CHAPTER 14

1163 Words
Chapter Fourteen - Jealousy "Bilisan niyo diyan girls! It's about to start," dinig naming sabi ng babaeng guro. Kinakabahan ako habang sinusuot namin ang mga numerong papel na ibinigay sa aming mga braso. Nagkahiwalay kami ni Claire dahil nasa kabilang kwarto ito at kailangan ko ng makausap baka hindi ko makontrol ang aking nerbyos baka maapektohan pa ang aking pagkanta mamaya. Pinipisil-pisil ko ang aking mga kamay habang paulit-ulit na bumubuga ng malalim na hininga. "Let's get ready! Line up here," sigaw ng guro habang nakatayo ito sa pintuang papunta sa stage. "My God! Kinakabahan ako," dinig ko sa aking likuran. "Ako din! Madaming tao na sa labas," hindi talaga napigilan ang boses nitong pumiyok kaya napatingin ang mga kalalakihang nauna sa amin. 'I have to control myself before my nerves get in to me' pangungumbinsi ko sa aking sarili. Wala akong makakausap at dumadagdag pa sa kaba ang mga naririnig kong kinakabahan narin sila. Tumungga ako sa dala kong tubig at mainam kung dinamdam ang pagdaloy nito sa aking lalamunan. "Where are you?" Napatingin ang kararamihan kay Penelope na may kausap sa telepono. Napatingin narin ako kasi isang tao lang naman ang pagitan namin sa isa't-isa. Okay naman siya kanina habang minimake-upan siya ng kanyang artist. I think handa na siya at walang halong kaba nung nag-ensayo siya habang minimake-upan. Ngunit, ilang minuto bago kami bigyan ng numero ay naging hysterical na ito. "Ano? Malilate ka? Come on Patrick! Ang bagal mo. Kapag hindi ka makakarating mismo sa invocatory baka hindi mo na naman makikita akong kakanta. How many times Patrick? Noong audition tapos ngayon?" At ibinaba nito ang telepono at karahang bumuga ng hangin. Napabaling naman kami ulit sa harapan baka kami pa ang mabuntongan ng kanyang galit. "Are you okay ms. Penelope?" Agad na lumapit dito ang babaeng guro. "Yes ma'am," mahinahon na nitong sabi. "Si Patrick kasi matatagalan ang I don't want nga hindi man lang niya makita ang aking performance. I offer this song only to him pa naman." "Do not worry ms. Penelope. I am sure any minute from now dadating na iyon. Maybe, he just bought something for you," pampalubag-loob na sabi naman ng guro. "Baka nga po," malungkot nitong sabi ngunit nakangisi. "Okay stay calm," ani nito at bumaling sa aming lahat. "Alam niyo na ang gagawin niyo ha? Huwag kalimutan kung saan kayo pupwesto at saan kayo dadaan pagkatapos ng invocatory." "Yes po ma'am," sabay naming sabi. Biglang nag-ingay ang naglalakihang mga speaker hudyat na magsisimula na ang kompetisyon. Inaabangan talaga sa bawat kompetisyon ang beauty pageant dahil magpapakitaan ito ng magandang katawan at magtatagisan ng mga katalinuhan. Dinig ko pa ang sigawan ng mga tao habang papasok pa lamang ang ang mga emcee. "Good evening ladies and gentlemen! Welcome to the Mr. And Ms. Intramurals and Battle of the Voice 2018!" Sabay na sabi ng dalawang emcee. Naghiyawan lahat ng mga tao sa loob ng court kung saan kami kakanta. Mas dumoble pa ang aking kaba noong inanunsyo na nito ang invocatory performance. Agad kaming umayos ng upo noong nakatanggap kami ng go signal galing sa babaeng guro at isa-isang lumabas at pumwesto sa malaking entablado. Walang ilaw noong sinimulan namin ang aming paghmm sa tono ng kanta. Tumahimik ang paligid at unti-unting umilaw sa aming harapan na naging dahilan upang hindi namin makita ang mga tao sa harapan. I smiled widely dahil hindi ko masyadong naramdaman ang kaba noong hindi ko makikita ang mga tao while performing. Itinikom namin ang aming bibig noong magsimula ng kumanta ang mga kalalakihan. Napapikit ako habang dinadamdam ko ang pagkanta nila. It's very soothing to the bones and pleasing to the ears. I got chills at nadama ko talaga na nagsitayuan ang mga buhok sa aking batok at pangangalay sa aking mga paa. Mas naging kapanabik-nabik ang pagkanta nila noong sa chorus na dahil naghatmonize na sila. Ito narin ang hudyat na kailangan na naming maghanda dahil kami na ang susunod. Bukod doon kailangan ko na ding maghanda dahil ako ang mauuna sa mga kababaihan. It took seconds before the second verse. I took a deep breath and exhaled before ko pinakawalan ang tono sa aking bibig. Maayos kong binigkas bawat titik na aking kinakanta habang tumitingin sa mga audience na natatakpan ng ilaw kaya komyansa ako. Isang ngiti ang aking pinakawalan noong natapos ang aking linya. I bowed again para ihanda ang sarili para sa harmony sa chorus namin. Without alarums and excursions nagharmonize kami sa chorus. Just like what we practiced until the very end of the song na kaming lahat na ang nagharmonize. We ended the song with a vow and the lights fade. Agad kaming bumaba sa stage at umupo sa harap. Hindi na kami babalik sa roon dahil after nito ay mag-uumpisa na ang paligsahan. Tumayo na muna kami para awitin ang pambansang awit ng watawat at ang awit ng lungsod. Naupo kami pagkatapos ng kanta at bumulaga sa amin ang mga naggagandahang mga binibini habang soot nila ang kanilang two piece swimsuit. Naghiyawan ang mga tao at napuno ng palakpakan ang entablado. Nakita ko si Claire at ang ganda niya. Napasali narin ako sa hiyawan ng mga tao dahil sa ganda ng kanilang produksyon. "Claire Faith Lizarria, 18, Office Administration 1-A," sigaw nito at agad akong tumayo habang malakas na pumalakpak. "Go Claire!" Dinig ko sa aking likuran at nakita ko ang mga kaklase namin kaya kinawayan ko sila. Malakas na labanan talaga ito dahil ang gaganda nilang lahat. If I were to judge, mahihirapan talaga ako sa pagpili dahil lahat sila ay may ibat-ibang tinataglay talagang ganda at ang tatangkad pa. Napaupo ako ulit noong natapos na ang kanilang production numbers. "And now, let us here an inspirational message from the president of the sport's department. Let's give him a round of applause, please." "Pwede pa bantayan may pupuntahan lang ako," napabaling ako sa aking kanan noong narinig ko si Penelope na kinausap ang aking katabi. Marahang tumango ito at dali-daling umalis si Penelope papunta ata sa powder room, not sure. Siya namang pagdating ni Patrick kaya nginitian ko ito. Isang ngiti ang kanyang iginawad at may hinanap ito. "Hinahanap mo ba si Penelope?" Sabi ko dito. Lumapit ito sa akin dahil hindi nito narinig ang aking sinabi. "Ano?" "Si Penelope ba ang hinahanap mo?" Nasa likuran ko si Patrick habang nakahawak ito sa likuran ng aking inuupoan. Bumaba ito para hindi nito matakpan ang mga nanonood sa likuran kaya magkapantay lang ang aming mukha noong humarap ako dito. "Nasaan siya?" "Mukhang nag-cr ata?" Hindi ko siguradong sagot kaya napabaling ako dito. Natigil ako noong nakita kong napatigil si Penelope sa kanyang paglalakad. It's very clear the way I see her face the jealousy when she saw us. Naguilty ako kaya napaiwas ako ng tingin at bumaling na sa harap. Nadama ko ang pagtayo ni Patrick sa aking likuran. Kahit hindi ko tingnan ay kita ko ang dahan-dahang paglalakad ni Penelope pabalik sa kinauupoan nito habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD