Chapter Twenty-one - Layuan
"Assorted nalang po kuya. May gusto ka pang iba?"
"Okay na iyan Rick, madami na nga iyang binili mo. Hindi ba, hindi ka pwedeng kumain niyan? I even remembered when your mom got angry when I brought one when we were little."
"Si mama lang naman talaga ang ayaw. Pwede naman akong kumain at hindi naman ako palaging nakakain ng ganito kasarap na street foods. Kung hindi mo lang siguro ako pinatikim nito noon baka hanggang ngayon hindi ko alam kung gaano kasarap ang mga pagkain na ito."
"Hindi kasi kayo lumalabas ng bahay niyo at saka magagalit din ang mama mo kung ano-ano lang ang kainin mo. Alam mo namang maalaga talaga iyon. At saka, naalala ko pang kapag gumagabi na ginagawa mong excuse na pupunta ka sa amin pero ang totoo nagpapasama ka sa akin para bumili nito."
"Naalala mo pa pala iyon?" Gulat na sabi niya sa akin.
Tinanguan ko ito. "Sino bang hindi kung noong nahuli ka ng mama mong wala sa bahay namin, kaya ayon pinuntahan tayo at may dala pang pamalo. Ayon, lakas kaya ng iyak mo noon," ani ko at hindi ko mapigilang mapahalakhak.
Napahalakhak narin siya habang umiiling. "Pero nakakatuwa kaya iyon kahit na galit sa akin si mama. Inuulit ko pa nga kasi sanay na ako sa palo niya pero teka sino ba ang kumain nung binili ko, ikaw?"
"Syempre! Umuwi ka na sayang naman kung sasama ako sa iyo hindi naman ako nakita ni tita."
"Oo kasi nagtago ka sa likuran nung lalaki kasi takot ka ding mapalo ni mama."
"Sino bang hindi kung dinala ko ang kanyang 'precious' na anak. Malamang pagagalitan din ako ni tita."
"Hindi naman siguro," natatawa niyang sabi at sabay kaming napapahalakhak.
"Sweet niyo naman naalala ko tuloy iyong magjowa dito kahapon, katulad niyo din magkababata sila at nabuo ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa dahil palagi silang kumakain ng street foods," matamis na ngiting sabi ng lalaking nasa thirties or fourties na siguro..
"Hindi po kami magjowa kuya," nahihiya kong saad. Napatingin din ako kay Patrick na nagpipigil ng kanyang tawa. "Taken na po siya kuya. Hindi na pwede," biro ko sabay baling dito ulit.
"Naku ma'am! Baka makita ka ng nagmamay-ari niyan magalit pa iyon?"
Napabulalas ako ng tawa dahil sumabay si kuya sa akin. "Magagalit daw Rick?" Baling ko naman sa aking kasama.
"Single naman talaga ako kuya, hindi taken," ani ni Patrick sa lalaki sabay tingin sa akin.
"Naku si ma'am nagsisinungaling lang pala. Baka nakita ka po ni ma'am, sir. Na may kasamang ibang babae kaya nasasabi niya iyan."
Sinapak ko kaagad ang braso ni Patrick. "Huwag kang maniwala sa kanya kuya," ani ko dito at binalingan ko si Patrick. "Sige ka! May makarinig sa iyo dito tapos kakilala niyo pa. Yari ka talaga sa girlfriend mo," banta ko dito.
"Biro lang kuya. Ito naman napakaseryoso," ani nito habang binabangga ang aking balikat na siyang iniiwasan ko naman.
"Kayo talagang bata kayo. Oh ito na ang order niyo kainin niyo na iyan habang mainit-init pa," sabay bigay ng ibat-ibang klaseng street foods.
"Wow! Ngayon lang ulit ako nakakain nito," sabi ko habang natatakam ng kumain.
"Seryoso?" Tanong niya sa akin na aking ikinatango. "Maraming salamat kuya," ani ni Patrick dito.
"Salamat din po kuya," paalam ko din dito at agad na sumama kay Patrick. "Hindi na kasi ako masyadong lumalabas para bumili nito alam mo namang ekwelahan, trabaho, at bahay lang tumatakbo ang aking buhay."
"Siya nga pala, nasaan na pala si tita?" Tanong nito sabay upo sa may pangdalawahang swing.
Napatigil naman ako pero hindi ako nagpahalata. Nagkunwari akong inaabala ko ang aking sarili sa paghalo ng mga pagkain bago ako umupo sa katabing swing. Napahugot ako ng malalim na hininga upang ihanda ang aking sarili sa aking mga sasabihin.
"Lumabas ng bansa," nakangiti kong sabi.
"Kailan lang?" Tanong nito habang sinisimulan ang pagnguya sa kanyang pagkain.
"Noong lumipat kami ng bahay. Ilang araw din, lumipad pa abroad kaagad si mama."
"Lumipad din ng abroad that time si papa," sabi nito pero nakita ko ang pagbaling ng kanyang mukha.
"Palagi namang pumupunta sa abroad ang papa mo hindi ba?"
Agad itong bumaling na nakangiti ang mukha. "Oo, nalulungkot lang ako." Natigil ito at saka ngumisi. "Bakit ka nagtatrabaho kung nagtatrabaho pala ang mama mo sa abroad?" Sumeryoso ang kanyang mukha.
Napakurap naman ang aking matang umiwas sa titig nito at kumagat muna ng pagkain. "Hindi pa kasi nagpapadala si mama baka kailangan pa siyang mag-adjust doon."
"Tumatawag ba siya sa inyo?" Tanong nito na ikinabaling ko.
Biglang bumigat ang aking dibdib pero ngumiti ako sa kanya. Tumango ako kahit alam ko na humahapdi na ang aking mga mata. Nagkunwari akong humikab para hindi nito mapansin ang namumuong luha sa aking mga mata.
"Oo palagi naman kaming nag-uusap ni mama," kunwari kong sabi nito.
"Akala ko wala," ani nito at ngumiti. "Huwag ka ng malungkot diyan! Nandito pa naman ako. Umiiyak ka ba?" Turo nito sa aking mga mata.
Agad kong inilayo ang aking mukha. "Huh? Hindi kaya," sabay punas ko dito ng aking daliri. "Wala naman ikaw talaga binibiro mo ako."
"Iyakin ka kasi noon baka kasi hanggang ngayon iyakin ka parin."
"Hindi na Rick. Malaki na ako para umiyak pa," sabi ko dito sabay halakhak.
"May sauce ka sa gilid ng labi mo," turo nito. "Let me," ani nito at inilapit nito ang kanyang daliri.
Napatitig ako sa kanyang mukha habang maamo nitong nakapokus sa kanyang ginagawa. I was stuck at the moment dahil sa hindi ako nag-aasume pero ito iyang mga nakikita ko sa pelikula na kung saan nagkakatitigan ang mga bida. Agad akong tumikhim upang tigilan ang aking iniisip kasi mali itong iniisip ko.
"Maraming salamat," ani ko sabay iwas ng aking mukha.
Dama ko parin ang paghaplos ng kanyang daliri kahit wala na ito dito. Kita ko sa tagiliran ng aking mga mata na umayos ito ng upo. Kumagat ako ng pagkain kahit na kumakabog ang aking dibdib na ngayon ko lang napansin.
Hindi pwede itong namumuong damdamin ko para sa kanya. Alam kong kalasingan lang iyon kung bakit niya nasabi ang mga katagang nasaisip niya ako. He just misses me dahil I am his childhood friend.
"Natahimik ka?" Tanong nitong ikinabaling ko.
Nginitian ko ito. Tumatama na ngayon ang sikat ng panghapong araw sa kanyang mukha. Nakaside-view siya sa akin kaya nagkaroon ng silhouette ang kanyang mukha at nadedepina nito kung gaano kaganda ang kanyang mukha. Ang tabas ng kanyang matangos na ilong, papunta sa labi nito, at pababa sa Adam's apple nito.
"Tulala ka diyan? Guwapo ba?" At napangisi ito
"Ang hangin ng panahon ngayon," biro ko dito habang tinitingala ang kalangitang walang kaulap-ulap.
"Biro lang naman," ani nito. "Baka gusto mo pang bumili?"
"Huwag na. Busog na ako at saka marami narin naman akong nakain." Napatingin ako sa aking relo. "Uwi na siguro tayo baka gabihin tayo sa daan."
"Sige tara," tumayo ito at naglahad ng kamay.
Kinuha ko naman ito sabay tayo. "Salamat," at kinuha agad ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Ito," sabay bigay ng tubig noong nakapasok na kami sa loob ng sasakyan.
Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at saktong pagdating namin ng hideout ay gumagabi na. Humigit isang oras siguro akong nakatulog sa sasakyan habang papunta dito. Marami naring tao sa loob na kumakain habang inaantay ang live band.
"Maraming salamat talaga Rick." Sabay kalas ko ng aking seat belt. "Uuwi ka na?"
"Siguro? Baka kasi hinahanap na ko sa amin."
Tinanguan ko ito. "Marami talagang salamat Rick at nakapagpasyal tayo muli."
"Ako din naman. Nag-enjoy ka ba?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman. Sobra. Sige na baka magalit na talaga si tita. Labas na din ako baka magsisimula na."
Tumango ito kaya agad kong lumabas sa kanya sasakyan. Isinarado ko ito at kumaway sa bintana para magpaalam. Pumreno ito at saka pinatakbo na ang sasakyan. Tumingin muna ako dito bago ako tuluyang tumalikod para pumasok na sa loob.
Natigil ako sa paghakbang nung naaninag ko ang presensya ng aking ama na nag-aantay sa labas. Nanlaki ang aking mata kaya agad akong lumapit dito upang magmano. Hindi naman ito lasing noong bumati ako dito.
"Anong ginagawa mo dito pa? Kanina ka pa dito?"
"Sino iyong kasama mo? Sabi sa akin ni Claire kababata mo raw?"
"Oo," tango ko sa kanya. "Si Patrick iyong kapit-bahay natin noon, anak ni tita Ettice."
"Iyon din ba ang naghatid sa inyo noon at kahapon?" Marahan ko itong tinanguan. "Layuan mo iyon."
Sabi nitong ikinatigil ko. "Po? Bakit po pa?"
"Basta layuan mo iyon Phenice."
"Pa? May girlfriend na iyon. Hindi ko siya gusto."
"Ang sabi ko layuan mo iyon Phenice. Mahirap bang sundin?"
"Bakit ko lalayuan pa kung wala naman siyang masamang ginagawa sa akin? Hindi po kita maintindihan. Palagi nalang ikaw ang sinusunod ko kahit na napurhisyo na ang kaligayahan ko."
Agad kong iniwan ang aking ama habang tumatagaktak ang aking luha. Hindi naman pwedeng layuan ko kaagad si Patrick kasi magtataka iyon kung bakit. Agad kung pinunasan ang mga luha bago nagpunta sa backstage.