CHAPTER 3: THE UNSEAT FAMILY

1136 Words
Isang araw I found out that my parents business were bankrupt and my Grandmother blamed me for my parents fault kasi dahil sa Oil Business nila di lumago at na bankrupt sa loob ng ilang buwan. 2 months lang ata tinagal ng negosyo nila and before yan natatag. I advised them na mag franchise nalang ng water refilled station pero hindi sila nakinig sakin. Syempre sino ba ako para pakinggan nila? So I let them. I also think about my future kasi sabi nila "Para sa akin daw yung ginagawa nila" pero yung kinabukasan ko ay sila mismo sumira kasi kung nakinig sila sakin hindi sana ganito mangyari. Hindi na sana ako naghihirap ngayon na halos gumagapang sa scholarship at the same time gumagapang para maka hanap ng trabaho kasi sa panahon natin ngayon ang hirap maka hanap lalo na pandemic. I've been rejected many times sa interview and I felt so hopeless. Madami akong alam sa business na kinatataka ko kung bakit. Ewan parang feeling ko sanay na ako mag negosyo. Siguro dahil negosyante din nanay ko, yung lola ko sa Davao. Lagi kasi ako nag babakasyon sa Davao kapag school break na at doon ako nag stay at also nag bebenta ng prutas. Minsan sumasama ako sa kanya sa Panabo City kasi doon kukunin ang mga prutas na pwede bibilhin namin at ibenta sa lugar kung saan nag titinda kami ng nanay ko. May mga ilang masaya nangyari sa buhay ko at isa na doon yung walong taon gulang na ako. December kasi yun kaya madami prutas pinamili ni nanay kasi noche buena at uso ang mga bilog na bilog na prutas kasi ibig sabihin nyan goodluck. Kaya ako naman benta ako ng benta. Masaya naman ako sa pag bebenta ko kasi madami ako natutunan na di ko natutunan sa probinsya na kung saan ako pinanganak. Sa tuwing mag bebenta kasi ako napakasaya ko. Hindi ko ma gets pero my heart is pounding when I sell feeling ko nakikita ko sarili ko na yumayaman na ganun pero I hope na someday I'll become a one of the hardworking richest people in the whole world. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Not until..  Yung na bankrupt na walang nasauli na pera yung parents ko na kinuha nila na 250k. Kahit piso wala silang nasauli kaya sakin napunta yung bintang ng kasalanan nila at daladala ko hanggang ngayon. Syempre masakit sakin kasi wala akong alam sa negosyo nila. Hindi naman ako nag hawak sila naman. I asked myself "why me? Kasi anak ako? Di ko nga sila tinuring magulang after what they have done wronged to me pero bakit sakin napunta yung sisi?" Pero yung mahanghang na salita binato sakin ng lola ko binaliwala ko na lang kasi wala naman patutunguhan kung magalit at magkasagutan kami dahil una sa lahat kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa magulang ko yung pera na yun hindi parin yun ibibigay sakin o sa grandparent ko. Not until na di ko na kaya tiisin yung sakit kaya umiyak ako sa kwarto ko at tagos sa buto yung sakit ng salita ng lola ko na tumatatak sa isip ko. Iniyak ko lang ng iniyak hanggang maging maayos na ulit ako.  Actually grandparents sa mother’s side ko nagpalaki sakin yung nagbato sakin ng masakit na salita. Lola ko yun at mama yun ng mama ko na tawag ko sa kanya "mommy". Hanggang ngayon, yun padin binabato sakin and about sa parents ko. Ngayon, wala silang  trabaho both parehas sila kung meron man freelance lang. Freelance yung e hire lang kung kinakailangan and once na hindi na sila kailangan ay aalis na sila. My father is a college level lang ang natapos and my mother is a college graduate. Teacher kinuha ng mother ko nakapasa din siya sa licensure exam ng pagkateacher pero sabi niya samin one day "Ayaw niya daw magturo kasi nakakapagod." Kaya until now ganyan yung situation nila sa Davao. Sa ginawa niya naghihirap kami. Isang araw may sinabi yung lola ko “After mo mag grade 12 dito. Doon kana sa davao. Magulang mo na mag papa aral sayo” sabi ko “Ayaw ko”. Sabi niya “Di na namin kaya ipa enroll ka sa college. Wala kaming pera kaya ang parents mo mag papa aral sayo” natakot ako kasi alam ko sa sarili ko hindi ako mapag-aral ng magulang ko kasi wala din silang trabaho and how would they afford my tution sa college? Ang mahal lalo na Engineering course ang gusto ko kunin kasi yun yung gusto ko and I see myself on that course and I replied to my lola “Hindi nga sila makapag bigay ng pera para e extract yung ngipin kung sira. Mapag aral pa kaya? Tas sabi ng lola ko “Kung ayaw mo sa magulang mo pasensya na pero 2024 kapa pwede mag college doon pa makukuha yung pension ng lolo mo” and I stayed silent tapos pumunta ako sa kwarto ko.  Tumulo luha ko at umiyak na wala silang maririnig kahit katiting na tinig sa pag iyak ko. Sobrang sakit kasi yung pangarap mong makapagtapos di mo maabot. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa sumakit tiyan ko para lang mapigilan ko gumawa ng pwede nilang marinig. I feel like one of my heart string naputol. Masakit sobra kasi isa ako sa mga kabataan na nasira yung pangarap ko ng unti unti. Kaya kung ako sa inyo, mag aral kayo ng mabuti kasi yan yung pangarap ko na hindi ko maabot.  Nakakainggit nga eh pumasok kayo ng paaralan na wala kayong pinoproblema samantalang kami hindi kami makapasok kasi kailangan namin ng pera. Sabi ko sa sarili ko “Sana swerte din ako noh? Makapag aral at may pamilya na supportado ka at mahal ka, ako kasi wala, hindi ako mahal ng magulang ko feel ko nga adopted ako eh kasi kita ko sa mata ng mga kapatid ko paano sila minahal ng magulang ko pero pag dating sakin para akong hayop na laging binubugbog” Sana may magulang din ako mahal ako kasi yun naman gusto ko maranasan kasi yan yung bagay na hindi ko naranasan sa mundo ang mahalin ako ng magulang ko kasi yan yung bagay na makapag pabago sa isang halimaw na katulad ko ang pagmamahal ng isang magulang lang kailangan ko. Yan lang lagi ko inaasam sa buhay ko ang mahalin ako pabalik pero wala eh hindi nila kaya ibigay yan sakin. Kahit material na bagay hindi matutumbasan ang pagmamahal at aruga ng isang magulang sayo. Kaya kung mahal kayo ng magulang niyo mag pasalamat kayo kasi yan yung bagay na hindi ko naranasan sa buong buhay ko na hanggang ngayon ay hinahangad ko na sana isang araw mai-iparanas nila yung pag alaga at pag supporta sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD