CHAPTER 13

1232 Words
Chapter Thirteen - Rehearsal "Okay! Maupo na muna kayo," biglang dating ng isang lalaking guro habang may makulay na bandanang nakasabit sa leeg nito. "Narinig niyo naman siguro ang inanunsyo kanina kaya kayo naririto. We called the participants of both beauty pageant and singing contest because you are going to present tomorrow night alternately. That being said, in every beauty pageant contestant na rarampa there will be a contestant from the singing contest that will follow after they present. Understood?" "Yes sir!" Sabay naming sagot. "Okay tayo na tayong lahat para maumpisahan na natin," sabi nito at agad kaming tumayo sa aming kinauupoan. "Nice? Parang gusto kong umatras. Kinakabahan ako," nahintatakutang sabi niya ngunit nakangiti. "Claire, relax. Sa ilang nasalihan mo ng beauty contest noong highschool pa tayo, ngayon ka pa aatras? Sasaan pa ang pagiging winner mo noon kung aatras ka ngayon? Whatever happens Claire, I am always here and you will always be my queen," sabi ko dito habang nakangiti. "Awe! Nakakatouch Nice. Anong nakain mo ngayon?" "Wala nagbibiro lang din naman ako sa sinasabi ko," bara ko dito kaya napasimangot siya. "Lang'ya ka Nice!" Tinawag na kami kaya nagkahiwalay na kami ni Claire. Lumapit ako kung saan naroon ang ibang contestant para sa singing contest. Dama ko ang kaba habang papalapit sa kanila sapagkat kasali si Penelope. "Alright! Gather around in front of me. Hurry," ani ng babaeng guro. "Just like all the programs, kakanta kayong lahat for the invocatory song. At ang napili naming kanta ay ang kanta ni Ms. Morisette Amon na 'Could You Be Messiah' composed by Mr. Gary Valenciano. Pamilyar naman kayo lahat sa kanta, hindi ba?" Marami ang tumango at iilan lamang ang hindi. Kasali ako sa mga iilan na hindi pa narinig ang kanta na tinutukoy ng babaeng guro. Hindi din kasi ako mahilig sa mga kantang katulad ng christian song kaya hindi ako pamilyar dito. "Since, sampo kayo lahat. We will try our best to divide the song equally para lahat talaga mabigyan ng pagkakataong makakanta man lang. Kahit isang linya lang ay okay na iyan dahil pagdating sa Choruses at Bridge, maghaharmonize kayo o hindi kaya ay unison. Nakuha ba?" Sabay kaming tumango sa pagsang-ayon. Napatingin ako kay Penelope na napakakompiyansa at makikitaan mo talagang magaling ito. Her stance as she stand screams na hindi siya kaagad natitinag sa kahit ano mang hamon. Maybe she knows that song so well kaya good for her dahil hindi na niya kailangan pang pag-aralan ito ng mabuti. "Okay! Separate boys and girls. Mabuti nalang at tiglilima kayo kaya hindi na tayo mahihirapan pa sa inyong magiging choreography at sa parts narin. Boys will sing the first verse then chorus sing in unison Next, for the second verse will be the girls. And just like the boys, you girls will also sing the chorus in unison. Now, the bridge part, there will be an exchange. Parang binabato niyo ang kanta sa isa't-isa pero kayong lahat na naghaharmonize. Then after is the last chorus, in which you will sing in unison and harmonize in the end. Kuha ba? Kaya?" Mahabang litanya ng babaeng guro. "Okay no need to read the notes because we already have the sample, makikinig nalang kayo sa parts niyo at always keep in mind the harmony para hindi kayo gumaya o hindi kaya ay mawala sa tono na inyong hinaharmonize." Pinatunog na nila ang mga ibat-ibang parts na kakantahin namim ngunit pinaupo na muna lahat ng babae dahil ang nga lalaki ang mauuna. Hindi ko sinadyang mapatingin sa banda ni Patrick kung saan nakita ko ang pagpahid nito sa noo ni Penelope habang yumayakap ito sa malaking katawan ng lalaki. Agad kong iniwas ang aking paningin