CHAPTER 16

1165 Words
Chapter Sixteen - Audition "Queen Claire! Queen Claire! Queen Claire!" Sigaw ng mga kaklase namin habang tinutukso siya upang ilibre sila ng pagkain. Walang nagawa at napa-oo si Claire dahil ang ingay nila. Kinuyod ako ni Claire kung saan na aking ikinataka. "Walang kj mamaya Nice ha?" Napataas ang aking mga kilay. "Kaya pala? Uhh kilala mo naman siguro si papa Claire diba?" "Ako ang bahala kay tito. Minsan na nga lang tayo sumasali sa mga ganito tapos wala man lang after-party? Sige na! Ako na ang bahala kay tito promise! Sinabihan ko na rin si nanay na pupunta tayo sa hideout." "Sige na nga! Basta huwag niyo ako lasinging masyado." "Promise!" Nakangiti nitong sagot habang nakataas ang isang kamay. Umiling na lang ako at napangiti narin. "Congratulations pala Phenice! Ganda nung performance ah? Sali ka kaya sa international competition?" Sabat ng aking kaklase sabay yakap sa akin at kay Claire. "Oo nga?" Sinabayan ito kaagad ni Claire. "Naku! Kayo talaga. Kailangan ko pang humanap ng vocal coach para makatungtung sa international stage. Mahirap kaya." "Mahirap kapag pangungunahan mo Nice. You are just afraid kaya nasasabi mo iyan." "Wala pa sa isipan ko iyan." "Nawalan na kasi ng interes sa pagkanta itong si Phenice kaya nagkakaganito." Sabat ni Claire sabay hagod sa aking likuran. "Sayang naman?" "Hindi naman parati naman siyang kumakanta sa mga gig at masaya naman siya. Ayaw ko ding mawalay si Claire sa akin," ani nito sabay yakap aking likuran. I am trying to hold my tears as she hugged me tightly. Alam niya kasi kung bakit I was afraid to join any competition. Ang pagkanta nga lang sa hideout ang nagiging outlet ko upang ipalabas lahat ng aking nararamdaman. "Gotta go na pala," sabi nito sa amin. "Congratulations sa inyo." At niyakap kami ulit at umalis. "Huwag ka na maging emotional diyan." "Hindi naman talaga Claire. Hindi naman kasi nila alam kaya okay lang," mababa ang boses ko na sagot. "Nice? Bilisan mo diyan baka mahuli pa tayo ng papa mo." "Wait Claire malapit na ako." Agad kong isinoot ang malaking bota na nabili ko lang kahapon sa may tiangge. Isinukbit ang gitara sa aking balikat at inayos ang soot kong itim na jacket. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin, kaunting ayos at lumabas na kaagad ng kwarto. "Okay na ba ito Claire?" Sabay ikot ko para matingnan niya ang aking soot. "Oo okay na iyan Nice. Bilisan natin baka abutan pa tayo ng papa mo." "Phenice?" Agad kaming napabaling sa pintuan kung saan nanggaling ang boses ng aking ama. Dali-dali ko siyang hinatak papunta sa kusina kung saan may pintuan patungo sa labas. Mabuti nalang noong maisarado ko na ang pintuan ay siyang pagbukas ng pintuan ng sala namin. "Nasaan na kaya ang batang iyon? Gabi pa naman?" Biglang bumukas ang bintana malapit sa kintatayuan namin kaya agad kaming bumaba sa pagkakatayo. Pinipigilan namin ang aming hingal at ang aking dibdib ay kay lakas ng kabog. Nadama ko din ang pagtagos ng aking mga pawis sa noo papunta sa aking pisngi. "Pare?" Sigaw ng aking ama sa katabing bahay namin. "Nandiyan ba si Claire?" "Naku Siong! Wala siya dito. Bakit mo siya hinahanap?" Si aleng Nena ang sumagot kay papa. "Wala kasi si Phenice dito baka magkasama sila." "Mukhang magkasama iyon. Pinabantayan ko muna kasi ni Claire ang tindahan. Malamang nandoon din si Phenice." "Ah sige! Pakisabihan nalang si Phenice pagdating na hinanap ko siya kanina." "Sige Siong," sagot ni aleng Nena at sumarado ang bintana. "Bilis," sabi ni Claire at parang napalakas ang boses niya dahil tumigil anh bintana sa pagasara. Tumingin kami dito ulit at dahan-dahan itong bumukas. Agad akong hinatak ni Claire sa kung saan at nakita ko ang pagdungaw ni papa doon. Wala siyang nakita kaya masinsinan niyang tiningnan ang buong paligid bago ibinalik ang mga paningin sa aming kinaroroonan. "Muntikan na tayo doon Claire. Mabuti nalang," hingal kong sabi noong narating namin ang kanto malayo sa amin. "Para!" Agad na ikinaway ni Claire ang kamay sa papuntang tricycle. Tumigil ito sa tapat namin at agad na pinaharurot ang tricycle pagkaupo namin. Habang nasa daan kami ay panay ang punas ko sa aking noo at likuran dahil sa pawis. Hanggang ngayon kasi hinihingal parin ako. Tiningnan ko ang aking relo at mag-aalas sais na ng gabi. "Malapit ng magstart Nice," nag-aalalang sabi nito. "Manong? Aabot ba tayo sa Grand Cultural ng hindi pa alas sais?" Sabay baling dito. "Opo maam," sagot nito at binilisan ang takbo nito. "Bayad po manong," sabay abot ko dito ng bayad. "Kulang to neng," agad na protesta ng drayber. "Ano-" "Ito po," sabay dagdag ko ng isang bente pesos. "Salamat po." Kinaladkad ko kaagad si Claire. "Bakit mo binigyan Nice? Alam mo naman diba ang tamang presyo? Akala siguro niya hindi tayo nagtatricycle." "Okay lang iyon Nice. Atleast, nakatulong tayo at saka nagmadali kaya si manong para makaabot tayo dito ng wala pang alas sais. Tingnan mo?" Sabay pakita ko sa sa aking relo. Sakto namang pumatak ang alas sais kaya napatawa si Claire. "Sakto nga! Haha! Bilisan na natin Nice." Natatawa kaming tumakbo papunta sa loob ng Grand Cultural. Marami-rami narin ang mga tao sa labas kaya kaagad kaming pumasok sa loob. Aakyat pa lang ang emcee kay napahinga ako ng malalim. Mabuti nalang at hindi pa nagsisimula at agad kaming naghanap ng mauupoan. "Good evening ladies and gentlemen! Please prepare everything before you perform. Ibigay niyo na kaagad ang tapes kung magpeperform na ang nauna sa inyo. Okay contestant number 1, start." Tiningnan ko ang aking numero na may tatak na dobleng pito. Napatingin ako sa stage noong magsimula na ang tugtug ng kanta. Napapalakpak narin ako kasabay ng mga naroon upang i cheer ang nauna. Ilang contestant na ang nagdaan at nakakakaba sapagkat iilan sa kanila ay agad na pinapatigil kaya mas bumilis ang takbo ng numero. Iilan lang ang pinapatapos nila at ito ay nakakakaba. Ilang numero nalang at ako na ang susunod at hindi ko mapigilang kabahan baka patigilin ako sa pagkanta. "Please be ready maam," sabi sa akin ng lumapiit na lalaki kaya ko ito tinanguan. "Relax Nice! Kaya mo iyan," sabi ni Claire sabag hagod sa aking likuran. "Thanks Claire," sabi ko at malakas na hinawakan ang mainit na kamay ni Claire. "Ang lamig ng kamay mo Claire. Kalmahan mo lang. Trust me matatanggap ka." Agad akong umakyat ng stage noong tinawag ang aking pangalan. Bitbit ko ang aking gitara at nilingong muli si Claire. Isang ngiti ang aking pinakawalan bago humarap sa mikropono. "Good evening! I am Phenice Earth Parnells. 15 years old." Isa-isa kong tiningnan ang mga tao sa harapan ko at napatigil ako sa aking tinitingnan. Gulat ang aking mga mata nung makita ko ang aking ama sa likuran na nakatayo habang nakaekis ang mga kamay sa harapan nito. Ang mukha nitong seryoso at ang kilay na nakataas ay siyang nagpabaling sa akin kay Claire. Nagtatakang tumingin si Claire at nanlaki din ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD