Chapter Eleven - Territorial Girlfriend
"Ang bagal mo Nice," ani ni Claire nung hindi pa ako pumasok ng sasakyan.
"Hi!"
Bigla kaming napatingin sa front seat. Nakaupo dito ang girlfriend ni Patrick na si Penelope. Napipi kaming dalawa ni Claire dahil hindi namin inaasahang nandito pala siya sa loob ng sasakyan all the time.
"H-Hello," bati ko pabalik dito.
"Hi Ms. Penelope," maligayang bati naman ni Claire dito ngunit plastik namang ngumiti. "Pasensya na kung maingay ako. Akala ko kasi walang ibang tao. Kanina ka pa ba diyan?"
"Oo actually, baka malelate nga ako ngayon," sabay tingin ng relo nito.
Napatingin naman ako kay Claire na inikutan ito ng mata. Sinipat ko ito baka makita pa ito ng nobya ni Patrick. Bumaling naman ulit ito sa amin kaya nginitian namin ito.
"Maupo ka," sabay lahad sa katabing upoan ni Claire.
"Sige," sagot ko dito at umupo katabi kay Claire.
"Nasaan na ba si Patrick? Bakit ang tagal niya?"
Napatingin ako sa labas kung saan nag-uusap pa si Patrick at si aleng Nena. Masinsinan ang kanilang pag-uusap dahil hindi magawang bumaling si Patrick dito. Narinig ko naman ang buntong-hininga ni Claire sapat lang para hindi nito mapansin ni Penelope.
"Pasensya na madaldal kasi ang mama ko kaya siguro natagalan si Patrick," sagot kito at nakita kong umikot na naman ang mga mata nito.
"What time is it na ba?"
Umupo ito ng dekwatro at mataray na umayos ng upo. Inilagay ni Penelope ang mga hibla ng kanyang buhok sa likuran at bahagyang ipinaglapat ang mga braso na naka-ekis sa dibdib nito. Mukhang hindi talaga ito makapag-antay na natatagalan si Patrick na nakikipag-usap pa sa nanay ni Claire.
"Tatawagin ko na muna si Patrick," basag ko sa nakakabinging katahimikan.
"Mabuti pa nga kasi may gagawin pa kami sa club namin," maarte nitong sagot.
"Ako nalang Nice. Dito ka nalang," presenta naman ni Claire. She even make face imitating the way Penelope talk. She's just not scared because she was behind her chair. "May kukunin din ako sa labas.
Napatango ako. "Sige." Agad itong lumabas upang kaming dalawa ni Penelope nalang ang matitira. Napabaling ako sa aking bintana kung saan patakbong pumunta si Claire sa kanila.
"Diba ikaw iyong childhood friend ni Patrick?"
Naagaw nito ang aking atensyon dahil sa tanong nito. Napabaling ako sa kanya at marahang tumango. Nakatingin lamang ito sa rear view mirror kung saan sa akin nakatutok ito.
"Paano? Like it's almost twelve years daw? Sabi sa akin ni Patrick."
"Oo, nasurpresa nga ako noong lumapit siya sa akin para magpakilala-"
"He what?" Putol sa akin at napabaling na ito.
Sa aking gulat ay natigil ako sa pag-uusap at bahid sa aking mukha ang pagkakagulat. Pansin kong kahut nakangiti ang mga labi nito ay may panggigil sa kanyang mga kamay at pinipigilan talaga nito. 'Hindi naman siguro ako sasabunutan nito?' tanong ko sa aking isipan.
"I mean, wow!" Masiglang tugon nito. "Friendly pala si Patrick? I didn't even know kahit na ilang taon narin kami. As far as I know, sikat siya kaya maraming nakakakilala sa kanya pero siya sa ang magpakilala? Mga iilan lang ang nakilala ko. You must be really his childhood friend?" Ngiting plastik nito sa akin. " But why didn't you approach him first? Hindi mo naalala or you're just waiting that he will make the move first?"
I was stunned by her words. I felt like I am in an interview and were asked a lot of questions and then suddenly, a controversial question that made me put in a hot seat. I think I should be very careful with my words or else these will lead into something that I wasn't expecting.
"H-Hindi," nauutal akong sumagot ngunit idinaan ko nalang ito sa tawa. "Uhh! Just like what Patrick said it was almost twelve years the last time we met kaya hindi ko na siya naalala. Maybe kung hindi siguro lumapit si Patrick sa akin baka magtatapos tayo sa pag-aaral na hindi namin kilala ang isat-isa?"
"You mean it's his fault kung gagraduate ka ng hindi niyo kilala ang isat-isa?" Shocked was evident in her face and I could see a little bit of frown in her face.
'Woah!' sabi ng aking utak. "I mean-"
"Hi! We're back!"
Masiglang sabi ni Claire kaya naputol ang aming pag-uusap. Napabuga ako ng malalim na hininga at mabuti nalang ay dumating na sila. I even see her rolled her eyes when Patrick got inside the car. Hindi ko alam kung ako ba ang kanyang binigyan nun o si Patrick dahil matagal ito?
"Pasensya na kung natagalan ako. May pinag-usapan lang kami ni aleng Nena," paghihingi nito ng paumanhin.
Biglang inilingkis ni Penelope ang kanyang mga kamay sa braso ni Patrick sa harapan namin at narinig ko ang pagsinghap ni Claire. Napatingin ako dito at nakita ko pa ang pandidiri na bakas sa mga mata nito. Hindi naman masama kung gagawin nila iyan pero I think hindi naman siguro niya kailangang gawin iyan dahil nandito kami sa loob.
Napatingin naman ako kay Patrick na batid parin ang pagkakagulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ni Penelope. Maybe he was stunned by the moves of his girlfriend. I let out a little smirk because I know that moves. Sorry girl but I know my line so no need to do the act just to be territorial.
"Haha!" Payak na tawa ni Patrick. Tumikhim naman si Claire. Kinuha ni Patrick ang mga kamay ni Penelope na nakalingkis sa kanyang braso.
"I think kailangan na nating pumunta," may pag-aalinlangan ang mga mata ni Patrick na tumingin sa amin ni Claire. Bumaling ito sa nobya, "maaga kayo sa club ninyo ngayon diba?"
"Okay lang kung matagalan babe. Wala naman kaming masyadong ginagawa doon," malumanay na sabi nito.
I was taken aback by the words she said. Pati nga rin si Claire ay nagulat sa narinig. Agad na nagkatagpo ang aming mga mata at nakakunot ang aming mga noo habang marahang pinag-usapan si Penelope gamit ang mga mata. Nakita ko ang pag-ikog ng mga mata ulit ni Claire.
"Okay lang kayo?" Tanong ni Patrick sa amin.
Mabuti nalang at hindi niya nakita ang ginawa ni Claire. Tinanguan na lamang namin ito. Bumaling naman sa aming banda si Penelope at matamis na ngumiti sa amin habang nakahawak ang mga kamay sa braso ni Patrick. Nginitian ko nalang din ito at pinaharurot ni Patrick ang sasakyan.