CHAPTER 17

1260 Words
Chapter Seventeen - Iwanan "Start!" Sigaw ng direktor na nasa harapan. Kaagad kong kinaskas ang aking gitara kahit na nasa harapan ang aking ama. Tutol siya sa pagsali ko rito dahil gusto kong manawagan kay mama na nasa ibang bansa kapag nasa international stage na ako. Sabi niya sa aking nakakahiya daw ang aking ginagawa sapagkat hindi ko na dapat pang gawin ito dahil hindi na kami babalikan ni mama. Ngunit, nagmatigas ako. Ayaw kong makita ang aking ama sa ganitong estado na parati nalang lasing at umiiyak dahil sa aking inang hindi na umuuwi. It breaks my heart kapag naririnig kong kinakausap niya ang kanyang sarili para kumbinsihin lamang ang sarili na wala itong ibang pamilya o hindi kaya ay hindi ito napahamak sa trabaho sa labas ng bansa. My tears started to fall as I open my mouth as the song started. Hindi ko mapigilang maging emosyonal at wala na akong pakialam kung ano ang sabihin ng mga tao basta maipasok ko lang ito. Sabi nila, kapag sa mga ganitong audition nakakapasok ang ibang nag-audition dahil sa storya ng kanilang buhay o hindi kaya ay awa. Hindi ko man sadyang gawin ito ngunit parang umaabot parin sa punto na parang sadya ito. Hindi ko pinigilan ang aking sarili sa pag-iyak at tumingin ako sa aking ama. Sa aking pagdilat, nakita ko ang aking ama na seryoso ang mukha habang ang mga luha niya ay lumalandas, dahan-dahang bumababa sa kanyang mga pisngi. I quickly swallowed the lump on my throat and tried to focus on the song. I saw his hands clenched and tried to wipe all the tears streaming down his cheeks. He started to step forward slowly going to where I am standing. I dramatically swayed my head to stop him but still he advances his step towards in front of me. "Bumaba ka diyan Nice! Umuwi na tayo," mahinahon na sabi ni papa. Hindi ko ito pinakinggan kahit na pinagtitinginan na kami ng naroroon. Napatayo narin si Claire sa kanyang kinauupoan ngunit hindi niya alam ang gagawin. I closed my eyes and still performed in front and didn't mind what's happening. "Tigilan mo na iyan!" Sigaw niya. Napasinghap ang mga taong naroroon dahil sa pagsigaw ng aking ama. Dahil din sa aking gulat ay napatigil ako sa pagtugtug ng aking gitara. Hindi ako makagalaw habang papaakyat na ang aking ama sa malaking stage. Kinakabahan ang aking mga kamay habang inaantay ko ang gagawin ng aking ama. "Umuwi na tayo Nice," ulit niya at kinaladkad ako pababa. Nanlaban ako. "Hindi pa! Ayaw kong sumama sa iyo. Gusto kong sumali dito para sa iyo upang mahanap na natin si mama!" "Hindi ba pinagsabihan na kita Phenice? Wala ng saysay ang pagsali mo rito kaya bakit pinagpatuloy mo parin? Hali ka na?" Malakas niya akong kinaladkad at ako ay napadaing dahil sa mahigpit niyang kapit sa aking mga braso. Agad na pumagitna ang lalaking direktor sa aming dalawa. Napatingin ang aking ama dito gamit ang mukha niyang gakit at ang matutulos nitong mga mata. "Anong kailangan mo? Anak ko ito kaya magagawa ko lahat kung ano ang gusto ko." "Alam ko po sir pero nasasaktan ang anak niyo," sabay turo sa mga kamay ng ama . Agad namang napabitaw ang aking ama at nagmarka ang kamay niya sa aking braso. "You don't have to go so far like this para patigilin niyo ang anak mo sa pagkamit sa kanyang mga pangarap-" "Sino ka para manghimasok sa buhay namin?" "Please calm down sir. Sayang po ang anak niyo kung hindi niyo po siya pagbibigyan. Ang talento niya sa pagkanta ay hindi biro. May potensyal siya para maging isang mahusay na mang-aawit." "Tapos ano? Iiwan niya ako tukad ng aking asawa?" Hindi nakaimik ang direktor. Ako man din ay nagulat dahil sa kanyang ibinunuyag. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ayaw niya akong pasalihin dito dahil ayaw niyang iwanan ko siya kapag matatanggap ako. "Nice! Okay ka lang?" Agad akong napabaling kay Claire nung tinapik niya ang aking balikat. Kanina pa ata siya nag-aantay sa akin. "Let's go? Kanina pa ako may sinasabi ngunit hindi mo ako pinapakinggan." "Sorry Claire may naalala lang." "Naalala mo ang nangyari noon?" Tumango ako ngunit agad kaming napabaling kay Patrick nung bigla itong sumulpot sa aming harapan. "Congratulations Nice and to our miss intramurals," sabi nito sabay yuko na parang sinasamba si Claire "Ano ka ba Patrick! Huwag ka ngang ganyan," pabebe nitong sabi. "Siya nga pala, punta ka sa hideout may kaunting celebration. Of course, kailangang magcelebrate nitong childhood friend mo nuh!" "Uhh!" Natigilan si Patrick at nalilito siyang tumingin sa amin. "Ano kasi nagpahanda din si Penelope sa kanila baka susunod nalang?" "Until twelve kami!" Biglang sabi ni Claire. "Ano? Malalagot ako ni papa Claire," pigil ko dito. "Hindi mo ba magagawan ng paraan Rick? Kawawa naman itong kaibigan ko kung hindi ka pupunta. Ngayon nga lang kayo nagkakilala hindi mo man lang masamahan sa after-party?" "Ano ba Claire?" Natatawa kong tugon. "It's okay Patrick. Huwag mong alalahanin ang sinabi ni Claire naintindihan ko naman kaya enjoy!" Masaya kong sabi dito sabay baling kay Claire at siko sa kanyang braso. "Uhh wait," naguguluhang sabi ni Patrick habang patingin-tingin sa kanyang likuran. "I'll try to sneak out?" "Huh?" Gulat kong sabi. "Huwag na Rick baka nakainom ka na doon baka mapaano ka pa sa daan. Ikaw talaga Claire! Okay lang talaga Rick may susunod pa naman." Nagpipigil ng tawa si Patrick habang walang sinasabi. Napakagat ang kanyang mga labi kaya hindi ko mapigilang umiwas dito at humaling kay Claire. Kunwari ko siyang siniko at kinunotan ng noo. "Sige! Sa susunod na lang ako. Okay lang Nice?" Napabaling ako sa kanya. "Sure! No problem Rick." "Sure ka Nice?" Tukso sa akin ni Claire kaya kinunotan ko ito ng noo. "Okay lang talaga Rick. Tinatawag ka na ni Penelope," sabay turo ko sa kanyang likuran. Nginitian ko ito ngunit hindi niya ako sinuklian ng ngiti. Ngumiti lamang ito nung bumaling na ng tuluyan sa kanya si Patrick. Kinurot ni Claire ang aking likuran kaya napabaling ako sa kanya. "Anong problema ng babaeng iyan?" Bulong nito sa akin dahil sa lumalakas na tugtug. "Baka hindi tayo nakita dahil sa dim at malilikot na laser lights?" "Ewan ko!" "Congratulations guys!" Bungad sa amin ni Penelope nung nakalapit ito sa amin. "I didn't expect na mananalo ako. Kayo din!" Sabay yakap sa aming dalawa. Tumawa nalang din ako kahit nung yumakap siya sa akin ay parang nandiri ito. Kumalas ito sa amin at agad na niyakap ang nobyo sa aming harapan. Napaiwas nalang ako ng paningin. "Mauuna na pala kami guys coz' we will have our after-party," masaya nitong tugon. "How about you guys? You want to go?" Anyaya niya sa amin. "Maraming salamat pero may after-party din kami," mataray na sabi ni Claire ngunit ngumisi ito upang itago ang iritasyon. "Nice! Sige, we gotta go baka malate na kami. Let's go babe?" Sabay tingin kay Patrick. Tumango naman si Patrick. "Sige. Mauuna na kami?" Sabay turo sa labas. "Sige! Enjoy kayo," sabay naming sabi at agad tinahak ni Penelope si Patrick. "Napapansin kaya ni Patrick ang ugali ng girlfriend niya?" "She's nice ni front of Patrick Claire," sabi ko dito sabay iling. Sinundan ko itong palayo sa amin. I smiled bitterly coz' to be honest gusto ko ding pumunta siya sa after-party pero ayaw ko maging makasarili. Patrick turned his gazed and he whispered something but I didn't get it that's why I was left with a lot of questions bugging into my mind on what Patrick whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD