Chapter Nineteen - Napagkamalan
"Hindi ko alam pero palagi kitang naiisip."
"Nice! Matulog ka na. May trabaho pa bukas," sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa kisame.
Madilim na ang aking kwarto at ang tanging ilaw na nagpapaliwanag dito ay ang ilaw na galing sa poste na tumatagos sa aking bintana. Kanina pa ako hindi makatulog sa kakaisip sa sinabi ni Patrick bago niya kami ihatid dito sa bahay. Mga isang oras na siguro ang lumipas noong nahiga ako dito sa kama ngunit hindi ko magawang umidlip ng tulog man lang.
Ala una e midya na noong tingnan ko ang orasan at napasabunot ako sa aking sarili baka matatagalan ako sa paggising nito. Kinuha ko ang aking lumang selpon upang ipatugtug ang aking paboritong kanta para tulungan akong matulog. Napahugot ako ng malalim na hininga habang ninanamnam ang mahinang tempo ng kanta ngunit kahit sabayan ko pa ito ay hindi ako makatulog. Agad ko itong pinatay at bumangon sa kama.
"Ma? Sana nandito ka po," bulong ko sa hangin nung nakalapit ako sa bintana. "May mapagsasabihan sana ako sa aking mga sekreto bago tayo matulog. May hahagod sana sa aking buhok habang binibigyan ako ng payo. At sana, may kaagapay kami ni papa upang pagtutulongan ang mga problemang nasa harapan natin," napangiti na lamang ako.
Hindi ko magawang magalit sa aking ina dahil hindi ko alam ang buong katotohanan. Hindi ko alam ang rason kung bakit hindi na bumabalik si mama at kung bakit hindi na niya kami tinatawagan man lanag. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya doon, kung maayos ba siya o hindi.
"Ma? Naalala niyo pa si Patrick? Iyong kalaro ko po noon. Ma, nasa iisang campus po kami at sikat po siya dahil isa siyang basketball player. Matinik sa mga babae ma pero may girlfriend na po siya ma. Iyon na nga ma, naguguluhan ako dahil nagtapat siya sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o kung may nararamdaman siya?"
Napabuntong nalang ako ng hininga habang binubulong ang mga kataga sa hangin. Umihip ang malamig na hangin na nanuot sa aking balat at tila hinele ako upang akoy mapanatag. Napahikab ako kaya bumalik ako sa aking higaan.
"Maraming salamat ma," bulong ko ulit at nahiga sa kama.
"Good morning Claire!" Bati ko nung nadatnan ko itong nakasubsub ang mukha sa mesa.
Pinupunasan ko ngayon ang mga lamesa dito sa hideout. Tuwing weekend kasi ay pumapasok ako dito at tumutulong sa mga gawain nila ni Claire. Sa umaga tumutulong ako sa kanila at sa gabi naman ay tumutugtug ako. Kailangan ko kasing kumayod para makakain kami ni papa.
Si papa naman parang wala ng plano pang maghanap ng trabaho kasi nawalan na siya ng interes para mabuhay. Pero kahit nakikita kong niinip na siya sa kanyang buhay ay pinapakita ko parin sa kanya na nandito pa ako sa kanyang tabi. At mananatili ako sa kanyang piling para mabigyan siya ng pag-asang ipagpatuloy ang buhay niya.
"Good morning," pamilyar ang boses kaya napabaling ako dito.
Nanlaki ang aking mga mata habang ang aking bibig ay nakanganga. Hindi ko inaasahang pupunta siya ngayon. "Rick? Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto ko lang na makausap ka," nakangiting sabi nito.
Napatikhim naman si Claire kaya napatingin ako dito. "Uhh," sabay baling ulit kay Patrick. "May nakaligtaan ka bang sabihin?"
"Wala naman. Pwede na bang maka order ng pagkain?" Pag-iiba niya ng topic sabay upo sa pinupunasan kong lamesa.
"Oo wait," agad akong nagtungo sa counter kung saan nakasubsub ang mukha ni Claire.
"Maasikaso ah?" Bulong nitong sabi.
"Gusto mong hayaan ko nalag ang cuatomer natin?" Pagtataray ko dito.
"Teka!" Natawa ito at umayos ng upo. "Hindi naman iyang ang punto ko Nice. Ang akin lang kalma lang Nice. Si Patrick lang iyang sinisilbihan mo para ka kasing ngarag diyan kung nagmamadali."
"Alam mo Claire? Matulog ka na lang ukit diyan. Dami mong alam," kuha ko sa menu at tinalikuran ito kaagad.
"Hindi ko alam pero palagi kitang naiisip," sabi nito sapat lang para ako ay matigil sa paghakbang.
Napatingin ako ulit dito at humakbang pabalik na nalatalikod. "Anong sabi mo?" Pinagningkitan ko ito ng mata.
"Wala naman akong sinasabi Nice. Parang sira ito."
"Hindi ako naniniwala," at inikotan ko ito ng mata. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
"Hindi ako nakatulog kaagad kagabi Claire," ginaya niya pa ang sinabi ko kanina.
Napabuga nalang ako ng hininga at napailing nalang na ibinigay kay Patrick ang menu. Napakunot naman ang kanyang noo dahil sa aking pag-iling kaya inilingan ko nalang ito ulit. "Wala si Claire kasi."
"Siya nga pala, kumusta hang over mo?"
"Ikaw kaya ang nalasing kagabi. Buti nakauwi ka pa?"
"Ikaw ang mas maraming nainom Nice. Mabuti nalang at hindi ka pinagalitan ng papa mo?"
"Himala nga at hindi ako pinagalitan niya. Baka kasi nakikita niya rin sigurong may pinagmanahan," biro ko dito. "Ikaw? Hindi ka ba pinagalitan ng mama mo? Ang papa mo? Strikto pa naman iyon," tanong ko sa kanya ngunit parang binalewala niya ito
Binuklat ang menu bagonako sinagot. "Hindi naman. Aside sa pinagalitan ako ni mama. Mahimbing akong natulog kagabi."
"Mabuti ka pa," kaagad kong sabinat bigla kong kinagat ang aking labi.
"Bakit? Hindi ka ba nakatulog kaagad kagabi?" Tanong nito habang palipat-lipat ang mga mata sa menu at sa akin.
"Uhh," hindi ako kaagad nakasagot. Napakurap-kurap ang aking mga mata upang maghanap ng palusot. "Ano kasi, sumakit ang ulo ko. Oo, kaya hindi ako kaagad nakatulog."
"Hindi ka ba uminom ng mainit na tubig o hindi kaya ay cup noodles para naman mawala ang hangover mo?"
"Hindi na tinamad ako," sagot ko na hindi magawang tingnan siya sa kanyang mga mata. "Ano pala ang order mo?"
"Itong set a at b. Iyan lang at saka coke ang drinks."
"Dami ah! Gutom ka na?" Biro ko dito.
"Sabayan mo ako kaya dinami ko na ang order."
"Huh? Hidni pwede kasi nagtatrabaho ako dito Rick."
"Sige na. Wala pa namang customer. Claire?" Tawag nito kay Claire.
Agad itong bumaling sa amin noong tiningnan ko. "Mag-aalmusal tayo. Nahihiya pa kasi itong si Phenice."
"Sure! Hindi ako aayaw Patrick," sigaw ni Claire.
Napailing na lamang ako habang napakamot sa aking ulo. "Ito lang ba?" Ulit ko sa kanya ng mga inorder.
"Baka gusto mong umorder pa ng iba?"
"Huwag na madami na ito. Salamat Rick."
"No problem Nice," matamis ang mga ngiti nito at naalala ko na naman ang unang tagpo namin.
Napailing ako. This is why i hate myself kasi hindi ko namamalayang pinamulahan na ako ng mukha dahil sa aking mga iniisip. Agad akong nagtungo sa kusina upang ibigay ang mga lista sa kina aleng Nena na nasa kusina.
"May customer na ba?" Tanong sa akin habang busy ito sa pagluluto.
"Si Patrick po," sabi ko dito sabay dikit sa papel kung saan sinulat ko ang order.
"Siya ba iyong naghatid sa inyo noon nung pinangakoan ko?" Mukhang naexcite pa si aleng Nena.
"Oo siya po. Bakit po?"
"Kanor! Damihan mo ng spices baka hindi iyon hilig na tinitipid ang mga spices ng pagkain," sigaw nito sa asawang busy naman sa kakahiwa ng mga spices.
"Sabihan mo na hija na mag-antay ng mga ilang minuto dahil kailangan pa namin siyang lutuan ng bago."
"Haha! Pwede naman pong huwag nalang-"
"Dapat special kasi magiging jowa mo na iyon."
"Ho?" Napaatras ako bigla sa gulat. "Anong jowa po? Hindi po kami magjowa aleng Nena."
"Kayo talaga nililihim niyo pa. Narinig ko kasi kay Claire nung nag-usap sila ni Totoy tungkol sa inyong dalawa nung naghubad daw si Patrick ng damit tapos nasa likuran kayo nagtungo? Iyon lang ang narinig ko kasi bigla nilang hininaan ang kanilang boses."
Natawa ako habang umiiling upang ipagkait na hindi ito totoo. "Hindi po talaga aleng Nena."
"Ay! Phenice dumaan na kami ni Kanor diyan kaya hindi mo na kami mabobola pa."
"Gawain ko din iyan noon hija," sabat naman ng ama ni Claire.
"Huwag ka ngang maingay Kanor baka saan pa mapunta ang usapan. Gagayahin pa tayo nila. Sige na hija, puntahan mo na si Patrick at sabihan mong parating na ang pagkain."
Wala na akong nagawa at tinanguan nalang ito habang natatawa. Agad akong nagtungo kung saan nag-uusap pa si Claire at Patrick. Napatingin sila sa akin kaya biglang natigil ang kanilang pag-uusap.
"Aong pinag-usapan niyo sa kusina?" Naniningkit ang mga mata ni Claire. "Nadinig ko ang pangalan kong binanggit ni mama. Anong meron?"
"Wala," tanggi ko dito. Bumaling naman ako kay Patrick, "niluluto pa kaya antay nalang daw ng ilang minuto."
"Nagluto sila ng bago?" Gulat na sabi ni Claire.
"Oo nangako kasi ang mama mo noon diba nung hinatid tayo sa bahay nung lasing ka? Kaya ayon, kailangan daw mas masarap," sabay upo sa tabi ni Claire.
"Kaya pala. Pero narinig kong jowa daw? Hindi ako sure."
"Tangi! Dahil sa iyo napagkamalan kaming magjowa ni Patrick," sabay baling ko kay Patrick na natatawa naman.
"Paano?" Natawa narin si Claire.
"Malamang nakipagtsismisan ka kay totoy nun tapos narinig ka ng nanay mo. Iba pa ang pagkakaintindi nung naghubad si Patrick ng damit tas nagtungo sa likuran ng sasakyan."
Malakas na bumuhakhak si Claire. "Iyon ang sabi ni mama?"
"Anong sabi ni mama?" Napalingon kami sa likuran kung saan dala na nito ang pagkain.
"Ang bilis naman ma?" Natatawa pang sabi ni Claire sa ina.
"Oo naman para sa magiging jowa ni Phenice."
Si Patrick na ang natawa ngayon. "Ma! Hindi po pwede kasi may girlfriend na po itong si Patrick. Nakakatawa ka kapag nakitsismis ka ma," naluluha na ang kanyang mga mata.
"Hindi pala?" Sabay baling sa akin na mariin kong ikinailing. "Kaya pala tumanggi ka kanina. Padensya ka na hija kung napagkamalan ko kayong dalawa. Hijo, ito na," sabay lapag sa mga pagkain. " Sana magustuhan mo."
"Maraming salamat po," ani naman ni Patrick.
"Anong ginagawa mo pa dito Claire," napatingin naman kami kay Claire.
"Malamang ma nakikain," ani nito sabay kuha ng pagkain.
"Nakakahiya sa customer natin Claire. Mabuti pa ay maggrocery ka na muna," ani nito at napangiti sa aming bumaling.
"Ma! Kumakain nga ako."
"Ako nalang po aleng Nena," presenta ko.
"Gagi ka Nice! Ikaw na nga itong nilibre ni Patrick."
"Kami nalang po mamaya ni Phenice," sabat naman ni Patrick na ikinatahimik namin.
"Hijo huwag na. Nakakahiya naman sa ito. Huwag na sila Claire nalang at Phenice."
"Okay lang po talaga. Wala naman akong ginagawa at saka gusto ko ding makasama si Phenice. Friendly date lang naman."
"Ooh!" Napatingin kami kay Claire nung malakas itong napasinghap. "Third wheel ako nito?" Biro niya.
"Nakakahiya naman pero maraming salamat hijo."
"Walang anuman po."
"Sige, babalik na ako sa kusina. Pakabusog ka hijo."
"Kain po tayo aleng Nena," anyaya naman ni Patrick.
"Maraming salamat hijo. Busog pa naman ako. Sige," paalam nito at agad kaming tinalikuran.
"Sasama nalang siguro ako sa inyo para sa mga groceries," ani ni Claire habang nagsisimula ng kumain.
"O sige ba. Ikaw Nice? Hindi ka pa kakain? Ito," at binigyan niya pa ako ng kanin.
Tumikhim naman si Claire kaya napatingin kami dito. "Wala. Ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo," sagot nito habang tinatago ang ngiti sa labi.