CHAPTER 20

1156 Words
Chapter 20 - Memories "Mauuna na ako sa inyo Nice. Ako na ang bahala dito sa mga pinamili natin." Agad akong napabaling kay Claire. "Huh? Sabay nalang tayong dalawa mabigat pa naman iyan." "Huwag na! Ano kasi," ani nito sabay turo sa kanyang likuran kaya napatingin ako dito. Napatango ako habang nakangisi ang mga labing tinitingnan si Pres na papunta sa amin. Agad kong ibinalik ang aking mga mata kay Claire at tinutuksong pinagningkitan ng mga mata. "What's the real score Claire?" "Wala," tanggi sa akin habang umiiling. "Sige na mauuna na ako sa inyo. Ingatan mo itong kaibigan ko. Iuwi mo ng maaga sa kanila baka mapagalitan iyan," paalala naman niya kay Patrick na ikinakunot ng aking noo. "Huh? Anong sinasabi mo," hindi ko mapigilang mapangisi. "Baka ikaw Claire umuwi ka ng maaga baka saan pa punta niyo ni Pres." "Hindi! Haha!" Natatawa nitong tugon. "Sige na baka mauuna na ako sa inyo," paalam niya habang tinutulungan siya ni Pres. "Iuwi mo iyan ng maayos Pres," sabi ko. "Oo naman. Palagi ko naman itong iniuwi ng maayos sa kanila." "Bakit walang sinasabi sa akin si Claire?" Natawa silang dalawa. "Sige na Nice mauuna na kami," lumapit ito at nakipagyakapan. "Bye Patrick!" "Sige ingat kayo. Sige Pres ingat," sabi naman ni Patrick na ikinatango nila. Tiningnan namin ang pag-alis nilang dalawa habang naiwan naman kaming dalawa dito ni Patrick. Bakit ba naman kasi nagpasundo si Claire kay Pres kung may sasakyan naman si Patrick. Labo nitong ni Claire siguro may date pa silang dalawa." "Tara?" Biglang tanong ni Patrick kaya napabaling ako dito. "Tara! Bakit nagpasundo pa iyon kung uuwi na tayo. Sa hideout mo lang pala ako i-drop Rick kasi mamayang gabi pa ang uwi ko may gig na naman mamaya," sabi ko dito habang binubuksan ang front seat. Umikot naman ito papunta sa driver seat at binuksan ito. Agad akong naupo sa malambot nitong upoan at hinila ang belts at marahan itong ikinabig sa kabilang dako ng upoan. Agad niyang pinaandar ang sasakyan noong maayos siyang nakaupo. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan papunta kung saan namin tinahak ang sasakyan kanina. Nadama ko ang katawang hinihila ng malambot na upoan habang ang mga mata ay papikit-pikit. "Rick? Gisingin mo na lang ako kapag nakarating na ako. Iidlip muna ako," paalam ko sa kanya. "Sige. Baka gusto mong i-adjust natin ang upoan mo para makatulog ka ng maayos?" "Okay lang, huwag na." Iyon lamang ang huling salita na aking binigkas bago tuluyang pumikit ang aking mga talukap para matulog. Nagising ako nung umaalog-alog ang sasakyan ni Patrick kaya idinilat ko ang aking mga mata para tingnan kung nasaan kami. Wala namang rough road kaming dadaanan kaya bakit umaalog-alog itong sasakyan. Napakunot ang aking mga mata habang binabaybay ko ang aking mga mata sa paligid na aming dinadaanan. Hindi pamilyar ang daan na tinatahak ni Patrick kaya napaayos ako ng upo. Marahan kong kinuskos ang aking mga mata baka ako ay namamalikmata. "Gising ka na pala. Nagising ba kita dahil malikot ang sasakyan?" Tumango ako. "Saan na ba tayo? Hindi naman siguro ito ibang shortcut papuntang hideout?" "Hindi Nice," tanggi nito kaya ako napabaling. "Chill! Gala muna tayo," natatawa nitong sabi. "Nagpaalam na ako kay Claire kaya nauna siyang umuwi." Napakunot man ang aking noo pero unti-unti kong naintindihan ang kanyang sinasabi kaya napatango ako dito. Hindi na ako umimik pa at tiningnan nalang ang daan kung saan kami papunta. Pamilyar ako sa daan at papunta ito sa simbahan. "Bakit natahimik ka Nice, ayaw mo ba?" "Hindi! I mean," bumaling ako dito at ngumiti. "Wala akong masabi kaya hindi nalang ako umimik. At saka, papuntang simbahan ito diba?" Tumango ito. "Anong gagawin natin doon?" "Uhh papasok ng simbahan para magdasal?" "Alam ko," napangisi ako ulit. "Ang ibig kong sabihin-" "I want to date you," biglaan nitong sabi. Napaawang ang aking bibig habang kumukurap-kurap ang mga mata. Hindi ko alam kung bingi ba ako o sadyang may naiisip ako at ito ang tumatak sa aking isipan. Agad kong iniwas ang aking paningin dahil hindi ko naintindihan ang kanyang sinasabim "I mean, as a friend. Friendly date ganoon," bawi nito. "Ahh! Akala ko kasi guni-guni ko lang iyon. How about Penelope? Baka hinanap ka na noon?" Tanong ko. "Here we are," ani nito at naabala ito sa pagpark sa kanyang sasakyan hindi man lang sinagot ang aking tanong. "Ano nga ulit ang tanong mo?" Baling nito sa akin at saka pinatay ang sasakyan. "Wala," 'alam naman siguro ni Penelope ang lakad niya?' isip-isip ko. "Tara," tumango ako at agad na lumabas. Maraming tao sa park at mostly ay magkapamilya. Weekend kasi ngayon kaya mas mabuting igala ang mga bata para makapagbonding naman. Napangiti ako habang tinitingnan ang isang pamilya na nagpaalala sa akin noong buo pa kami. "Okay ka lang?" Tawag ng pansin ni Patrick sa akin habang kinakaway ang kamay sa aking harapan. "Oo naman," ngiti ko dito at tiningnang muli ang magpamilya na nakaupo sa bermuda grass bago tuluyang sumunod kay Patrick. "Ito. Kandila para sa iyo," sabay bigay ni Patrick sa akin ng pula na kandila. "Maraming salamat," ani ko at lumapit sa isang malaking kahon kung saan nakatarok ang maraming kandila. Agad akong tumabi nung nailagay ko na ang nakasinding kandila. Agad kong ipinikit ang aking mga mata upang magdasal. Nadama ko rin na nagsimula ng manalangin si Patrick kasi tumabi siya at tumatama ang kanyang braso sa akin. Wala na akong ibang mahihiling pa sa Panginoon kung hindi ang kalusugan ng aking ama, ng mga taong tumutulong palagi sa amin, at sa buong sanlibutan. Nagpapasalamat narin ako sa pang-araw-araw niyang gabay at pagpapatawad sa mga kasal-anang aking nagawa. Bago ko idilat ang aking mga mata ay nag sign of the cross ako. "Ang taimtim ng panalangin natin Nice ah?" Biro ni Patrick kaya napatingin ako dito. "Kanina ka ba nag-aantay?" Tanong ko dito. Napakurap ang aking mata na iniwas dito dahil baka kanina pa siya tumitingin sa aking mukha. Inilagay ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likuran ng aking tainga. At pasimpleng pinapahid ang daliri sa gilid ng mga mata. "Hindi naman masyado. Ano ba ang pinapanalangin mo?" "Akin na iyon Rick," sabi ko at tinawanan ito. "Daya naman. Ako kasi, nagpasalamat ako dahil nakita kitang muli," nakangisi nitong sabi habang tumitig sa aking mga mata. "Uhh," napangisi na lamang ako. "Ako din naman Rick. Sino ba ang mag-aakalang sa tagal ng panahon magkikita pa tayong dalawa." Tumango ito. "Tara? Nagutom na kasi ako." "Gutom ka na? Ang takaw mo parin kahit noon pa Rick." "Ouch sakit naman kung makapagsalita Nice." "Totoo naman!" "Hindi nalang kita ililibre," sabi nito at biglang tumunog ang aking tiyan. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa lakas ng tunog nito. Agad niya akong hinila pabalik sa park kung saan may nagtitinda ng street foods. Habang tinitingnan ko ang kanyang likuran habang hinahatak niya ako ay naalala ko ang mga panahong mga bata pa kami at walang problemang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD