Chapter 43 Aira's POV "Good morning beautiful." Bati ni Gelo ng magmulat ako. Nakangiti ito sa'akin habang nakahawak ang kamay niya sa bewang ko. Magsasalita rin sana ako pero naunahan ako ng tinatawag nilang morning sickness. Agad akong tumakbo papunta sa banyo at doon na nagsuka. Naramdaman ko lang ang paghagod ni Gelo sa likod ko. "Are you okay? May nakain ka ba? Maybe we can go to the hospital." Nag-aalala nitong sabi kaya napangiti ako. I washed my face up before facing him. Yumakap lang ako at siniksik ang sarili ko rito. "I'm okay. That's just normal." I told him softly. Inalalayan niya akong lumabas ng banyo at ingat na ingat akong pinaupo. Natatawa pa ako dahil kulang na lang ay punasan niya ang mga alikabok sa daraanan ko. "Mabuti na lang at nalaman ko agad 'to. I don't want

