Chapter Ten - Mesmerized
"Magandang umaga po aleng Nena!"
Bungad ko sa nanay ni Claire sa harapan ng kanilang bahay. Kaka-aalas sais na ng umaga kaya nagwawalis ito sa labas ng bahay. Marami-rami narin ang mga taong dumadaan sa kalsada, mga sasakyang bumubusina, at ang mga naglalako ng kanilang paninda.
"Magandang umaga din sa iyo Nice! Pasok ka. Naku, kakagising pa lang ni Claire. Puntahan mo nalang sa loob. Kumain ka na ba ng agahan? Mabuti pa ay sumabay ka na kay Claire."
"Sige po, pupuntahan ko nalang po si Claire," sagot ko at pumasok na sa kanilang bahay.
Magkapareho lamang kami ng disenyo ng bahay ni Claire sapagkat sila ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Magkatabi lang kami ng bahay at magkakulay narin. Ganito sa village na aming tinitirhan, kadalasan sa mga bahay dito ay ginagawang upa. Malapit narin kasi sa siyudad kaya maganda narin ngunit, iyon na nga may kamahalan.
"Morning Nice!"
Bati sa akin ni Claire habang nakadekwatrong-upo sa harao ng hapag. Mapapansin mo talagang kakagising lang nito dahil sa buhok nitong walang suklay na namukadkad na oarang leon. Inilapag ko kaagad ang aking dakang gamit sa kanilang upoan.
"Ayan tuloy," natatawa kong sabi. "Bilisan mo diyan Claire baka ma-late pa tayo." Biro ko dito.
"Alas sais palang Nice! Bakit ka nagmamadali? Wala namang klase mag-aatendance lang naman tayo doon."
"Iyon na nga, Claire. Makipagsiksikan na tayo."
"Ako ang bahala," agad nitong sabi.
Pinagningkitan ko ito ng mga mata. Nakapagtataka na talaga itong si Claire at president kung anong relasyon mayroon sa kanila. Hindi naman sila gaanong nag-uusap sa loob ng classroom ngunit madalas na humihingi ng pabor si Claire dito. Well, maybe mabait lang talaga si president. Ipinagkibit ko nalang ito ng balikat at padarag na kinuha ang upoan para makaupo.
"Sinukahan mo ako kagabi," sabi ko kunwaring nagtatampo.
"Iyon nga ang sabi ni totoy," sabay nguso naman niya sa kapatid na kakalabas pa lang ng kwaro.
"Morning ate Phenice," bati nito sa akin habang papikit-pikit pa ang mga mata.
"Morning din totoy," bati ko pabalik dito.
"Pasensya na talaga Nice. Pero!" Excited nitong sabi kaya kami nabigla.
Nakatikim kaagad si Claire ng batok galing sa kanyang kapatid dahil sa pagsigaw nito kaya muntikan na itong nabulunan. Masama niyang tiningnan ang kanyang kapatid ngumit sumuko narin. Napahagod siya sa kanyang batok dahil masakit ang pagkakabatok ni totoy.
"Mamaya ka sa akin toy!" Sigaw nito sa kapatid na pumasok na ng kusina. "Iyon na nga, kailangan mong magpasalamat sa akin." Masaya nitong sabi.
Napakunot ang aking noo dahil hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. "Bakit ako magpapasalamat sa iyo?"
"Sabi ni totoy na may ginawa daw kayong milagro ni Patrick sa likod ng sasakyan?"
Binatokan siya ulit ng kanyang kapatid. "Wala akong sinbing ganyan ate. Ang sabi ko, dahil sa iyo kailangang magpalit ng damit ni ate Phenice kaya pinahiram siya nung lalaking naghatid sa atin. Pumasok na iyong lalaki sa loob ng sasakyan noong nagpalit siya ng damit sa likod ng sasakyan."
"Ahh ganoon bha?" Nakangisi nitong sabi. "Eh ano iyong sinabi mong?" Sabi ni Claire habang naningkit ang mga mata.
"A-Ano?" Nahintatakutang sabi ni totoy.
"Hihi!" Nakangisi na ng malaki si Claire.
"Ano?" Inaantay ko ang sasabihin ni Claire ngunit hindi ko mapigilang kabahan dahil baka nakita ni totoy kung paano ako magreact kay Patrick.
"N-Na mabuti nalang ay hindi pa umuwi sina Patrick at hinatid pa tayo?"
"Huh?" Hindi ko gets kaya napakunot ulit ang aking noo.
"Wala Nice."
Sabi nito ngunit nagdududa ako sa pinapakita nitong ngiti. Napatingin ako kay totoy ngunit umiwas ito ng tingin kaagad. Narinig ko ang mumunting halakhak ni Claire kaya nagsimula na namang tumubo ang kaba sa aking dibdib. Napabaling ako sa labas noong narinig kong may kausap si aleng Nena at pamilyar ang boses nito.
"Anong ginagawa ni Patrick dito?"
Sabi ni Claire na ikinabigla ko. Agad akong lumapit sa kanilang bintana para kumpirmahing totoo ang sinasabi nito. Napatalikod ako kaagad dahil tumingin sa aking banda si Patrick. Bumalik ako sa kinauupoan at nakita kong mabilis na kumain si Claire at nabulunan pa ito.
"Chill lang Claire," nag-aalala kong sabi dahil natatakot ako sa kanya na kumakain ng mabilis.
"Ikaw ba ang nagpapunta sa kanya dito?"
"Huh? Wala nga akong number ni Patrick."
"Naku! Nakakahiya Nice," sabi nito at agad ma tumayo para ilagay ang pinagkainang pinggan sa lamesa. Pumasok ito ng banyo at kami nalang ni totoy ang naiwan at eksakto namang pumasok si Patrick sa bahay.
"Good Morning," bati ni Patrick kaya napabaling ako dito.
Hindi ko kaagad naiwasang titigan ito ng matagal habang nakatayo ito sa pagitan ng mga damba ng pintuan. Just like always, I see him just like an angel just like how we first met. That bright smile plastered on his face makes him more adorable to see.
"Morning din sa iyo, Patrick." Tugon ko nito.
Dama ko ang pagkabinat ng aking mga labi papunta sa aking tainga upang ito ay ngitian. I don't know why I did that but at that moment, I was caught up. I felt like I was cursed that's why I was mesmerized by seeing him.
"Okay ka lang Nice?"
Tanong ni Claire sa akin. Parang biglang may pumutok na balloon sa aking mukha dahil sa aking pagkakagulat. Hindi ko napansin ang presensya nito and I felt embarrassed seeing her grinned widely as she walked in front of me going to to her room.
"Anong sinabi ni Claire, Nice?"
Tanong ni Patrick sa akin kaya napatingin ako ulit dito. "W-Wala," nauutal kong sagot. Mabuti nalang at parang hindi napansin ni Patrick na nakatulala na ako sa kanya. Napaiwas akong tingin at dumako kay totoy na pinamulahan ng pisngi. Bigla ring napaiwas ako dito.
"Siya nga pala, anong ginagawa mo dito?"
"Naiwan mo kasi ang damit mo kahapon," sabay turo sa sasakyan.
"Ahh! Oo nga pala, pasensya na. Teka! Hindi ko pa pala nalabhan ang damit mo."
"Okay lang. Mamaya ko nalang ibibigay sa iyo ang damit. Sakay na kayo sa akin?" Tingin sa akin at kay totoy.
"Maraming salamat po kuya pero mauna na po kayo. Mamaya pa kasi ako."
Tinanguan naman ito ni Patrick at tukingin ulit sa akin. "Naku! Nakakahiya Rick. Okay lang na mauna ka na."
"No, it's okay Nice. Ano pang silbi ng pagpunta ko dito kung hindi naman pala kayo sasakay?"
Para naman akong nakonsensya kaya napatango ako dito at napaiwas narin ng tingin. Lumabas na si Claire ng kwarto niya habang sinusuklay nito ang basang buhok. Ngumisi ito kay Patrick at sa akin.
"Tara na?" Walang hiya na sabi ni Claire dito.
"Claire?" Pabulong kong tawag dito.
"Ano? Hindi ba kami sasakay sa sasakyan mo Patrick?"
Napahawak nalang ako sa aking ulo. Napailing na lamang ako dahil ganito naman talaga si Claire. "Sasakay," sagot ko dito.
"Hindi kita tinanong, Nice." Bulong nito nung nakatabi na sa akin.
"Tara?" Anyaya niya sa amin. "Pasensya ka na talaga Rick at natagalan ako. Hindi kasi sinabi ni Phenice sa akin na pupunta ka dito. Wala kayong number sa isa't-isa?"
Ako na talaga ang nahiya kay Claire. Natatawa nalang talaga ako habang umiiling. "Tara? Huwag mo ng pakinggan itong si Claire."
"Haha! Pasensya na kung hindi ako nakapagsabi sa inyo kaagad. Yeah! That's a good idea, I think we need to exchange numbers Nice."
Narinig ko na naman ang malademonyong ngisi ni Claire sa aking likuran habang tinulak-tulak ako papalapit kay Patrick nung palabas na kami ng bahay. Hinahawi ko naman ang kayang kamay ngunit kay lakas nito. Dahil sa nakabaling ako kay Claire ay hindi ko napansing tumigil pala sa paglalakad si Patrick. Nabangga ko ang kanyang likuran at mabuti nalang ay hindi ito natinag nung mabangga ko.
"Sorry Rick," hingi ko ng tawad dito. "Ikaw kasi," bulong ko kay Claire na ngumingisi lang.
"Punta na po kami ma," masiglang sabi ni Claire sabay halik sa pisngi ng ina at nagmano. Nagmano narin ako at pati narin si Patrick. Kinatuwa pa ito ni aleng Nena dahil bukod sa mabait pa ay gwapo daw.
"Hindi naman po," sagot ni Patrick dito.
"Mauuna na talaga kami ma baka ma-late kami kapag pupuriin mo pa ang MVP namin. Kay Phenice ka nalang magpakwento."
"Ano?" Gulantang kong sabi.
"Wala," sabi nito at ako'y kinaladkad. Napasunod narin si Patrick at narinig kong nagpaalam ito ulit. Si Claire narin ang nagbukas ng pintuan kaya pumasok narin ako.