ng papa ko na kunin ko na yung cp ko na keypad. Pagkatapos ay nilapit ko sa tenga yung phone ko at bumalik sa kwarto “Tay” sambit ko sa phone. Sabi ng tatay ko “Kung hindi nila ibibigay yung guitar. Magpapadala ako ng 1,300 sayo at wag mo sabihin sa kanila” and I replied “Sige po tay” and our call ended. I feel relieve…