sapagkat naisip kong nakakaawa namang tingnan para sa isang katulad ko na walang kasintahan ang titigan ang magkasintahan ng matagal. Kung may makakakita man sa aking tumitingin sa kanila baka sabihin pa nila na ako ay naiingit. Napailing na lamang ako napangising tinitingnan si Claire dahil panigurado na kapag siya ang nakakita sa akin siguradong tama ang aking iniisip. Katulad din namin, puspusan din ang kanilang choreography para sa kanilang dance number at blocking ng kanilang magiging flow. Hindi ko napansin na matagal pala akong nakatitig doon kaya nagulat nalang ako noong may malamig na dumapo sa aking braso. Agad akong napatayo sa aking kinauupoan at lumayo dito para tingnan ko ito. "Relax Nice! Ako lang ito," natatawang saad ni Patrick. "Ito tubig," ani nito sabay bigay ng bottled water. "Uhh hindi pa naman ako nauuhaw," tanggi ko dito. Napabaling ako kay Penelope na nakalingkis sa mga braso nito. Nakangiti ito sa akin kaya sinuklian ko din ito ng ngiti kahit alam kong plastik lang ito. "You can take it, Phenice. May malaking tubig pa naman doon. At saka, kailangan ang tubig para sa ating katawan para hindi mapaos ang ating lalamunan at para sa hydration narin," pabebeng sabi naman nito. "Take it Nice," sabay sabi naman ni Patrick kaya napilitan akong abutin ito. "S-Sige uhh. Maraming salamat," sabay abot ko nung tubig at umupo. Naupo narin ito sa upoang malapit sa akin. Hindi naman sa nagseselos o kung ano man pero hindi parin nito binibitawan ang braso ni Patrick kahit nahihirapan na itong umupo. Hindi ko naman aagawin sa kanya ang kanyang nobyo. "Hindi ba that's the girl? Iyong nakita natin sila sa canteen na nag-uusap?" Napabaling ako sa boses kung saan iyon. "Friends siguro sila kasi kasama naman niya ang girlfriend niya." "What if hindi alam ni girlfriend na may umaahas na sa kanyang boyfriend?" Muntikan na akong matawa doon. Imbes na kabahan ako ay nawala ang kaba sa aking dibdib dahil sa lahat ng mga assumptions na naririnig ko sa pagiging magkaibigan namin ni Patrick. Then I came to realize, why do I need to fear these assumptions that I hear? Wala naman kaming ginagawang masama ni Patrick. "Siya nga pala, kailan ka nag-audition? Kasi, you know what? Kanina palang ako nag audition. Hindi ko nga inaasahang matanggap ako kahit na bukas na ang contest," pahayag nito habang nagpapacute sa harap ni Patrick. Ngayon ko na naintindihan kung bakit hindi magawang pigilan ni Claire ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Gusto ko na ngang gawin ito ngunit ayaw ko namang gawin baka sabihin pa na bitter ako tapos makita pa ni Patrick. Tumango na lamang ako ngunit hindi talaga ako ngumiti dito. "Sa pagkaalala ko noong lunes ata? Hindi sana ako sasali ngunit, mapilit kasi itong si Claire na isali ako. Wala narin naman akong magawa para narin sa points kaysa magcommunity service." "I was actually there noong kumanta si Phenice, babe. Hindi ko inexpect na she is very skilled sa pagkanta. Noong mga bata kasi tayo hindi ka masyadong kumakanta sa pagkaalala ko," natawanag saad ni Patrick sa akin. "Hindi naman ako magaling baka tsamba lang talaga. At saka, nahilig nga lang rin akong kumanta noong lumipat kami sa bahay kasi araw-araw nagvivideoke sina mama at papa." "Wow! That's cool tho. Ako kasi I went to a vocal training talaga. Pero, good for you kasi napanood ka jg boyfriend ko. Ako kasi hindi." I almost got chills when she said that with a pouting lips. If I can say lang talaga na 'pabebe', directly in front of them, sinabi ko na talaga. Napaiwas nalang ako at ininom ang tubig na ibinigay ni Patrick kaysa ano pang panghuhusga ang pumasok sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD