CHAPTER 18

1631 Words
Chapter Eighteen - A Celebration with You "Cheers!" Sabay-sabay naming sigaw nung tinoast namin ang mga bote ng beer. Pang-ilang toast na namin ito at ang iba ay subsub na sa ibabaw ng mesa. Nakaupo lamang ako habang tinitingnan ko ang iba naming kaklase na sumasayaw na sa gitna habang pinapatugtug ang upbeat music. Mainit narin sa paligid kahit gabi na kaya tumingin-tingin ako sa labas kung saan pwedeng magpahangin at agad akong tumayo nung makakita ng maganda pagstayhan. "Saan ka pupunta Nice?" Agad na pumigil ang mga kamay ni Claire sa aking mga braso upang makapunta doon. "Huwag mo akong iwanan dito." "Ako ng bahala sa kanya Nice," sabat ni President at kaagad na inalalayan ang kamay ni Claire na kinuha sa akin braso. "Maraming salamat, Pres. Magpapahangin lang ako sa labas kasi naiinitan na ako," paalam ko na kanya namang ikinatango kaya umalis na ako doon kaagad. Bumungad sa akin ang malamig na hangin na siyang dahilan kung bakit napayakap ako sa aking sarili. Dahan-dahan akong umupo sa isang kinakalawang na swing at napaigtad ako sa lamig ng metal na tumatama sa aking mga braso. Napabuga na lang ako ng hangin habang tinitingnan ang mga usok na lumalabas sa aking bibig papunta sa kalangitan kaya napatingala ako. Agad akong napabalikwas ng tayo nung biglang may dumapong malamig na kamay sa aking mga balikat. "Chill Nice. Ako lang ito," natatawang sabi ni Patrick sa akin habang may mga dala. Napapikit ako habang kinakalma ang aking sarili. "Walang'ya ka Rick! Nagulat kaya ako baka kung sino pa iyon," hawak ko parin ang aking dibdib. "Hindi ka lasing?" Agad akong lumapit dito ng ilang dangkal at inamoy ang kanyang hininga. Napalayo naman siya ng kaunti dahil sa pagkabigka ng aking ginawa. Napasinghot ako uli at wala akong naamoy na alak galing sa kanya. "Tapos na ba ang after-party ni Penelope?" Takang tanong ko. "Tumakas ako," kibit-balikat na sagot nito sabay upo sa katabing swing. "Nagpaalam naman akong uuwi na-" "Pero hindi ka umuwi? Baka magalit iyon." Sabat ko sa kanya. "Magagalit lamang kung ipapaalam mo?" "Hindi lang ako ang nakakita sa iyo dito. Maraming tao sa loob baka isumbong ka nila?" "Tayo nalang ang mag-iinumang dalawa. Okay lang ba iyon?" "H-Huh?" Hindi ako kaagad nakapagsalita. Biglang umikot na naman ang aking imahinasyon tungkol sa aming dalawa na nag-iinuman. Hindi naman siguro masama kung mag-iinuman kaming dalawa dahil magkaibigan lang naman kami. Pero naiisip ko rin kapag nalasing kaming dalawa baka hindi namin alam ang mga pinanggagawa tapos kinabukasan makikita nalang namin ang sarili na nakahubad sa ibabaw ng kama. Napalunok ako sa aking iniisip. Humalakhak si Patrick. "Bakit hindi ka nakaimik? Napalunok ka pa at nakikita kong kinakabahan ka Nice? Anong tumatakbo diyan sa isip mo?" "W-Wala," agad kong tanggi at napaiwas ng tingin sa kanya. Mabuti nalang siguro at hindi gaanong malapit sa amin ang poste baka nakita na niya ang namumula kong pisngi. "Hindi ba sabi ko sa iyo kanina na pupunta ako?" Ani nito kaya napabaling ako ulit. "Hindi ko maalalang sinabi mo iyan. Ang sabi mo sa susunod nalang?" "Hindi! Sinabihan kita noong paalis na kami ni Penelope." "Saan dun?" At inalala ang nangyari kanina. "Ahh! Iyong binulong mo na hindi ko man lang nakuha? May pa bulong-bulong ka oang nalaman." "Baka kasi madinig ako ni Penelope." "Bakit? Natatakot kang madinig niya kasi magagalit siya sa iyo?" "Mamaya na natin pag-usapan iyan," ani niya sabay akbay sa akin. "Kaya nga kailangan ko ng kainuman kasi I want to free myself sometimes," ani nito sabay baling sa akin at ngumiti. "Bakit hindi ka makipag-inuman kay Wawang at Naynay?" "Hinahanap mo na naman si Wawang, Nice? Nandito naman ako," tukso niya sa akin. Hindi ko naman napigilang mapangisi. "Doon ka sa kanila makipag-inuman hindi sa akin kung naghahanap ka lang pala ng malalabasan." "Anong malalabasan ka diyan?" Painosente niyang tanong kaya nagmukhang dirty ang sinasabi ko. Kinurot ko siya kaya napadaing siyang tumatawa. "Ang ibig kong sabihin magpalabas ng damdamin o ano mang bumabagabag sa iyo." "Hindi ba pwedeng ikaw nalang?" Seryoso nitong sabi habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi agad ako nakasagot at napatitig na lamang ako sa kanya. Para kasing iba ang dating nung sinabi niya sa akin. Ewan ko pero kaagad kong ibinaling ang aking mukha noong napagtanto kong masyado na pala akong nakatitig sa kanya habang malapit kami sa isa't-isa dahil sa pag-akbay niya. "Busy kasi sila tapos parati nalang nila akong binibiro. Kaya sige na Nice hindi naman kita lalasingin." "Tapos ikaw maglalasing?" Protesta ko sabay kuha sa kanyang mga kamay na nakaakbay sa akin. "Oo bakit hindi ba pwede Nice?" "Paano ka makakauwi niyan Patrick? Baka ano pa ang mangyari sa iyo. Mabuti pa ay huwag nalang kaya tayo uminom?" "Joke lang! Sarap mong asarin. Hindi naman ako maglalasing. Hindi ba pwedeng makitulog sa inyo?" "A-Ano? Makikitulog ka sa amin? Ano kasi. Si papa kasi, hindi ba nagkita na kayo?" "Oo bakit? Hindi ba siya papayag?" "Wala pa kasi akong dinala sa bahay bukod kay Claire." "Kung wala ang papa mo? Payag ka ba?" Napalunok ako ng wala sa oras. "A-Anong ibig mong sabihin Rick?" "Payag ka bang magtatabi tayong dalawa sa kama? Magkaibigan naman tayo?" "A-Ahh," hindi ko siya maintindihan kasi makikitulog lang naman siya. "Baka pwede?" "Hindi ka ba natatakot kasi lasing na tayo niyan?" Sabi niya na parang inaakit ako. Agad ko siyang sinapak at humalakhak siya ng malakas. "Sige! Paglaruan mo pa ako Rick Hindi na talaga kita papansinin." "Joke lang naman. Ito naman parang hindi tunay na kaibigan," ani niya at umakbay ulit sa akin. "Tara na nga?" Kinaladkad niya ako hanggang sa marating namin ang kanyang sasakyan. Walang nagawa abg aking pagprotesta sa kanya dahil ang lakas niyang manghatak. Inikot-ikot ko ang aking leeg sapagkat malakas ang pagkakapit niya dito. "Ang sakit sa leeg Rick," protesta ki sa kanya. Inayos niya naman ang likuran ng kanyang pick-up para doon kami maupo. "Ang likot mo kasi. Kung hindi ka na sana nagprotesta edi hindi iyan masakit." "Sinong bang hindi magrereklamo kung makahatak ka naman leeg talaga?" "Namiss lang naman kita kaya hayaan mo na," nakangiti nitong sabi. "Upo na tayo?" Nahirapan pa akong umupo sa kanyang sasakyan kaya tinawanan niya ako. Umupo kaming pinagitnaan ang mga dala niyang inumin. Tinanggal niya muna ang kanyang soot na jacket habang ako naman ay lamig na yumayakap sa sarili "Suotin mo muna ito. Kanina kapa kasi nilalamig kaya inaakbayan kita." Sabi nuya sabay bigay sa kanyang hinubad na jacket. "Maraming salamat Rick," ani ko noong kinuha ito galing sa kanya. "If you don't mind?" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. May hawak siyang sigarilyo at lighter. "Sure! Naninigarilyo ka pala?" Gulat kong tanong kasi parang wala sa kanya na may bisyo ito. "Once in a blue moon lang naman." "Alam mo naman dibang nakakasama iyan sa katawan?" "Hindi namam madalas Nice. I just smoke kapag nenerbyos ako. Ang dami kasing problema sa bahay," tapat nito sa akin kaya tumahimik na muna ako. Nakiramdam na muna ako habang siya ay bumubuga ng usok. "Does that make you fine?" Tumango ito. "Huwag dalasan Rick," paalala ko sa kanya. "Yes ma'am! Ikaw na mauna?" Sabay lahad ng alak. "Ako talaga?" Inikotan ko ito ng mata. "Sige na nga," agad ko itong tinungga. Sakto lang ang pagkakatimpla ng alak at ang init nito sa lalamunan. "Ano bang problema mo baka makatulong?" "Just about my girlfriend," tanging sagot nito. "Akala ko sa bahay niyo?" Hindi ito tumingin sa akin habang bumubuga ng sigarilyo. "I don't know pero nag-iba na siya parti na siyang napapraning. Hindi naman sya ganyan noon pero simula noong makilala kita she's always talking about you." Napatikom na lamang ako ng bibig dahil parang ako pa ang naging dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway. "Hindi kita sinisisi ha? Pero sumobra naman siya kasi kaibigan lang naman tayong dalawa. Wala naman tayong nararamdaman sa isa't-isa." Napakagat ako sa aking mga labi. Kanina pa ako umiinom ng alak sa loob at malamang sa malamang ilang inom nalang ay matatamaan na ako. At ayaw kong dumating sa punto na hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. Kahit na sumisikip ang aking dibdib sa hindi malamang rason ay tinanguan ko na lamang ito. "I think, kailangan niyong pag-usapang mabuti iyan Rick. Para mapanatag si Penelope na magkaibigan lang talaga tayo. And we will never dare at wala sa isip natin ang mga ganyang bagay kasi magkaibigan lang naman tayo," parang lutang kong sabi sa kanya. Nakapagbigay pa ako ng advice kahit na labag sa aking loob kahit iyon naman talaga ang nasa isip ko. "Siguro nga. Lately kasi hindi na kami masyadong nagkasama dahil sa pag-aaral namin," sabi nito sabay buntong hininga. "Umiiyak ka ba?" Tanong niya sa akin noong humarap siya sa akin "A-Ano? Anong umiiyak ka diyan? Wala kaya," sabay hawak sa aking mga mata para tingnan kung may luha ba. Pinahid ko ang ilang butil at hindi ko alam kung bakit nandiyan sila. Nagkunwari akong humikab para hindi ito mapansin ni Patrick. "Wala naman," at humikab ako ulit. "Parang kasi. O baka inaantok ka na? Kakasimula palang nating mag-inuman tapos uuwi ka na?," "Ang tagal mo kasi Rick. Pero maaga pa naman ata? Twelve ang sabi ni Claire na uuwi kami." "May isang oras pa tayo. Shot ka muna," sabay bigay ng inumin. "Parang hindi pa kita nakitang uminom Rick. Ang daya mo naman, inumin mk na iyan." "Uminom na ako kanina. Hindi mo lang kita kasi umiiyak ka." "Anong iyak ka diyan? Hindi kaya." Nakakunot ang aking noo habang tinatanggihan siya. "May nararamdaman ka ba sa akin?" Diretsa niyang tanong na ikinapipi ko. Hindi ko alam ang aking isasagot sa kanya dahil sa aking pagkabigla. Paano niya natanong sa akin ito. 'Masyado bang pansin na may nararamdaman nga ako sa kanya?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD