Chapter Twelve - Rumors
Kanina pa kami dumating dito ngunit kanina pa nagtatalak itong si Claire tungkol sa girlfriend ni Patrick. Wala naman akong naging problema dito dahil ako man din ay nakakapansin sa ugali ni Penelope. Iyong nga lang nakakairita na si Claire dahil sobrang ingay na niya kahit nakapila kami dito para sa attendance. Mahaba na ang pila ng dumating kami kaya nakadagdag narin ito sa mahabang listahan na kailangang punahin ni Claire.
"Naku Nice kapag ako hindi makapagtimpi? I don't care talaga kapag kasama pa siya ni Patrick. Hinayaan mo nalang na ganoon?"
"Claire," mahinahong tawag ko dito. "Mamaya na nating pag-usapan iyan. Ang ingay na ng lugar," pangungumbinsi ko dito.
"Ewan ko Claire," sabay ikot ng kanyang mga mata.
Biglang tumunog ang mikropono sa gitna ng stage kaya napabaling lahat ng mga tao dito. Natahimik ang buong paligid habang nakatigin sa isang guro habang hawak nito ang mikropono. Tumikhim muna ito bago nito basahin ang dala-dalang sobre.
"To all students who joined the beauty pageant and singing contest please proceed to the old hall for the rehearsal. Again..." Patuloy nitong sabi habang inuulit lamang ang mga ito.
"Hayst! Mabuti nalang at magkasama tayo sa rehearsal Nice. Wait!" Tanong nito at biglaang tumayo sa aking harapan. "May kanta ka ng napili?"
Malungkot akong umiling. "Wala pa nga eh."
"Ayy! Alam kong kaya mo iyan Nice. Ikaw pa," optimistic nitong sabi.
"Kaya ka diyan! Tulungan mo ako Claire. Huwag mo akong makaya-kaya diyan!"
"Hihi! Kala ko pa naman nakatakas na ako," ani nito sabay kamot ng ulo.
"Ikaw? May susuotin ka na ba para sa contest bukas?"
"Sinabihan ko na si mama. At saka, may mahihiraman naman siguro ako kaya I'm all good."
"Good for you, Claire."
"Again! Please be on time. Any minute from now the rehearsal will start. Thank you." Ani ng guro at muling umingay ang covered court.
Agad kaming tumakbo ni Claire papunta sa old hall dahil magsisimula na nga ang rehearsal namin. Naubos kasi ang oras namin dahil sa mahabang pila kaya ngayon patakbo ma kami dito. Sinabi pa namang 'be on time' kaya natatakot kaming malate sa rehearsal.
"Hay salamat!" Hingal na sabi ni Claire nung dumating na kami.
"Pasok na tayo?" Anyaya ko sa kanya.
"Tara?" Sagot nito at sabay naming pinasok ang old hall.
Marami ng tao sa loob ng old hall ng dumating kami. Ganoon parin ang hitsura ng building ngunit napreserve talaga nila ang kagandahan at katibayan nito kahit na matagal na ito. Napanatili paring maayos ang mga maraming upoang nakapalibot sa stage.
Agad kaming nagtungo sa harap kung saan naroon ang ibang contestants na nag-aantay. Umupo kami sa pinakalikuran kasi wala naman kaming kilala dito. Siya namang pagbukas ulit ng pintuan kung saan kami pumasok at iniluwa nito si Penelope habanh hawak nito ang kamay ni Patrick. Agad kong narinig ang bulong-bulongan ng mga tao sa loob ng old hall.
"Oh my gosh! Anong ginagawa dito ni Patrick?" Kinikilig na saad ng isang babae.
"Tumigil ka baka marinig ka niyan. Kasama pa naman nito ang gf," pigil naman ng isang babae sa kasamahan niyang kinikilig.
Napailing na lamang ako dahil kahit nasa kolehiyo na kami ay parang nasa highschool parin kami kung saan kinikilig ang mga kababaihan dahil sa isang campus crush. Hindi lang naman talaga si Patrick ang nag-iisang magandang binata na nakaenroll dito but i think, he got a lot of admirer.
"Alam mo! May chika ako," dinig kong sabi ng babae kaya hindi ko na itinoon ang aking pansin dito. "Dinig kong may ibang babae si Patrick."
Agad akong napabaling dito dahil sa aking gulat.
"It's just rumours lang naman. Nagpakilala raw iyang si Patrick sa isang girl from the same course sa canteen. They were seen talking a lot like it's been ages that they didn't met. What if ex iyon ni Patrick?"
"Where did you get that? Legit ba iyan girl? Baka kaibigan lang?"
"No! They were seen pa nga the other day na nagshare ng payong under the rain."
"Ano? I didn't heard that. Like, what? Sinasabi mong. Teka naguguluhan ako," sabi nito sabay hawak sa sintido nito.
"I am not sure kung ex or alam mo na," sabay lapit dito. "Bago niya," bulong nito ngunit dinig ko ito.
Sa aking gulat ay hindi ko napansing malakas ang aking pagsinghap kaya napatingin sila sa akin. Gulat ang makikita sa kanilang mga mukha dahil sa hindi nila inaakalang may nakarinig sa kanila. Agad silang umiwas ng paningin at umalis sa kinauupoan.
Agad akong kinakabahan habang napatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang mabuting isipin sapagkat hindi na talaga maganda ang nagiging tsismis ng mga tao tungkol kay Patrick at sa pagpapakilala niya sa akin. Umabot pa sila sa hinihinalang ex or bago niya.
"Nice?" Tawag sa akin ni Claire kaya napabaling ako dito ng wala sa oras. "Okay ka lang? Namumutla ka?"
"A-Ah okay lang ako Claire baka kinakabahan lang."
"Claire! Nice!" Tawag sa amin ni Patrick noong nakalapit sa amin.
Nakalimutan ko pang nasa loob pa sila. My thoughts were occupied by the rumors and the thoughts keep bugging me na paano kung ako ang magiging dahilan kung bakit hindi na magiging maayos ang kanilang relasyon or ending up breaking each other. Agad akong umiling dahil napapraning na siguro ako.
"Anong ginagawa niyo dito Patrick?" Tanong ni Claire dito kaya napatingin ako sa kanila.
Maarteng tinitingnan ni Penelope ang old hall habang nakakapit ang mga kamay sa braso ng nobyo. They look good together and I think the rumors definitely is not a good thing kapag nakaabot ito sa kanila. And I won't let that happen.
"Kasali kasi si Penelope sa singing contest."
"Ahh ganoon ba? Kasali din si Phenice sa songing contest," sabay tingin sa akin.
Dahil sa aking pagkakabigla ang ngiti at tango lamang ang aking naging sagot. Hindi ako takot na magkalaban kami para sa magiging paligsahan namin bukas. What I am scared for is the thought na magkasama kami sa rehearsal at baka marinig pa nito ang mga rumors.