CHAPTER 15

1297 Words
Chapter Fifteen - Support "Let us all welcome, candidate number 1." Sabay sabi ng emcee at nagkaroon ng ilaw ang buong entablado. Lumabas dito ang unang kandidata ng mr. and ms. intramurals. Napuno ng palakpakan ang buong court dahil sa magandang soot na gown at barong ng mga kandidata. Pagkatapos nito ay sinundan kaagad ng isang kanta galing kay contestant number ng singing contest. Nagpatuloy ang labanan at bawat labanan ay painit ng painit sapagkay hindi nagpapatalo bawat contestant. "Contestant number 10!" Sigaw ng emcee at malakas akong sumigaw kasabay ng mga kaklase lumabas dito si Claire na soot ang kanyang pangmalakasan na gown at hindi ko inexpect na mas maganda ang kanyang gown sa lahat ng nauna. Ang suot niyang gown ay mahahalintulad sa isinuot na gown ni Catriona Gray noong ipapasa na niya ang kanyang korona sa susunod na mananalo ng miss universe. Napahawak talaga ako sa aking batok dahil sa nagsitayuang balahibo sapagkat ang fierce niyang tignan habang naglalakad siya kasama ng kanyang partner sa entablado. "Candidate number 10, please be ready." Sabi ng babaeng guro kaya tumayo ako kaagad. "Good luck Nice," dinig kong sabi ni Patrick kaya napatigil ako sa paglalakad at tumingin dito. "Thank you Rick," ngiti ko dito. Makikita kong malungkot ang kanyang mga mata habang nakangiting tumitingin sa akin. Tumango ako kaagad at nagpaalam na sapagkat agaw kong magtagal sa harapan nila. Noong nakita kami ni Penelope kanina sa ganoong posisyon alam kong nagseselos ito. Kaya noong naupo ito sa kanyang upoan ay nadidinig ko ang mga mumunting bulungan at ang mga tonong pagalit. Nagiguilty ako kahit wala akong ginawa. Hindi ko alam kung bakit nadaraman ko ito. Maybe I can relate on what she feels inside, the attention that we all want. Bumuga nalang ako ng hangin nung narating ang likuran at winaksi ang mga iniisip na pwedeng maging sagabal sa aking pagkanta ngayon. I saw how gracefully Claire ended her portion at malakas akong pumalakpak sa likuran. Hudyat narin ito na ako ay maghanda para rin sa aking portion. "Nice!" Sigaw ni Claire noong nagkalapit kami. "Namiss kita kasi hindi kita nakita kanina," parang naiiyak nitong sabi. "Hindi kita mahanap dahil sa malakas na liwanag na kumukuha sa atin sa stage." "Ikaw talaga Claire palabiro," tugon ko dito. "Uy! Kinakabahan? Haha!" Tawa nito. "Siga ka! Hindi ka aani ng palakpakan diyan." "Pinipressure mo talaga ako nuh? Pero ang galing mo Claire!" "Ako pa! Joke lang. Kaya ikaw galingan mo rin kasi ginalingan ko iyon para sa iyo. I am always here Nice," at malakas niya akong niyakap. Parang nawala sa aking dibdib ang kaba na aking nadarama. At last, may nayakap narin ako upang sabihing may susuporta sa akin kahit hindi man ako manalo. May paghuhugutan ako ng lakas ng loob na lumaban sa entablado dahil may naniniwala sa akin. Isang matamis na ngiti ang iginawad namin sa isa't-isa bago kami kumalas sa pagyayakapan noong tinawag ang aking pangalan. Napakadilim noong una pero noong nagsimula na ang pagtugtug ng kanta ay unti-unting umilaw. Malakas na naghiyawan ang aking mga kaklase at dinig ko si Claire sa likuran kaya napangisi ako. Kahit hindi ko man kita ay sinubukan kong ngumiti at tumingin kung saan nakapwesto ako kanina malapit sa kanila. As soon as the drum hits the note of the song I started singing. Between Us by my favorite band, Little Mix is the one I chose because the song hits me differently. The lyrics itself showcases the ups and downs in our life and how we dealt it, together with the people who have helped us from the past to the present. Kahit malakas ang ilaw ng spotlight sa harap ay nakikita ko parin ang mga mumunting ilaw na nanggagaling sa mga cellphone na parang mga alon na nakikisabay sa tono ng aking kinakanta. I ended the song with the long note at the end and heard the roaring of claps as the lights faded off. Agad akong bumalik sa back stage at malakas akong niyakap ni Claire oagkarating ko. "Ang galing mo Nice!" "Hindi naman. Ginawa ko lang naman ang kailangan napressure mo ako eh," biro ko dito. "Totoo?" Hindi naniniwalang tumingin sa akin. "Pero kahit walang pressure, magaling ka parin." "Naku! Bolero ka talaga. Pero, salamat talaga at niyakap mo ako kanina dahil nawala ang kaba sa akin kanina. Ikaw? Sino yumakap sa iyo kanina?" "Ito Claire," napabaling ako sa aming presidente na binibigyan nito si Claire ng tubig. "Magkasama kayo kanina?" Nakangiti kong tanong sa kanila. "H-huh?" Pinamulahang sabi ni Claire. Bumaling naman ako kay President at taas baba ang aking nakita sa kanyang mga kilay tanda sa pagsang-ayon nito. Napailing nalang ako at natatawang tiningnan si Claire. "Kaya pala hindi mo na kailangan ng yakap galing sa akin Claire," tukso nito. "Anong hindi? Wala kayang yumakap sa akin kanina. Wala ka kasi," pagtatampo nito. "Hindi mo niyakap pres?" Tukso ko sa kanya. "Ano ka ba Nice?" "Bakit ka nahihiya kay Pres Claire? Hindi ka naman ganyan sa kanya ah?" "Bakit niya ako yayakapin?" "Ahh," napatango na lamang ako. "Oo nga naman hindi pala kayo." "Kailangan pa ba talagang sabihin Nice?" "Alis na muna pala ako. Tinatawag na ako. By the way, ang galing mo Nice at good luck Claire ikaw na ata ang mananalo," sabi nito sabay nagtinginan ang dalawa habang tumaas-baba ang kilay ni Pres na nakikipag-usap kay Claire. Hindi ko mapangisi sa kilig habang tumatango-tango si Claire dito. Nagpaalam na si Ores kaya kinawayan ko ito. Pagkabaling ni Claire ay agad niyang nakita ang ngisi sa aking mga labi. "A-Ano?" Pinamulahan na naman ang mga pisngi nito. "Wala Claire," sabi ko nito. Umupo kaagad kami sa harapan nung nagsimula ng inanunsyo ang mga mananalo. "And the winner for the Mr. & Ms. Intramurals is candidate number..." Then the drum rolled. "Number 10!" Agad kong niyakap si Claire noong inanunsyong siya ang panalo. Naghiyawan din ang mga kaklase ko sa aking likuran. "Congratulations Claire you deserve it! Ang galing mo kaya," napapaluha ako sa tuwa. "Thanks Nice! I can't believe it." "Sige na! Punta ka na doon nag-aantay na sa iyo ang korona." Nakatayo parin ako habang pinalakpakan ko ang kaibigang nanalo. She really deserve the crown and it fits perfectly on her. Kasama niyang kinoronahan ang kanyang kasamahan at naupo sila sa upoang nakalaan sa kanila. Agad namang tinawag ang mga nanalo sa singing contest. "The first runner up is..." The drum rolled. "The first runner up is Phenice Earth Parnells!" Agad akong napatayo at umani ng palakpakan. Agad kong tinanggap ang tropiyo ng aking pagkapanalo bilang first runner up. Napangiti ako kay Claire habang nakaupo ito sa harapan. "And the winner for this years Battle of the Voice is..." drum rolled. "The winner is Penelope Rollington!" Sigaw niya at malakas na pumalakpak ang mga tao. Napalakpak narin ako habang tinanggap niya ang tropiyo bilang kampyon ng battle of the voice. Kasama niya si Patrick na nagpunta sa entablado kaya umani sila ng ingay galing sa mga tao. Ang MVP at ang great vocalist, a perfect combination kumbaga. Napabaling ako kay Claire noong nadama kong isinoot niya ang soot niyang korona sa aking ulo. Tinanggal ko ito ngunit pinigilan niya ako. Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang ginagawa. "Mapagalitan tayo Claire." "No Nice! You're my queen! You are the winner." "Naku! Let's just accept it Claire. Nanalo naman ako. Thank you." At malakas na nagyayakapan kaming dalawa habang masayang nagtapos ang gabing ito. Para akong nasa ulap ngayon sapagkat kahit wala akong natanggap na suporta galing sa aking mga magulang ay nakatanggap naman ako ng suporta galing sa mga kaibigan at kakilalang tinuturing ko na ding pamilya. I have come to realized that there are also people that will support no mtter what when you're family can't support you anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD