Chapter 42 Aira's POV Nagising ako na parang lumilindol ang paligid ko. Agad akong napamulat at gumalaw ng maramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko. Napangiwi pa ako ng maalala kong nakagapos pala ako. Napatingin ako sa paligid at agad lumakas ang t***k ng puso ko ng makita kong nasa dagat ako sakay ng isang yate! Agad hinanap ng mga mata ko si Mia kahit madilim na at nakita ko naman agad siya sa isang banda, tulog. May takip parin ang bibig niya at ang damit niya ng magsumbatan kami sa ospital ay suot niya parin hanggang ngayon. "Gising ka na pala." Napatingin ako sa gilid ko ng magsalita si Lester. Preskong-presko ang itsura niya at nakasindi pa ng sigarilyong nasa bibig niya. "What do you want from me?" I asked coldly that made him laugh happily. Tinuro-turo pa niya ako haban

